C18

2.1K 92 8
                                    

Naka pokus ang mga mata nito sa akin, waring kung nagsasabi ako ng totoo.

"Sorry" maluha luhang sabi ko.

"You like her, who?" Kunot-noo niyang tanong.

Sinalubong ko ang tingin niya pero natatakot akong sabihin. Paano kung tama ang hinala ko na baka layuan niya ako.

Umiling ako.

Huminga siya ng malalim at hinarap ako. "Okay, how about this. Tell me when you're ready, okay?"

Tumango ako bilang sagot.

--
Ang bilis ng araw, sabado na naman.

"Hoy, tara na." Saka ako tumingin kay ate bitbit ang dalawang bag sa magkabilang kamay.

Ayaw man namin, pinilit kami ni kuya na lumipat sa malapit nyang tinitirhan. Mas mapapalapit nga kami sa pinapasukan namin.

"Andyan na." Sigaw ko

Isa isa naming pinasok ang mga gamit sa sasakyan ni kuya Jeco, boyfriend ni ate. Gwapo at saksakan ng kabaitan. Ano ba ang nagustuhan nya kay ate, puro sigaw ang laman ng bibig.

"Kuya." Bati ko saka siya nginitian

"Oh, kumusta." Aniya at ngumiti pa.

"Sakto lang. eh ikaw kuya, hindi ka ba pinapagod ni ate." Kantyaw ko

"Hoy Rickelyn bibig mo. Tabi nga dyan." Aniya sabay hagis ng mga bag sa may compartment.

Nagkatinginan kami ni kuya Jeco at sabay kaming natawa ng palihim.

"Wow ang ganda."si ate.

Nakarating na rin kami sa tinutukoy ni Kuya shawn.

Napaka ganda ng bahay. Kombinasyon ng classic at modern ang mga kagamitan at interior designs. Sa tingin palang, sumisigaw na sa kamahalan.

Halos nilibot narin namin ang buong bahay. Dalawang oras rin akong nagligpit ng gamit sa sariling kwarto.

Pagkatapos kong nag ayos ng sarili ay bumaba narin ako, kanina pa kasi tawag ng tawag si ate. Kawawa naman.

"Ba't ba ang tagal tagal mo. Maghahapon na, ano ganyan ka nalang!" Inis na bungad ni ate pagkababa ko.

Nagtataka naman ako sa tinuran niya. saka ako napatingin sakanya, bihis na bihis. Napatingin narin ako sa suot ko. Lose shirt at short shorts.

"Saan punta mo." Plain kong sabi at dumiretso kumuha ng tubig.

"Anong mo, tayo. Magbihis kana nga, samahan mo ako mag grocery. Uuwi si kuya Shawn dito pati na mga anak niya at asawa niya."

"Bakit hindi mo agad sinabi?!" Saka ako nagtatakbo pabalik sa kwarto ko.

Hindi narin ako nag abalang pumili ng damit na susuotin.

"Ate, tara na!" Sabi ko ng makababa.

Mabilis lang rin kami nakarating sa mall. Magkasama yung dalawa, ako na kusang humiwalay. Nakakahiya naman kung magiging third wheel pa ako.

Medyo natagalan ako sa pagpili dahil hindi ko alam kung anong pagkain ang magugustuhan nila kuya..

"Miss excuse me, pwede paabot non." Nasa kabilang side kasi ako, hindi naman ako pwedeng umikot dahil mas matatagalan ako.

"You mean, this?" Mabining aniya. Di ko napigilang magtaas ng tingin rito.

Miss Ayen?

"Oh, ma'am pasensya na po." Sabi ko ng maaninag ang mukha nito.

Ngumiti siya sa akin at inabot ang pinapasuyo kong balot ng korean meat.

Tumango siya sa akin. "Sinong kasama mo, hindi ko alam na marunong kang mag grocery."

Hah mukha bang may yaya ako?

"I mean you're so pretty, hindi kasi halata sayo."

Pakiramdam ko nag init ang mukha ko sa narinig. Knowing Miss Ayen? Hindi yan basta basta nang pupuri.

Nahihiya man ay ngumiti parin ako.

"Naku ma'am hindi po."

Rinig ko sa pwesto ang mumunting pagtawa nito. "That's what I like, down-to-earth person."

Hindi ko alam ang sasabihin kaya nanatili akong tahimik.

"Oh, mauuna na ako. " Sabi at pinakita pa na may tumatawag sakanyang phone na mas nagpabilis ng puso ko. "Your beautiful professor is calling me." May ngising dagdag niya at umuna ng lakad.

Sinundan ko pa ng tingin si Miss ayen, nasa kalayuan man ay ramdam kong tumatawa siya habang kausap ang maganda kong propesor.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas narin ako, maswerte naman ako mabilis lang kami nagkikita kita nila ate.

8:20 in the evening na ng tumawag si kuya na pauwi na sila. Halos lahat ay handa na, sa sobrang excitement kinakabahan ako, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi naman ganito nung na meet ko ang family ni Neil.

Weird

"Anak baba na, andyan na ang kuya mo." Sabi ni mama, sa labas.

"Sige ma, magbihis lang ako."sigaw ko. Rinig ko narin ang tawanan sa may baba at mga mumunting halakhak ng mga bata.

Hindi na ako nag aksaya ng oras pa dahil nakapili narin ako ng susuotin. I choose Tunic dress. Regalo ni ate na ngayon ko lang rin isusuot.

All good na, pagbaba ay dumiretso narin ako sa may dining room. Nandun narin sila mama

"Ohhhh, sabi na eh bagay sayo." Si ate na todo puri pa.

"Ikaw ba'y may inaasahan na bisita, anak?" Ngising tanong ni mama.

"Ma, si kuya shawn. Siya ang bisita." Sabi ko at sinalubong si kuya ng halik sa pisngi.

"Ang ganda naman ng kapatid ko." Sabi ni kuya at pinaghila pa ng upuan.

Napaka kisig rin niyang tingnan sa kanyang white polo..

"Kuya asan na pamilya mo." Ngiting tanong ko dahil kami kami lang nasa mesa.

"There, in your back." Saka siya tumayo.

"Daddy!" Boses ng mga pamangkin ko.

Tumayo narin ako at abot tenga ang Ngiting bungad ko sa mga chikiting.

"Hi, I'm your Tita Rickelyn. " sabi ko ng makalapit sa mga bata.

"Tita, you're so pretty." Sabi ng isang pamangkin kong lalaki

"No, she's beautiful. My tita is beautiful." Tugon naman ng isang babae.

Hahaha, hindi nagsisinungaling ang mga bata!

"Kids, how about me." Malungkot na sabi ni ate ng makaupo ang mga bata.

"Your lips is big!" Sabay na sabi ng dalawang bata

"HAHAHAHHA!" Sabay sabay rin kaming tumawa.

"H-ey! You're so bad."

"Andrei! Aubrey! !" Suway ng isang pamilyar na boses sa aking likod.

Hindi ko na kailangang lumingon dahil nandito narin siya sa harap ko. Tumahimik naman ang dalawa kong pamangkin, gusto kong matuwa sa asal nila pero mas nangingibabaw ang sakit.

SIYA ?

Ikaw ba?

Nanatili akong nakatingin sakanya at hindi ko maiwasang maitago sa ilalim ng mesa ang nakakuyom kong mga kamao.

Lumapat ang mga tingin niya sa akin na para bang gulat rin siyang makita ako.

"Miss Carson A-no pong ginagawa niyo dito" tanong ko kahit halata naman ang nangyayari. Gusto kong kumpirmahin niya.

"Shawn, she's your sister?" Imbes na sagutin ako ay kay kuya siya tumingin

Para namang tinusok ng karayom ang dibdib ko. Ang sakit.

"Yes, hon"

-




Take Me AwayWhere stories live. Discover now