C1

13.6K 157 12
                                    

Rickelyn Patrono

Sabi nila Highschool years ang pinaka masaya sa lahat. Nandyan ang happy-go-lucky na mga estudyante, rule breakers at mga estudyanteng maraming kaibigan kaya on the go lagi sa galaan.

Sa akin kuntento na sa isang kaibigan. Maraming gustong makipagkaibigan rin medyo ilag lang ako kasi may trust issue. May saktong pera rin naman ako panlabas, ayoko lang talaga. Sumasama rin naman ako minsan para lang hindi matawag na killjoy. Mas importante lang talaga sa akin ang mag-aral tuwing araw at gabi. Ayoko masayang ang pagod ni mama, kahit papaano ito muna ang isusukli ko sa pawis at dugo nyang ibinuwis para sa pag-aaral ko.

Last school year ko na rin pala ito. Hindi na rin matanggal ang ngiti sa labi ko hanggang sa makababa ako sa kusina.

"Nandyan ka na pala, Kumain kana anak. Pababa narin ang ate mo", Si mama. Abalang nagsasandok ng kanin para sa akin.

"Thanks ma, maupo narin po kayo", Nakangiti kong alok.

"Oo anak, ngayon na pala ang unang araw ng klase mo. Nakapaghanda kana ba?",

"Naku ma si Ricks pa talaga ang tinanong mo, Alam mo namang advance yan ng isang linggo", Si ate Karyl na kakababa lang.

Sinamaan ko siya ng tingin," Paepal ka talaga eh ate no", inis Kong bira. Ang aga aga nang-aasar na naman

"Tama na yan, halika narin Karyl. Maaga pa kayo papasok ng kapatid mo",

"Hindi ako makakasabay sayo Ricks, susunduin ako ni Jeco dito", si ate. Walang iba kundi ang long time boyfriend niya.

"Mas mabuti pa nga ate. Hindi ka pa nakakaligo baka mahuli ako sa klase kapag hinintay pa kita", tumayo na ako para makaalis narin.

"Ma, alis na ako", dagdag ko pa at humalik sa pisngi nilang dalawa

"Umalis ka nga rickelyn, bakla ka ba!", Inis nyang sabi at sabay punas sa mapula niyang pisngi.

Arte. "Look who's talking", saka siya inismiran. Sinamaan lang ako ng tingin at tatawa tawa akong lumabas.

Nalaman ko lang na nagkaroon pala ng karelasyon ang kapatid ko na babae noong highschool siya pero mukhang nagbalik loob na.

Pumara ako ng taxi at sadyang mabait ang mga tao ngayon dahil wala kaming naabutan na traffic.

Dumiretso ako sa admin at humingi ng bagong kopya para sa listahan ng subject ko dahil hindi ko pa nakuha nung isang araw dahil nagkaproblema daw.

"Here, Enjoy your Senior year Ms. Patrono",  Anang Ms. Delfin ng maiabot ang kopya. Ngumiti ako pabalik at kinuha ang kapirasong papel.

"Maraming salamat ma'am", Tiningnan ko ang schedule ko at halos lumuwa ang Mata ng makita ang unang klase.

"7:30??! Anak ng...", Pasigaw kong sabi pero huminto rin ng samaan ako ng tingin na paparating na babae sa harapan ko.

"Shouting at this early is prohibited, where's your manner", Tumigil siya sa harapan ko at nag crossed arm.

Lumunok ako ng dalawang beses pero wala parin akong mahitang laway sa lalamunan ko.

"Ah- sorry po", Tsk sungit naman nito. Transferee siguro kaya di ako kilala, naka civilian attire pa eh.

Tinaasan lang ako ng kilay at umalis agad, "Eh?", natuliro akong lumingon pabalik. Grabe ang aga aga naka engkwentro ako ng bitch na mas bitch pa sa queen bee ng campus.

Paano ko nasabi?. Tindig palang ng babae ay sumisigaw na ng pagka maldita, dumagadag pa ang suot nitong naka pencil skirt na bumagay sakanyang maliit na mukha.

Napailing nalang ako at sigurado ubod ng yaman yung babaeng yun. Nagbalik ang huwisyo ko ng mapagtantong tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase.

Lakad takbo na ang Ginawa ko huwag lang mahuli sa klase at sa pangalawang pagkakataon mabait parin ang tadhana sa akin.

Umupo ako sa may dulong upuan sa likuran dahil dito malaya kong mapagmasdan ang paligid ko. Hindi lahat ng umuupo sa likuran ay nagtatago at natatakot sa guro,  ang iba na tulad ko gusto lang makilala ang lahat ng nasa paligid. Madaling makakuha ng impormasyon kung lahat ng tao napapagmasdan mo mula sa harap at likuran. Kilos palang nila, agad mo silang makikilala. Samantalang kapag nasa harapan ka, hindi mo alam kung sino ang taong natitirang totoong tao sayo. Trust issue nga naman, tsk tsk.

Kinse minutos na ang nakakalipas pero wala parin ang guro namin. First day of school, late. Mabilis na tumakbo ang oras kaya naman walang kamatayan na pagpapakilala ang iba sa amin.

"Jayrold nga pala miss. ", Ngumiti ng pagkalaki ang lalaki sa harapan ko habang ang kamay ay nakaabot sa akin. Ayoko sanang abutin kaso baka batikusin ako ng mga babae sa harapan.

"Rickelyn", maikli kong sagot at nagulat ako ng pisilin niya ang kamay ko. Mabilis kong binitawan at pumaharap. Gwapo sana eh kaso nakaka turn off.

"Ah miss pwede bang makuha ang number mo?" Lumingon ako muli sa lalaki at nginitian parin. Transferee.

"Sorry hindi pwede eh", Paumanhin ko pero tinaasan ako ng kilay nito.

"Sige na miss mapapagkatiwalaan naman ako eh", kindat pa niya. Mukha mo!

Umiling ako at umusod papalayo sa upuan nya. Pero kapag ang tao pinanganak na makulit eh talagang mangungulit yan.

"Miss- ",

"Good morning ", Pamilyar na boses ang umalingawngaw sa loob pero di ako makagalaw. Hindi dahil alam ko na kung sino nagmamay-ari, kundi sa lalaking nakadikit ang labi sa aking pisngi at kitang kita ng dalawang Mata ko kung paano nanlaki ang mga mata ng nakakita. Shit!!

Mabilis kong itinulak ang nangngangalang Jayrold at pinalipad ang isang malakas na sampal sa kanyang pisngi. Napasinghap ang iba at ang taong nasa harapan na halos umusok na ang ilong sa bagsik ng tinging pinukol nito.

"W-alang hiya ka!", Maluha luha kong sabi dahil sa pagkapahiya. What the hell!

"I'm s-sorry miss! Hindi ko sinasadya", tska nagbaba ng tingin. Tumayo ako, balak umalis at lisan ang lugar.

"Go back to your seat Miss", Utos ng babae sa harapan. Hindi na ako magtataka kung sasabihin niyang guro ko siya dahil halata naman sa suot niyang Uniporme ng faculty.

Nagpantay ang tingin namin dalawa. Mabilis kong iniwas ang tingin dahil pakiramdam ko ginagalugad nito ang loob ko. Sa kabilang banda, nanginginig ako. Sa ilang taon ko dito sa paaralan wala man lang nambastos sa akin.

"No miss I'm sorry, kailangan ko pong lumabas", humakbang ako palabas at akmang aabutin na ang siradura ay nagsalita muli ang babae.

"I said Stay. Go back to your seat now. Don't make me repeat myself again Ms. Patrono", masungit niyang sabi. Nagtaas ako ng tingin ,nagtatakang paano nito nalaman ang pangalan ko kung gayon lang kami nagkita at nagkakilala.

Umiling ako at bumalik sa upuan. Tumingin ako kay Jayrold pero nakayuko lang ito.

"Mr. Why did you kissed the girl beside you? Is she your girlfriend?", Anong klaseng tanong naman yun! Di ako makapaniwala sa narinig.

"No miss", Namumutla ang mukha nito marahil sa pagkapahiya. Naiinis ako. Kung nandito lang ang kaibigan ko marahil hindi lang sampal ang abutin ng loko.

"Exactly! You should set aside your hormones. You just harrassed the girl you know that? Kung hindi talaga kaya magpigil why don't you go out and make yourself alone.. The second time na gagawa ka pa ng hindi kanais nais sa klase ko, drop out! Am I making myself clear Mr ?",

Tanging buntong hininga lamang ang maririnig sa klase. Malamang naramdaman narin ang presensya at ugali ng babae  sa harap.

"Yes miss, I'm sorry", saka tumingin sakin, humihingi ng paumanhin. Tumango nalang ako pero sa loob loob ko napahiya ako sa sarili.

"And you, go to my office after lunch", masungit niyang sabi sakin at tumalikod. My gosh! Fvck this

Take Me AwayNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ