C-28

2.2K 74 4
                                    


unfortunately, hindi sana ako nanalo kung hindi lang na disqualified si Samy. Nalungkot ako sakanya kasi mas mukhang kailangan nyang makapasok sa WQB para ipresent ang department nila. I earned second spot kung hindi lang sana sila nahuling nag cheat. Ending, ako ang champion.

Masama siyang tumingin sa akin at umalis pagkatapos I announced ang mga nanalo. Nagkibit balikat nalang ako at bumalik nalang sa pwesto ng mga audience.

"Eyy, congrats." Bati sa akin ni Amanda na niyakap pa ako. Ganon din ang Ginawa ko.

"Salamat." Ngiting usal ko. Pagkatapos namin humiwalay sa isa't isa ay hinanap ko ang table ng mga professors. Lilinga ko siyang hinanap pero wala akong makita.

"Si Miss Carson, nakita mo ba?" Tanong ko kay Amanda saka bumaling sakanya.

"Huwag mo ng hanapin, umalis na kanina pa." Aniya

Kunot-noo ko siyang tiningnan."Kanina pa ba? Alam nya bang nanalo ako?" May interesadong tanong ko. Malay ko ba kung hindi, hindi ko nga alam kung pwedeng consider yung nangyari kanina. Ako parin naman ang nanalo eh.

"Teka bakit mo pa kasi hinahanap yung tao, wag mo na ngang kulitin." Sinamaan pa ako ng tingin.

"May usapan kami eh." Sabi ko at kinuwento ang naging takbo ng usapan namin. 

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman. Kinulit pa nya ako kaya kung anong alam ko ay kinuwento ko narin.  Kahit kailan talaga 'to

"So anong plano mo ngayong may chance kana." Sabi niya

"Hindi ko alam. Teka dyan ka na nga, nandyan na sundo mo." Sakto kasing paparating na si Neil sa pwesto namin. Malaki ang ngiti kong bumaling kay Amanda dahil nakasimangot na naman siya. 

"Sinabing ayaw ko sa lalaki eh!" Inis niyang sabi at masamang tumingin sa akin na tinawanan ko lang ulit.

---

Uwian na pero hindi ko parin siya ma tyempuhan. Nasaan na kaya 'yon? Ang talkshit naman ni ma'am. 

Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng paa ko sa office na kung saan ko siya nakita kaninang umaga. Tahimik ang buong paligid. Walang paalam akong pumasok sa kanyang opisina pero wala sya doon. Nagpasya na akong lumabas ng campus at diretsong umuwi.

Nakauwi na ako ng bahay. Dismayado parin akong kumilos na napansin pa nila dito na di ko nalang rin pinansin at nagpatuloy sa kakaisip sakanya.

"Saan ba kasi 'yon nagsusuot. Hindi ko pa alam ang number nya kaya hindi ko rin matawagan." Usap ko sa sarili. Naglikot likot pa ako sa higaan.

"Sige iha sandali at ibibigay ko sakanya 'to" rinig kong boses ni mama na papalapit dito sa kwarto ko. Hindi ko naman maintindihan ang mga pinagsasabi nila dahil di masyadong rinig dito.

Paulit ulit pa akong gumulong hanggang sa kumatok si mama na nagpatigil sa akin.

"Nak. Anong ginagawa mo, umayos ka nga. Ay teka kausapin ka daw ng asawa ng kuya mo." Ngiting abot sakin ni mama na tinanggihan ko.

"Sandali ma." Tinaas ko pa ang isang kamay para pigilan siya sa paglapit at nagsimula akong ayusin ang boses ko. "Ehemm. Hmmm."

Kinuha ko na ang phone kay mama saka nagsimula na siyang umalis.

Muli pa akong nag 'hmmm' bago nagsalita. "H-hello m-miss." Pikit matang usal ko at kinakabahan talaga ako.

"Where were you. I told you to come here." 

"S-orry miss hindi ko po kasi alam kung okay lang po ba sainyo yung nangyari kanina sa school." Totoo naman kasi.

Rinig ko pa sa kabilang linya ang pagbuga nya ng hangin. Ibig sabihin nawawalan siya ng pasensya. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib.

Take Me AwayWhere stories live. Discover now