Chapter 10

54 23 0
                                    

Hazel


Nandito pa rin kami sa mini house dito na kami nagpalipas ng gabi. Don't get me wrong may sari-sarili kaming kwarto rito.

Bale pitong kwarto naririto. Yung isa ay yung kay Safra. Yes meron siya pinagawa to ng apat na boys nung pagkatapos ng audition para tambayan raw namin. At mayroon ring isang malaking kwarto na dance room which is doon kami nagpapractice.

Walang kahit anong ginalaw sa kwarto ni Safra. Dahil na rin sa utos ni Cloud di ko nga maintindihan diyan eh. Ang gulo niya pramis.

Nauna akong nagising kaya agad akong bumababa. Nasaan na kaya si Reign? Papatulong sana ako maghanda ng breakfast.

Pero dahil wala akong katulong dumeretso nalang ako sa sala at i-on ang tv.

Napatingin naman ako sa wall clock na 6:30 am na.

Ng buksan ko ang tv halos mapamura ako sa napanood ko..

"Nasa Pilipinas na siya." di makapaniwalang bulalas ko.

Kaya napatili ako ng muli kong titigan ang screen.

"New Flash Report: Kadarating lamang 6am ng buong team ng I'll be there kasama na rito ang International Artist na si Miss S. Kasama niyang dumating ang 10 years MVP basketball player niyang kuya na si Serix Grae Sarmiento. At halos magulat ang lahat ng makita ang pagkakaakbay ni Xyro Alvarado kay Miss S. Marami ang napatili at napatalon. Dahil makikita sa video na ang saya-sayang nag-uusap ng dalawa. Ngayong nasa bansa na ang International Artist malamang sa malamang maglalabasan ang Miss S fanatics diyan." anunsyo ng nagrereport sa tv.

Ohmyg. Totoo ba? Maging si Kuya Serix nandito rin.

Kaya napatili na ako ng ubod ng lakas. Kaya naging dahilan para magising lahat ng kasama ko at tarantang bumaba. Maging si Cloud na tulog mantika.

Agad naman lumapit sakin ang nag-aalang si Kaizer.

OA ha.

"Napapano ka? Kala ko kung ano na?" nag-aalalang tanong ni Kaizer.

"Kasi eh. Nandito na raw sa Pilipinas si Safra." nahihiyang sabi ko.

Paano ba naman kasi lahat sila nagising as in.

Ganun na ba ako kalakas sumigaw para lahat sila magising?

"Nasa Pilipinas na siya." di makapaniwalang tanong ni Cloud.

Napatingin ako sa tv na patuloy pa ring binabalita ang tungkol sa pagdating ni Safra.

Iba ka talaga gurl.

Kaya lahat sila ay pumunta sa sapa at pinanonood ang ilan pang detalye ukol sa pagdating ni Safra.

"Naging kapansin-pansin rin ang pagkakaroon ng sariling mundo nina Xyro at ni Miss S. May mga ilan na ring impormasyon na nakikita silang magkasama sa isang publikong lugar sa Los Angeles. Ano na nga ba ang real score sa dalawa?" ani ng reporter. Habang pinaflash sa tv ang ilang pictures na nakukuhanan sa Los Angeles at ang video na nakaakbay si Xyro kay Safra.

Mukhang tama hinala ko. Nakamove-on na bestfriend ko sana!!

Focus lang kami sa kapapanood ng biglang may nabasag na kung ano..

Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now