Chapter 26

21 3 0
                                    

Cloud

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi pa rin ako makapaniwalang, I really have Safra back to me. Pero nasa isang magulong sitwasyon kami parehas. Dahil she just entered to a relationship with Xyro.

At hindi ko alam mangyayari samin once na makalabas ako dito.

Magmumukha siyang timer kung hindi siya makikipagbreak kay Xyro. Pero parang ayaw niya masaktan yung tao. Ay ewan sobrang gulo.

"Oh bakit gising ka Cloud?" salubong ni Hazel sakin ng pumasok siya ng room ko. Kasama niya sina Reign, Gio, Kaizer at Reese.

"Tinatamad kasi ako matulog. Saan pala kayo galing?" pagpapalusot ko na medyo kinakabahan kasi baka nakasalubong nila si Safra sa hallway. Kasi wala pang 10 minutes simula ng umalis si Safra dito.

"Ah sa Canteen ng Hospital, nagugutom na kasi kami Kaizer. At saktong nakita namin sa baba tong sina Gio kaya sinama na namin sila sa Canteen para kumain muna bago pumunta dito." sagot ni Hazel kaya napatango nalang ako. Lihim kong kinuha ang phone ko sa lamesa at tsaka lihim na tinext si Safra.

To: Safra
Nakauwi ka na ba?

At maya-maya pa ay nagreply na siya pabalik agad.

From: Safra
Nasa lodge na ko ng Hotel, paakyat na ko sa room ko.

Kaya medyo nakahinga ako ng maluwag kasi natatakot nga akong baka nakita siya nila Hazel.

To: Safra
Okay, pahinga ka na.

After ko isend yun ay nilapag ko na muli ang phone ko sa lamesa ng maramdaman kong masama ang tingin ni Kaizer sakin. Kanina pa talaga siya nagsusungit, nung nagising ako kanina napakasungit sakin.

"Kamusta pala pakiramdam mo, Cloud?" tanong ni Gio sakin kaya napatingin ako sakanya.

"Okay na naman. Medyo sumasakit lang minsan yung ulo ko." sagot ko sakanya.

"Buti naman hindi ganun kalala at hindi nagkaroon ng complications. Swerte mo pa din sa part na yun Cloud." sabat naman ni Reese.

"Anyway ano palang balita dun sa nakasagasa kay Cloud?" tanong naman ni Reign. At tsaka ko lang naalala yung tungkol dun.

Oo nga, ano pala nangyari dun sa nakasagasa sakin. Na hindi man lang bumaba at umalis nalang bigla.

"Patuloy pa din dinedetect at inaalam kung sino owner ng sasakyan. Buti nalang may CCTV tayo sa harap ng penthouse. At kitang-kita dun ang plate number ng sasakyan. At yun ang ginagamit ng mga pulis to find the suspect." sagot at paliwanag ni Hazel samin. Kaya napatango nalang ako.

Buti naman, dahil kung minalas ako baka hindi na ko nagising. Buti nalang may katapangan ding taglay tong kaluluwa ko at nilabanan si kamatayan kanina sa operating room.

"Buti naman kung ganun, update mo nalang ako once na naverify na at nahuli na yung suspek dahil patay siya sakin." medyo inis na sabi ko. Kaya napailing nalang si Hazel.

"Sino ba kasi nagsabi saying tumakbo ka sa gitna ng kalsada?" pagsusungit na naman ni Kaizer sakin. Inaano ko ba to?

"Hindi ko naman alam na ganun mangyayari eh."

"So ano kailangan alam mo? Muntik ka ng mawala samin. Kaya please lang pakitigilan na kung ano man yang nararamdaman mo para kay Safra. Ako na yung nasasaktan para sayo." inis na sabi ni Kaizer sakin.

"Tama si Kaizer Cloud, alam kong mahal na mahal mo yung kaibigan ko pero just see the situation. Safra really hate you. Ikaw lang napapahamak sa pagpipilit mo." sang-ayon naman ni Hazel kay Kaizer.

Diyan kayo nagkakamali, dahil bago niyo pa yan sabihin sakin nakausap ko na si Safra.

"Speaking of Safra, nabalitaan niyo na ba yung blind item kanina sa social media na may pumunta daw Artista sa isang hospital at pina-disclose yung info na pumunta siya sa hospital na yun at kung sino binisita niya. Kaya walang makuhang source yung mga news reporter at hindi maverify yung info. Nakita ko lang sa social media kanina.." biglang sabat ni Reign. Kaya napalingon kami sakanya lahat. "..sayang nga daw hindi maverify yung info kasi daw yung artista pumunta daw ng hospital ng walang sumbrero, salamin at mask. Kaya maraming nakakita sakanya sa hospital na yun pero lahat ay ayaw iverify kung sino yung artista na yun. Dahil yun daw pakiusap nung Artista sakanila." dagdag pa na paliwanag ni Reign.

Di ako pwedeng magkamali si Safra yun, pumunta siya dito walang sumbrero, salamin at mask man lang na niyakap agad ako pagpasok niya ng room.

Nagawa niya talagang ipadisclose yung info ng pagpunta niya dito. Iba talaga pag international artist.

"Sino kaya yun? At tsaka anong ginagawa niya sa hospital?" nagtatakang tanong naman ni Reese.

"Ayoko mag-isip pero tanging International Artist lang makakagawan nun. Bakit parang pakiramdam ko si Safra yun?" biglang sabi ni Hazel kaya medyo kinabahan ako. Malalaman na ba nila na galing si Safra dito kanina.

"Magsabi ka nga ng totoo, Cloud. Galing ba si Safra dito kanina?" seryosong tanong ni Kaizer sakin.

Medyo nagulat ako sa tanong niya pero hindi ako nagpahalata. Dahil once na magpahalata ako, malalaman nilang nagpunta talaga si Safra dito.

"Bakit naman siya pupunta dito? Tulad ng sabi ni Hazel kanina. Galit si Safra sakin, so bakit siya pupunta dito?" pagpapalusot na sagot ko.

"Pero kasi nung makausap ko siya kanina sa telephone para papuntahin sila Gio dito ay gustong-gusto niya pumunta dito para makita ang kundisyon. Umiiyak pa nga siya kabilang linya at nakikiusap." sabi naman ni Hazel. Kaya napatitig ako sakanya.

Umiyak si Safra kanina. Kaya pala parang maga yung mata niya nung makita ko siya.

"Well hindi siya pumunta, baka naman kasi sinisi niyo yung tao sa nangyari sakin na kung tutuusin wala naman siyang kasalanan. Dahil isang aksidente lang lahat." sagot ko sakanila. Dahilan para makumbinsi sila sa sagot ko. At napansin ko ang pagbabago ng mukha ni Kaizer na halatang nagregret sa paninisi kay Safra. Tsk!

Nasa kalagitnaan kami ng pag-usap ng biglang may dumating kaya napalingon kami sa pinto.

"Oh Direk, ikaw pala." bungad ko sakanya. Siguro nasabi ni Safra sakanya yung nangyari.

"Ano okay ka lang ba Cloud, wag kang mag-aalala about sa shooting. We decided to cancelled it muna dahil di kami makakapagshooting without you. Dahil sobrang importante ng role mo sa mga next scene na gagawin natin. Kaya magpahinga ka nalang muna at magpagaling at tsaka tayo magpoproceed ulit sa shooting." nag-aalalang sabi niya sakin at tsaka pinatong ang dala niyang prutas sa table.

"Oo naman Direk, okay lang ako. Don't worry mga ilang araw lang siguro okay na ko." sagot ko sakanya.

"Ah hi Direk, upo po muna kayo dun. Baka mangalay po kayo." singit ni Hazel at ningitian si Direk. Kaya nilingon at ningitian siya pabalik ni Direk.

"Sige okay lang, hindi naman ako magtatagal. Dahil madami pa kaming aayusin at ichecheck na script. So maiwan ko na kayo. Magpagaling ka Cloud ah. Napadaan lang talaga ako dito to check your condition." sagot niya. At tsaka nagpaalam na samin dahil nagmamadali daw talaga siya.

Ng maiwan kami ay nagpaalam muna sina Gio, Reese at Reign na babalik muna sa penthouse para kumuha ng damit ko at para makapagpalit na daw ako ng damit.

Habang sina Kaizer at Hazel, ay pupuntahan daw si Safra para humingi ng despensa tong si Kaizer sa paninisi kay Safra.

Siraulo kasi masyado hmp.

Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now