Chapter 27

18 2 0
                                    

Reign

I still don't understand why Gio keep playing around. Hindi na kami bata or teenager but until walang progress.

Alam kong gusto namin ang isa't-isa. Pero wala siyang ginagawa. Ilang taon na kaming magkakilala at magkasama sa iisang penthouse. Pero still no progress. Hindi ko na alam kung ano pa ba kami? Kung may chance pa bang maging kami.

Dahil mawawalan na ko ng pag-asa na darating ang araw na magiging kami.

After namin pumunta sa hospital to visit Cloud, sasama pa sana ako pabalik sa penthouse to pick up Cloud clothes. Pero humiwalay na ako sakanila, kasi naiinis ako kay Gio.

"You are Reign right ng SDC yung sikat na grupo ng mga Dancer dito sa Pilipinas?" biglang sulpot ng isang lalaki sa harap ko. Nasa park kasi ako, nag-iisip-isip.

"Ah yes ako nga why?"

"I am big fan of yours, nagulat lang ako na dito pa kita nakita." ngiting-ngiti na sambit niya sakin.

"Ah despite kasi sa alam kong sikat na yung dance troupe namin ay trinatry ko pa din mamuhay ng katulad ng mga ordinary people. Kasi bago naman kami sumikat, ordinaryong tao lang din kami." nakangiting sagot ko sakanya.

"Ang ganda mo pala sa personal no. Kaya bagay kayo ni Gio eh. Sobrang lakas ng chemistry niyo pag nagsasayaw kayo. Alam mo bang may Fans Club kayo na shiniship kayong dalawa."

Kaya napatingin ako sakanya na puno ng gulat ang mukha ko. Dahil ngayon ko lang nalaman ang about dito na may fans club kami ni Gio.

"Hala? Seryoso ba?" gulat na tanong ko sakanya.

"Oo. Hindi niyo pala alam." natatawang sambit niya sakin.

Ewan ko ba pero sobrang gaan ng loob ko sakanya. Kahit na hindi ko naman siya totally kilala.

"Salamat pala sa pagsama sakin dito, anyway ano nga palang pangalan mo?"

"Wala yun. I am Noah Cyrus Lincoln."

"Nice to meet you, Noah."

Matagal pa kaming nag-usap hanggang sa nagdecide kami kumain sa isang restaurant. At doon namin pinagpatuloy ang pagkwekwentuhan.

Gio

Dahil hindi sumama si Reign pabalik sa Penthouse ay kami nalang ni Reese ang bumalik sa Penthouse para kumuha ng damit ni Cloud.

Pagdating namin sa penthouse ay agad naming inaasikaso ang mga kailangang damit ni Cloud. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkuha ni Reese ng bigla siyang magtanong sakin.

"Ano ba talagang plano mo kay Reign? Hindi mo ba nahahalata na Reign seems waiting you to confess." out of nowhere na tanong ni Reese kaya napalingon ako sakanya.

"Ha? Si Reign inaantay ako magconfess? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"Hindi mo ba nahahalata na may gusto sayo si Reign? Ano ba naman yan Gio. Ilang taon na tayong magkakasama hindi mo ba nahahalata yun?" umiiling na sabi niya sakin kaya natahimik ako.

May nahahalata na naman ako noon pa sadyang ayoko lang bigyan ng kahulugan. Dahil alam kong puro lang kami away ni Reign at asaran kaya imposibleng magkagusto rin siya sakin.

Yes you read it right, I like Reign for so long. Sobrang natatakot lang ako magconfess because by Reign personality. Natatakot akong baka pagtawanan lang niya ako.

"Pero pre, napakaimposible talagang magkagusto sakin si Reign. She hates me so much." kontra ko sakanya. Dahil alam kong napakaimposible talaga ng sinasabi niya.

"Pero pre, nagsasabi lang ako ng napapansin ko. Kasi baka sa oras na marealized mong meron nga ay maging huli na lahat sayo. Ikaw din."

"Nagsalita ang di torpe, hanggang ngayon wala kayong progress ni Stephanie. Wag ako Reese psh!" natatawang pang-aasar ko sakanya. Kaya sinamaan ako ng tingin.

"Sobrang sungit kasi nun, nakakatakot magconfess baka mareject lang ako."

"What about me? I feel the same way kaya ayoko ng idea mo na baka may gusto si Reign sakin kasi napakaimposible.." sabi ko sakanya. Kaya napatango nalang siya. "..pero seryoso wala ka rin bang planong gawin to win Stephanie?"

"Hindi ko alam, I'm scared to death."

Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan hanggang sa nakumpleto namin mga kailangan ni Cloud at tsaka kami nagpasyang bumalik sa Hospital.

Pagbalik namin doon ay nalaman namin na umalis sila Kaizer at Hazel, para pumunta kay Safra para magsorry sa paninisi ni Kaizer kay Safra. At si Reign naman daw simula ng umalis kasama namin ay hindi pa rin daw nakakabalik.

Saan na naman kaya nagpunta at nagsusuot yun?

Hazel

"Bakit ba kinakabahan ka si Safra lang naman yun?" pang-aasar ko kay Kaizer habang nasa biyahe kami papunta sa hotel kung saan nagiistay si Safra.

"Eh alam mo naman yung kaibigan mo na yun, nakakatakot." umiiling na sambit niya sakin.

"Aba kasalanan mo yan, panay kasi paninisi mo kay Safra na hindi naman aware na ganun yung nangyari kaya naaksidente si Cloud." sagot ko sakanya.

"Pero honestly, may part sakin na gusto ko magkaayos pa din silang dalawa at magkatuluyan. Pero sa sitwasyon ngayon, parang ang labo-labo na nun para sakanila. Lalo na ngayon, nag-open na ng bagong relationship si Safra kay Xyro." biglang seryosong sabi niya.

"I used to hate Cloud, sa lahat ng ginawa niya sa bestfriend ko without even knowing kung nagawa nga ba talaga ni Cloud kay Safra yun. Kasi kung nagawa niya nga talaga, hindi niya sisirain ang buhay niya all those years para sa wala lang. May part sakin na all those years, Cloud still sincere to Safra." sabi ko naman sakanya kaya napatango siya.

"I felt like, if walang Xyro. They can still get back together. Kasi kung titingnan mo maigi yung nangyari noon, it's just a misunderstanding between. At dahil pare-parehas pa tayong bata nun, we still don't understand what love really is." sagot naman niya. At tsaka hinawakan ang kamay ko habang nagmamaneho siya.

Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan hanggang sa makarating kami sa Hotel kung saan nagiistay si Safra. At nakapasok naman kami agad, dahil natawagan agad siya ng tao sa front desk at sinabi samin ang room number ni Safra, at pinaakyat kami sa kwarto niya.

Pagdating namin sa room niya at agad niya kami pinapasok.

"Anong masamang hangin at napadpad kayo dito?" bungad niya samin.

Maka-masamang hangin naman ito, napakagaling na kaibigan talaga.

"Gusto ko lang sana humingi ng pasensya sa mga nasabi ko sayo kanina. Pasensya na talaga. Hindi dapat kita sinisi." pamumula ni Kaizer.

"Naiintindihan ko naman kung bakit ganun naging reaksyon mo, nag-aalala ka lang kay Cloud. Kaya naiintindihan kita." nakangiting sagot ni Safra kay Kaizer.

"Pero mali pa din talaga yung ginawa ko. Hindi dapat ako nagpadala sa emosyon ko. Dahil hindi lang naman si Cloud ang kaibigan ko, pati ikaw. Pasensya na talaga." sabi pa ni Kaizer.

"Okay nga lang, ang kulit ng lahi mo Kaizer ah. Isa pang sorry mo, lalabas ka ngayon ng room ko." pambabanta ni Safra. Kaya medyo nakaramdam ng takot si Kaizer kaya natawa nalang ako sa reaksyon niya.

"Tama na kasi kakasorry, hindi naman mapagtanim ng galit yan si Safra." natatawang sabi ko kay Kaizer. Kaya nilingon niya ko at ningusuan lang.

Bakit ba ganito boyfriend ko?




Passion Series: Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon