Chapter 24

25 3 1
                                    

Safra

Nagulat kami ni Xyro sa sigaw ni Kaizer, kaya napalabas kami ng Penthouse. At para akong nabunutan ng tinik ng makita ko ang puno ng dugo na si Cloud na buhat buhat ni Kaizer. At napansin kong mukhang tinakbuhan siya ng nakabangga sakanya.

"Ohmygod, please Cloud kumapit ka lang. Hazel dali, start the engine of the car." natatarantang utos ni Kaizer kay Hazel. Kaya dali-daling kumilos si Hazel at tsaka ng mapaandar ni Hazel ang sasakyan ay agad isinakay ni Kaizer ang walang malay na si Cloud na tila mauubusan na ng dugo.

"A-anong nangyari kay Cloud?" natatarantang tanong ko sakanila. Kaya nilingon ako ni Kaizer na akmang pasakay na sana ng kotse.

"Hindi pa ba malinaw sayo, Saf. This is all your fault. Don't even or even dare try to visit Cloud. Dahil kasalanan mo to lahat." galit na galit na sambit ni Kaizer, this is the first time na nagalit siya sakin at nakita ko ang galit niya.

Kaya natahimik ako. At hindi ko alam kung anong isasagot ako.

Dahil pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit naaksidente si Cloud.

"Kaizer, kumalma ka nga, walang may kasalanan okay. Kaya tara na at sumakay ka na, dahil nauubusan na ng dugo si Cloud." sigaw ni Hazel kay Kaizer. Kaya dali-daling sumakay si Kaizer, at tsaka pinaharurot ni Hazel ang kotse.

Ng tuluyan silang makaalis ay di ako nakaimik o nakagalaw man lang sa pwesto ko. Pilit akong kinakausap ni Xyro pero hindi niya makuha ang atensyon ko.

Dahil sa pag-iisip kong kasalanan ko lahat. Like what if? All this time nagsasabi ng totoo.

At masyado lang ako sarado to believe him. Ng dahil sa galit ko sakanya, hindi ko nagawang intindihin at pakinggan ang paliwanag niya. What if, hindi na ko magkaroon ng chance to fix our feud. What if habangbuhay kong pagsisihan na hindi ko siya nagawang pakinggan.

Dahil sa totoo lang sa tuwing binabalikan ko yung gabi na yun, alam ko sa sarili kong hindi ko narinig at napakinggan ng buo ang pinag-uusapan nila.

At gumawa lang ako ng sariling conclusion para saktan sarili ko. Dahil sobrang tagal nilang nag-uusap eh. At pagbalik ni Cloud sa venue, napansin kong hinahanap ng paningin niya at ako. Na hindi ko muna pinagtuunan ng pansin gaano that time dahil inuna ko galit.

What if all this time mali ang alam ko? Na nagkamali ako that night.

"Gail? Are you okay?" Xyro asked. Pero hindi ko siya sinagot. Dahil nanatiling lumilipad ang isip ko kakaisip sa kung kasalanan ko nga ba lahat ng to?

Teka? Paano siya naaksidente. Napakaimposible namang sinadya niya talagang pumunta sa gitna ng kalsada para magpakamatay.

Wag niyo sabihing nakita niya.

"He see it. He really see it." I almost whispered.

Kaya siya naaksidente because nakita niya.

Kasalanan ko nga talaga lahat ng to. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ko senyales na may tumatawag.

At doon ko lang napansin na nasa loob na pala kami ng Penthouse. At nakaupo sa sofa ang iba naming kaibigan na pare-parehas nag-aalala kay Cloud.

Kinuha ko sa bag ang phone ko at tsaka chineck kung sino natawag. Si Director pala. Bago ko sagutin ay nagpasya akong lumabas ng Penthouse at doon ko agad sinagot ang tawag.

"Miss S, the shooting will be resume later at 3pm. Please go back later." bungad niya.

"Direk, baka po hindi kami makabalik agad. May nangyari po sakin." nag-aalangang na sagot ko sakanya.

"Why? What happened?"

"Naasikdente po si Cloud sa harap ng penthouse nila, at hindi po namin alam kung kamusta lagay niya. Dahil wala kaming balita from Kaizer and Hazel." sagot ko sakanya.

"Ano? Si Cloud? So we need to cancelled this shooting today and to the following day. Because Cloud still have scene sa mga ishoshoot sana natin." gulat na sagot niya sakin mula sa kabilang linya.

"Yes, Direk."

"Alam mo ba kung saang hospital dinala, as a Director I need to know." sagot niya na halata ang pag-aalala sa boses niya.

"I still don't know Direk, dahil hindi pa natawag sila Hazel at Kaizer. Ganto nalang, itetext ko nalang sayo yung hospital name once na malaman na namin kung saan." sagot ko kay Direk.

"Okay sige, Miss S. Pakibalitaan nalanga ko, anyway ingat kayo diyan. Ako na bahala dito sa set. Iinform ko nalang sila sa nangyari." sagot niya sakin.

At after noon ay sabay naming pinatay ang tawag. At tsaka ako bumalik sa loob at umupo ulit sa sofa. Matagal pa kaming tulala at nag-iisip. Sobrang tahimik nga ng buong sala, ng biglang tumunog ang telephone sa lamesa. Kaya agad ko itong sinagot.

"Safra, is this you?"  bungad ni Hazel mula sa kabilang linya.

"Oo ako nga, kamusta lagay ni Cloud?" I asked without hesitation.

"Safra, malala kalagayan niya. Sobrang nadamage daw yung ulo ni Cloud at naubusan raw talaga ng dugo si Cloud. Doctors doing everything to revive him."

Malala lagay niya? Wag naman sana.

Please Cloud, I know we are still not okay and not good but please lumaban ka. They still need you. Everyone still need you.

"Pwede ba ko pumunta diyan? Hindi ko kayang magstay lang dito and doing nothing? I wanted to know kung anong lagay niya." medyo mangiyak-ngiyak na sambit ko sakanya.

Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako? Kahit alam kong narito si Xyro at pinagmamasdan ako at nag-alala sakin. Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko.

Siguro ako na hindi ko na mahal si Cloud at si Xyro na laman nitong puso ko. Pero bakit ganto nararamdaman ko para kay Cloud?

Bakit nasasaktan ako? At gusto kong nandun ako sa hospital to know his condition and be there for him. Hindi ko na maintindihan sarili ko.

"Hindi pwede Safra, baka magkainitan lang kayo ni Kaizer. Galit na galit siya sayo."

"I know, but I wanted to see Cloud. I wanted to see with my own eyes na lumalaban siya. Natatakot akong hindi ko na ulit siya makita pa." umiiyak na sagot ko sakanya. Ramdam kong nakatingin na mga kasama ko rito sa penthouse lalo na si Xyro. Alam kong nasasaktan siya sa inaasal ko ngayon.

Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Hindi ko mapigilang mag-aalala na parang girlfriend pa din ako ni Cloud.

I don't really understand what my heart really want.

Passion Series: Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon