Chapter 11

55 23 0
                                    

Safra

Ng marating namin ang gate ng bahay nila Hazel. Agad akong napangiti. Ang alam ko nung pag-alis ko bumalik na sa puder ng mga magulang niya si Hazel kaya dito ko na siya pinuntahan.

Dahil alam kong nandito siya.

"Eto na ba yung bahay?" tanong ni Xyro sakin.

Tumango ako sakanya at tsaka bumaba ng kotse niya. At pagbaba ko umikot ako sa driver seat at binuksan ito at hinila siya palabas na siyang kinagulat niya.

"B-bakit?" gulat na tanong niya.

"Ipapakilala kita sa kaibigan ko." nakangiting sabi ko sakanya.

Kahit alam kong kilala na siya ng kaibigan ko haha. Aangal pa sana siya pero nahila ko na siya.

Hanggang sa marating namin ang doorbell ng gate nila Hazel.

Wala paring pinagbago bahay nila ganun pa din kaya madali kong natandaan. Kaya nagdoorbell ako.

At maya-maya pa'y may lumabas.

Si Manang Ji

"Manang Ji." bungad ko sakanya. Halos manlaki mata niya. At kinusot kusot pa mata niya dahil di siya makapaniwalang nandito ako sa harap niya.

"Ikaw na ba yan Ma'am Safra?" di makapaniwalang sabi niya.

"Ako nga po Manang." nakangiting sagot ko at nilapitan siya at niyakap. Naging malapit kasi ako kay Manang dahil madalas kaming tumambay dito ni Hazel noon.

"Jusq kang bata ka. Namiss kitang dumalaw rito. At sobra akong proud dahil ang layo na ng narating mo. Pero teka bakit naparito ka iha?" ani Manang.

Ningitian ko siya at hinila si Xyro dahil nagbabalak tumakas.

"Si Hazel po ba nandiyan?" sabi ko at bahagyang sinilip ang loob.

Sasagot na sana si Manang ng may mangingibabaw na boses.

"Manang sino po yang kausap niya?" boses palang alam kong siya na yun.

Hanggang sa nakalapit siya gate at di malaman ang reaksyon niya ng makita ako. Nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa nanakbo siya papunta sakin at niyakap ako.

"Sis." tawag niya sakin. Habang mahigpit ang yakap niya sakin. "Namiss kita." bulong niya at tsaka ko narinig ang hikbi niya.

Kaya niyakap ko siya pabalik.

"Namiss din kita sis." bulong ko sakanya. Tiningnan ko naman si Xyro na di na nagtangka pang umalis.

Buti naman.

At maya-maya pa'y kusa ng kumalas si Hazel sa yakap.

"Mukhang namiss niyo nga isa't isa kaso mukhang dumidilim na kaya pumasok muna kayo sa loob." sabat ni Manang.

"Tara sis." sabi niya at nauna na sa loob. Mukhang di niya napansin si Xyro.

Passion Series: Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon