C-41

2.4K 116 19
                                    

THE DAY.

Ilang oras pa ang naging preparation bago kami nakarating dito sa mismong venue. Dumaan muna ako sa mga table para kumuha ng tubig. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Abala na ang lahat at iilang minuto nalang rin ang pagitan bago magsimula ang lahat. 

Tahimik lang ako sa gilid nang daluhan ako ni Hasha

"Cheer up. I'll watch you from here." Aniya. Nagpapasalamat naman ako na kahit papaano, nandito ang babaeng to na kanina pa ako kinukulit.

Wala rin naman akong ibang kinakausap kung hindi siya lang. 

"Thank you." Tanging sagot ko.

Hindi na kami nag usap ng magsimula na magsalita ang emcee at tinawag na kami.

"From this moment, I wanna congratulate our participants in advance.  Congratulations. Now, may I remind you that the winner of this competition will receive an amount of money and special awards and it will reveal after the competition." Hype na sabi ng emcee

Marami pa siyang sinasabi kaya nagkaroon na naman ako ng oras para maglibot ng tingin.

I tried to focus na ibalik ulit ang atensyon sa harapan pero hinihigop ako ng presensya ng isang taong nanggugulo sa isipan ko. Lahat ng mga nagtataasang taong tulad nya ay nakaupo sa may gilid na kung saan may sarili silang mga table. Kasakasama nya prin si John. 

Agad kong ibinalik ang tingin sa emcee ng maramdamang bumaling rin siya sa pwesto ko. Bigla akong napapikit. Huwag mo ng tingnan Rickelyn!

Paulit ulit kong pinaaalahanan ang sarili ko na huwag na. Somehow, nakatulong pa rin yung inis ko para huminto sa pag isip sakanya. Kailangan kong magfocus para rito.

Natapos na ang ilang rounds at nagpapasalamat ako dahil isa ako sa top 5.  Ngumiti ako ng matamis ng marinig ang pag cheer sa akin ni Hasha sa gilid. Actually kanina pa yan nagsisigaw. Hindi man lang  nahiya sa mga taong nandito. Siya lang naman maingay don sa pwesto nila at sila pa mismo may ari nitong skwelahan.

"I'll kiss you if you win!" Sigaw nya ulit kaya pinamulahan ako.  Napatingin tuloy sa gawi ko ang mga kalaban ko. Hindi naman sila yung tulad ng pilipino na maghihiyawan. Nakangiti lang sila sakin. 

Di sinasadyang mahagip ng paningin ko ang babaeng nagdidilim ang paningin don sa may gilid.  Ewan ko kung nag-aaway ba sila ni sir John kasi mukhang masama din ang timpla nung isa. Para akong nabulunan sa sariling laway ng dapuan ako ng paningin nya. Bago ko pa maiwasan ay inikutan na ako ng mata.

Tsk. 

Hindi ko na lang pinansin. Nagpatuloy pa ang labanan namin hanggang sa tatlo nalang kaming natitira.

"Wow! These ladies just set a new record, they are all brilliant!" Puri ng emcee. Natuwa naman ako sa sinabi niya. Sabi kasi nila bibihira lang raw ang mga nakakapag set ng new score records sa ganitong event. Masyado raw mataas ang percentage ng nakukuha namin.

Last stage na ng kompetisyon at oral na. 

Hindi  biro ang mga kalaban ko. Marami na silang naging experienced samantalang ako, first time ko.

May timer din pandagdag siguro ng pressure. Nilagyan ng headphones ang mga tenga namin para hindi marinig ang tanong at sagot ng naunang sumabak sa Amin.

Nakailang buga na ako ng hangin. Ninenerbyos ako sa kinatatayuan. Naparami yata ako ng kape.

Nasa gilid lang din kami naghihintay matapos ang naunang sumabak. Pang huli naman ako pero kinakabahan pa rin ako.

Nanunuyo yung lalamunan ko. Tumingin ako sa pwesto ni Hasha para humingi ng tubig. Nag thumbs up pa siya matapos kong Imuwestra ang gusto kong sabihin.

Papunta na siya sa pwesto ko ng may kumalabit sa akin. "Drink this." Maikling aniya. Hindi ko man narinig ang sinabi nya ay nabasa ko naman sa labi niya. Paanong napunta siya rito? Hindi ko man lang napansin ang pagtayo nya.

Take Me AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon