Chapter 05

55 24 0
                                    

Safra


Kasalukuyang narito si Xyro sa bahay. Nakikipabuno siya kay Kuya Serix.
Ang kulit nga nila tingnan eh.


Akala mo nga naman isang artista makikipagbuno sa isang 10 year MVP basketball player na si Kuya.


Biyernes ngayon at maya-maya lang ay aayusin ko na mga gamit ko. Walang shooting ngayon dahil pinaghahanda kami ni Direk para sa pagpunta namin sa Pilipinas.

"Hoy Xyro ayusin mo naman." sigaw ni Kuya sakin.

Ng matapos sila magbunuan ay naglaro naman sila ng mobile games.

At ayun ay ang sikat na laro na Mobile Legends.

At kanina pa sila nagsisigawan sa totoo lang.

Hanggang sa.

Doorbell rings..

Kaya napatingin silang dalawa.

"Ako na magbubukas." sabi ko habang kumakain ng pizza na dala ni Xyro.

Mga sampung box ata to. At paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Hexa.

Siya pala.

Kaya nakangiti akong lumapit at pinagbuksan siya.

"Wag kang matataranta ah. Nandito si Xyro." babala ko sakanya.

Natawa nalang siya.

"Hanggang dito ba naman inaabot ang panliligaw nun?" naiiling na sabi ni Hexa.

"Ibang klase ang isang yun Ate." natatawang sabi ko habang bitbit ang isang box ng pizza.

"Btw nandiyan ba si Serix?" tanong niya sakin.

"Oo at naglalaro sila ni Xyro." sagot ko sakanya. "Tara sa loob." yaya ko sakanya.

Tumango naman siya.

Tahimik kaming pumasok sa loob. At di kami napansin ng dalawa dahil masyado silang busy kalalaro ng mobile games.

Niyaya ko si Hexa na umupo sa lamesa kung saan nakalagay ang walo pang box ng pizza yung isa kasing box ay na kay Xyro at Kuya. Inuupakan nila.

At yung isa ay kasalukuyan kong binabanatan.

Nakangiti lamang si Hexa na pinapanood ang dalawa na nagmumurahan na.

"Ang bobo mong assassin Xyro." gigil na sabi ni Kuya.

"Badtrip si Layla pre. Ako binabanatan ng binabanatan." sagot naman ni Xyro sakanya.

Matagal bago natapos ang paglalaro nila. Hanggang sa narinig namin ang boses mula sa nilalaro nila.

"Victory."

Kaya napahiyaw ang dalawa. At napayes o yes pa.

Parang mga bata talaga taena.

Hanggang parehas silang natigilan ng makita kami ni Hexa lalo na si Kuya. Napatitig pa siya kay Ate Hexa.

Walang ano-ano ay nanakbo si Kuya at niyakap niya ito.

"I miss you babi." Kuya whispered.

"I miss you too babi. Sorry if ngayon lang ako nakapunta. Masyadong marami lang ginagawa." sagot naman ni Ate Hexa sakanya.

"Don't be sorry. I know your priorities babi. I love you for that." nakangiting sabi ni Kuya sakanya.

They been together for almost 5 years and going strong. Nagligawan sila for 4 years. Ganun ang naging flow bago tuluyang maging sila.

Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now