Chapter 18

37 15 0
                                    

Safra

"Bakit kung makapagsalita ka, parang ikaw yung napagod, Ian?" sigaw ko kay Cloud siya kasi kaeksena ko ngayon.

"Hindi mo kasi naiintindihan, Althea di mo alam mga pinagdaanan ko at nauwi sa puntong pati ikaw isinuko ko." umiiyak na sambit niya, nadala ako sa eksena at tinititigan ko siya.

Alam kong nadadala na din siya tulad ko, alam kong may nilalaman na ang bawat linya niya. Pero bakit? Ganto nararamdaman ko na parang gusto kong marinig ang paliwanag niya.

Bakit parang gusto kong pakinggan mga sasabihin niya?

Bakit parang gusto ko ulit marinig na sabihin niya na mahal niya ako?

At bakit kailangan maramdaman ko ito, bakit pa?

"Anuman ang rason mo, Ian wala na akong pake. Dahil nasaktan mo na ako, dinurog mo na ako. Sinira mo na ang buhay ko? Nawala na yung pagmamahal ko sayo..." umiiyak na sambit ko at dinuro-duro siya. "..simula nung araw na bumitaw ka at sabihin mong di mo na ako mahal. Nung araw palang yun, nawala na lahat ng pagmamahal na meron ko sayo, dahil napalitan ito ng sakit na hanggang kamatayan ay dadalhin ko. Alam mo ba kung ano nalang meron ako ngayon?" nakangising sabi ko at pinunasan ang luha ko at pinakatitigan ko siya.

Ramdam kong naguguluhan na ang mga tao sa paligid namin. Pero wala akong magawa nagkusa na eh!!

"A-Althea?" nauutal na sabi niya.

Natatawa naman akong tiningnan ang nakakakaawa niyang mukha.

"..alam mo ba kung ano yun Ian? Sige sasabihin ko sayo para marinig mo mula sakin, kung anong nararamdaman ko ngayong nagkita ba ulit tayo.." sandali kong pinutol at tsaka dinuro ang puso ko kaya napatingin siya. At tsaka ako nagsalita. "..galit nalang ang meron ako, Ian. Yung galit na yun nadagdagan pa ng malaman kong all this time ginagamit mo lang ako, na all this time di mo talaga ako minahal. Tapos eto ka ngayon parang tanga na naghahabol. Myghad, Ian! Nasa katinuan ka pa ba? Ikaw ang nagloko tapos ikaw tong maghahabol." madiing sabi ko sakanya dahilan para matahimik siya.

At halatang gulong-gulo na siya sa nangyayari.

"Parang wala na sa script yun ah." rinig kong bulong ng Direktor namin.

"Direk, wala na nga po talaga." rinig kong bulong nung scriptwriter.

"Direk, icucut na ba natin?" tanong naman nung Staff.

"Wag, hayaan niyo sila." sagot ni Direk.

Pero wala na akong pake sa mga sinasabi nila ang mahalaga ay masabi ko lahat ng gusto kong sabihin sakanya, lahat-lahat.

"Nagulat ka no, alam ko Ian. Narinig ko kayo! Tinanong ka niya kung kailan mo ko iiwan kasi diba ang totoo ginamit mo lang ako para balikan ka ng kingina mong ex? Tapos ano nga ulit sinagot mo?" garalgal na boses na saad ko sakanya.

"A-Althea?"

"Ah, oo naalala ko na sabi mo. Confidence ka pa nga sa sagot mo nun eh. Sabi mo "oo ginamit ko lang siya" nakakatawa diba, all this time ginawa mo kong tanga." natatawang saad ko sakanya habang patuloy na nagbabagsakan ang mga luha ko.

"Narinig mo?" gulat na tanong niya.

"Ang tanga niyo kasi mag-uusap nalang kayo dun pa sa maaaring may mga makarinig. Mag-uusap nalang tungkol sa plano, di pa ginalingan. Humanap dapat kayo ng magandang lugar.." natatawang suggestion ko sakanya. "..dapat sa hotel or restaurant para sosyal." nakangising saad ko sakanya.

"Di ko sinasadya, mali ang pagkakarinig mo." sabi niya sa akin, kaya natatawa akong tiningnan siya.

"Tapos gagawin mo pa kong bingi, alam ko narinig ko. Alam na alam ko! Wag mo kong gawing tanga. Kaya tumigil ka na! At layuan mo na ako.." madiin na saad ko. "..di ko na kailangan ang paliwanag mo at mga rason mo. At kung ano man ang totoo, dahil di na kita mahal. At tulad ng sabi ko sayo kanina, puro galit nalang ang nararamdaman ko para sayo." madiing sabi ko at tsaka lumapit sakanya at sinampal siya na kinabigla ng lahat.

Alam kong wala na to sa script, at wala sa usapan to. Kaya ganun nalang ang gulat ng lahat!

"Iyang sampal na yan ay ang sampal ng panggagago mo sakin. At iyang sampal na yan ang patuloy na magpapaalala sayo, na nagkamali ka ng babaeng sinaktan." madiing saad ko at pinunasan ang luha ko at tinalikuran siya. Naiwan siyang tulala at di makapaniwala.

"And cut.." sigaw nung Direktor.

Pero di ko na yun pinansin, dali-dali kong hinila palabas si Xyro at naguguluhan man siya ay nagpahila na rin siya sa akin.

At paglabas namin ay doon ako umiiyak sakanya.

"It's okay!" pagpapakalma niya sa akin..

"Sobrang gaan pala sa pakiramdam pag nasabi mo na lahat-lahat ng nararamdaman mo. Yung galit mo nailabas mo na, yung galit na matagal mong tinago. At ngayon ay tuluyan ng sumabog." umiiyak na sambit ko kay Xyro habang nakayakap sakanya, hinimas niya ang likod ko at pinakalma ako.

"Alam kong di naging madali sayo to, dahil kahit anong takbo mo at layo. Pag nakaharap mo na ang nakaraan mo ay wala ka ng magagawa kundi harapin at labanan ito, dahil ganito ang takbo ng buhay, Gail. All you need to do is harapin ito ng buong-buo kahit na nandun yung takot mo." bulong niya sa akin, at doon ay tuluyan na kong humagulhol.

"Bakit ganun? Xy. Kahit nasabi ko na lahat-lahat. Bakit nararamdaman ko paring walang nagbago sa nararamdaman ko sakanya? Bakit ganto Xy? Anong dapat kong gawin para tuluyan na kong makabangon sa nakaraan ko. Dahil pagod na pagod na akong aalalahanin ito. Pagod na ako Xy! Pagod na akong umiyak, at patuloy na habulin ng nakaraan." umiiyak na saad ko sakanya.

Inaalalayan niya ako para umupo sa isang bench sa labas ng building at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay niya.

"Saf di yun ganun kadali, may proseso ang lahat. Dahil nga sa tagal mong tinakbuhan ito, ay eto at magsisimula ka palang magheal. Ngayong nasabi mo na lahat, ang kailangan mo nalang ay gawin ang lahat para magheal ka na. At makalimutan na lahat-lahat ng masasakit sa nakaraan mo." paliwanag niya sa akin.

Natahimik ako at napaisip ako. Umupo siya sa tabi ko at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Kaya nakaramdam ako ng panandaliang pahinga.

Hanggang sa..

"Safra? Okay kalang ba?" biglang sulpot ni Ate Hexa.

Di ko alam ang isasagot ko dahil di ko naman alam kung okay lang ba ako? Dahil ang bigat-bigat ng nararamdaman ko ngayon.

"Mukhang hindi pa nga, basta nandito lang ako.." sabi niya at lumapit sakin at tinap ako sa ulo. At tsaka nilingon si Xyro. "..Xy ikaw na bahala kay Safra, may eksena pa ako eh." pagpapaalam ni Ate Hexa.

Tumango naman si Xyro bilang sagot.

Basta ang alam ko lang ay sobrang pagod ako, pagod na pagod.

To be continued..

Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now