Chapter 07

52 24 0
                                    

Hazel

Philippines

What? Uuwi ng Pinas si Safra. Ohmyg for real..

Ngayon lang talaga sakin nagsink-in lahat ng sinabi niya sakin kanina. Pakshet ang slow ko sa gantong bagay.

Masyado kasi akong napukaw doon sa boses na tumawag sakanya. Imposibleng kuya niya yun eh. Kilala ko boses ni Kuya Serix.


Tsaka parang pamilyar yung boses na yun. Kaya di ko na nabigyang pansin yung sinasabi ni Safra na ngayon lang nagsink-in sakin.

"Shet totoo ba?" sigaw ko kaya napatingin ang ibang miyembro ng SDC sakin.

Ay shet.

"Anong totoo ba? Ang sinisigaw-sigaw mo diyan?" nakataas na kilay na tanong ni Reign.

Magkakasama nga pala kami sa isang mini-house na tambayan ng miyembro ng SDC.

"Oo nga boo. Ano yun? Kanina ka pa kasi tulala." sulpot ni Kaizer sa tabi ko. Syete!!

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwalang jowa ko na to si Kaizer..

Sayang nga lang at di ko pa nasasabi kay Safra.

Nilingon ko muna ang paligid. Chineck ko kung nandito si Cloud. At napangiti naman ako ng mapagtanto kong wala siya.

"Tumawag si Saf sakin kanina habang papunta ako dito. At may sinabi siyang uuwi siya ng Pinas." masayang anunsyo ko.

Kaya napalingon sina Reese at Gio sakin at lumapit.

"Totoo? Paano? Eh masyadong busy sa pagiging international artist yun." di makapaniwalang sabi ni Gio.

"Ayun ang di ko alam. Pero masaya ako kasi uuwi si Safra dito. Matapos ang sampung taon." nakangiting sabi ko.

Naramdaman ko nalang ang pag-akbay ni Kaizer sakin. Kaya nakangiti akong tumingin sakanya.

"Pero. Kaya na ba niyang harapin si Cloud?" out of nowhere na tanong ni Reese.

"Mukhang oo. Nung tumawag kasi ako parang may kasama siyang lalaki." masayang kwento ko.

Imposible namang sa loob ng sampung taon ay wala ng nagpatibok muli ng puso ng bestfriend ko.

"Sino naman kaya yun?" tanong ni Reign na napapaisip.

"No one knows. Pero pamilyar yung boses niya." sabi ko at nag-isip ng nag-isip baka sakaling maalala ko kung saan ko narinig yung boses nun.

Hanggang sa tumayo si Reign at binuksan ang tv.

Kaya nanonood nalang kami lahat. At sakto namang yung teleserye ni Safra ang nakaere.

Ang ganda talaga ng bestfriend ko. Ang gwapo rin nung leading man.

Busy lang kami sa panonood.

Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now