Chapter 37

18 3 0
                                    

Xyro

Kanina pa talaga ako nagtataka dahil di ko nakikita si Safra sa set. At parang okay lang eto sakanila.

Hanggang matapos ang shoot ay walang nagtangkang magtanong kung nasaan si Safra.

I know na nakipaghiwalay siya sakin kahapon pero nagtataka lang talaga ako kung bakit wala siya dito ngayon. Kaya pagkatapos ng shooting ay natagpuan ko ang sarili ko na papunta sa kumpanya ng Kuya ni Safra, kay Kuya Serix. Dahil alam kong higit kanino man siya lang ang nakakaalam kung nasaan si Safra.

Pagdating ko sa kumpanya ay pinapasok naman ako agad.

At pagpasok ko ng office ay pinaupo niya ako.

"Bakit naparito ka, Xyro?" bungad niya sa akin.

"Gusto ko lang sana itanong kung nasaan si Safra?" tanong ko sakanya. Kaya napatingin siya sakin.

"Wala na siya, she went back to Los Angeles dahil may big project siya dun. Bakit mo siya hinahanap? As far as I know, my sister break up with you." seryosong sabi niya.

Di ako sanay na nasa ganitong mode kaya kailangan ko ayusin ang behavior. Kasi alam kong opisina to kaya hindi ko siya pwedeng kausapin katulad ng kung paano ko siya kausapin nung nasa Los Angeles pa kami.

"Yes, kahapon lang. I just concern kung bakit wala siya kanina sa set."

"Hmm, about that. Safra quit the teleserye and kanina lang umaga she went back to Los Angeles. Any questions kasi kung wala na makakaalis ka na kasi marami pa kong gagawin dito.." seryosong sambit niya kaya napatingin ako sakanya. Bakit ganto siya sakin? "..dahil sa totoo lang hindi Ikaw ang inaasahang pupunta dito kundi si Cloud." dagdag pa niya kaya natahimik ako.

"Si Cloud?"

"Oh you still don't know, they got together. Kaya sobrang lamig ng kapatid ko sayo at iniiwasan niyang magdate kayo. Humanap lang siya ng tiyempo para nakipagbreak sayo, kasi natatakot siyang masaktan ka niya.." deretsahang Sabi ni Kuya Serix sakin.

Nagkabalikan sila? Habang kami.

"..in short they dating each other behind your back. And that's the reason kaya pinabalik ko siya sa Los Angeles. At isa pa sa reason is if nakita mo yung dating rumor article namin ni Hexa. Yung leaked attached photo dun, hindi kami yun. We later found out that it was Safra and Cloud." dagdag pa niya. Dahilan para tuluyan akong matigilan at matulala.

They really dating. Kaya pala ganun siya sakin, kasi mas pinili niyang saktan ako kaysa magpanggap na masaya siya sakin.

At hindi ko alam ang mararamdaman ko, dahil sobrang sakit.

After nun ay umalis na ko at di ko alam kung saan na ko pupunta. Nagdrive ako ng nagdrive, habang patuloy sa pag-agos ang luha ko.

Ayokong maniwala pero eto yung totoo na hindi siya natapos mahalin si Cloud na all these time. It was still Cloud, she loved.

Kaizer

Nasa kalagitnaan kami ng pagpapractice ng biglang magtitili si Hazel. Di ko talaga alam kung paano ko naging girlfriend at natagalan ang maingay na to.

"Anong tinitili-tili mo diyan?" nagtatakang tanong ni Reign sakanya.

"May bagong dating rumor, this time it was about Cloud and Safra. Tama nga hinala natin Kai." umiiling na sabi niya at tsaka pinakita ang article sa mga kasama namin.

At nakita namin ang picture, at spotted sila sa Tagaytay kung saan kita ang taal volcano. And they hugging each other.

Ngayon talaga maniniwala na kong nagkabalikan na sila.

"So nagkabalikan sila?" di makapaniwalang sambit ni Gio.

"Tsk, buti naman kung ganun. Akala ko sasayangin pa ni Cloud ang chance na nandito si Safra sa Pilipinas." umiiling na sambit ni Reese.

"Ang galing lang talaga, yung halos all these years galit na galit si Safra kay Cloud, while Cloud halos sirain ang buhay niya dahil sa pag-iwan ni Safra sakanya. Pero eto sila ngayon nagkabalikan pa din. Iba talaga pag nakatadhana sa isa't-isa." di makapaniwalang sabi ni Hazel.

Kaya pare-parehas kaming natuwa sa nabalitaan namin. It's look like this article confirmed what I heard kay Ate Hexa at Kuya Serix.

Nasa kalagitnaan kami ng pagpapasaya ng biglang napalingon kami lahat sa tv ng ibalita si Safra.

"Miss S balik Los Angeles na para sa International Big Project niya matapos ang pagsali niya sa isang teleserye ng Pilipinas. At kasabay ng balitang ito ang paglabas ng leaked photo na animo'y nagdadate ang member ng kilalang sikat na dance group dito sa Pilipinas ang SDC na si Cloud at ang International Actress na si Miss S. They both spotted in Tagaytay hugging each other. And from our reliable sources we found out that Cloud and Miss S is an ex lover. It's look like they just got back together after so many years of break up."

"Matatandaang nalilink ang actress sa actor na si Xyro. Ano nga bang nangyari sakanila at bakit mukhang nagkabalikan si Cloud at Miss S."

Di na namin inintindi ang ibang detalye ng balita. Dahil yung pinakaunang line ang pumukaw ng atensyon namin.

"Bumalik na si Safra sa Los Angeles, teka nasaan si Cloud?" takang tanong ni Hazel.

"Hindi ko na siya nakita mula pa kagabi. Nasaan kaya yun? Alam niya kayang umalis na si Safra?" sabat naman ni Reign habang si Gio ay nakaakbay sakanya.

Mas dumoble ang sweetness nila nung maging sila at nagkaaminan pero madalas pa rin magbangayan at minsan ay muntikan sumabog tong Penthouse dahil sa pagbabangayan nila.

Pero nasaan nga ba si Cloud?

Sana naman wala siyang gawin sa sarili niya. Umayos-ayos ka Cloud.

Cloud

Kasalukuyan akong nasa airport, ng malaman ko mula kay Ate Hexa na babalik na sa Los Angeles si Safra. Ay agad akong nag-iimpake at nag book ng ticket.

Hindi ko na hahayaan pang wala akong gawin. Susundan ko siya sa Los Angeles at bahala na kung anong mangyayari sakin dun pagdating ko.

Habang nasa biyahe ay di ko mapigilan mapangiti.

Dahil alam kong tama ang desisyon ko. Hindi na ko mag-aaksaya ng panahon, katulad ng pag-aaksaya ko ng ilang taon na hinayaan kong mawala si Safra sakin.

At kahit saan pa siya ay susundan ko siyang, walang kahit ano pwedeng makasira samin.

Parating na ko, Safra. Wait for me!

Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now