C23

2.1K 82 10
                                    

"Ma'am let's go?" Wika ko ng makitang tapos na silang naghanda ng mga bata.

Napagdesisyonan naming kumain sa may famous Lily's Restau' na may hindi kalayuan sa area namin.

Tumango siya bilang sagot. Nagkibit balikat na lang ako saka nagsimulang kumuha ng mga litrato sa paligid..

Ngumiti pa ako ng hawak kamay silang tatlo naglalakad. Tinaas ko ang camera para kunan sila ng larawan. Sabay sabay pa silang lumingon ng tumunog ang hawak ko.

"Beautiful." Sambit ko dahil nag reflect pa yung sinag ng araw sakanila.

They look a happy family which is literally true..

I can't help kundi mainggit sa naisip.

Nabalik ako sa huwisyo ng hawakan ni Aubrey ang kamay ko.

"Tita let's get inside na po." Aya niya.

Ngumiti ako pabalik sa may crew ng pagbuksan nya kami ng glass door.

Pansin kong tahimik si Miss Carson mula kanina pa. Napabuntong hininga ako ng naisip kong baka nag-aalala siya kay kuya.

"Sabi naman po niya babalik siya agad, huwag na po kayo mag-alala." Wika ko saka siya nagtaas ng tingin.

Seryoso lang siyang tumingin sakin. "I'm not."

"Thanks." Sabi ko ng bigyan ako ng lists of menu ng server.

Tapos na nakapag order yung tatlo saka sila tumingin sakin.."Ah one order of chicken satay and champorado po."

"That's it? What is your dessert?." She plainly said na tiningnan pa ako sa mata.

Ilang akong tumingin pero sumagot parin ako. "Mini castella and sweet red bun bean nalang po."

Tumango siya saka binalik and lists of menu sa crew. Naglabas siya ng cellphone at don nagpipindot.

"Tita can we call you Tita Ri? It suits you po kasi, diba mommy?" Tanong ni Aubrey kay Miss Carson sabay tingin naman nong isa.

Why she always like that? Para kasing tinitingnan nya lang ako ng walang silbi. Matagal bago pa siya sumagot.

"Why baby?" Sabi niya lang

"Her name po kasi mahaba and it's really hard for us to roll our tongue for her name po mommy. It's like nabubulol po kami, right andrei?."

Kanino kaya nagmana ang mga batang 'to, ang dadaldal. For sure hindi naman kay miss Carson dahil tahimik lang siya, kuya Shawn is not a fan of talking din kasi.

"Yes mommy, aubrey is right."

"Okay call her Tita Ri if she agrees with that, okay?"

Gulat naman akong napatingin sakanya. Sino ba naman ako para tanggihan yon, tingin ko nga mas bagay sakin kaysa sa Rick's kasi nagmumukha akong lalaki don. Tsk.

"Yes baby, feel free to call me Tita Ri." Ngiting sabi ko saka lumipat pa ang tingin ko kay ma'am dahil pansin kong tinitingnan nya rin ako.

"Yes Tita. We'll now call you Tita Ri together with our mommy." Masayang sabi ng mga bata.

Amused akong tumingin sa dalawang bata dahil kahit anong sabihin nila sinusunod ng mommy nila. She's really a good mother kahit hindi halata sa itsura nyang nanay na pala siya.

Dumating ang order naming apat at tuwang tuwa ang mga bata dahil masarap daw ang kinakain nila.

"Tita Ri try this bulalo po." Masayang alok ni Aubrey.

Tumingin ako sa tinuturo nya ay yung pagkain ng mommy nila, ubos na kasi yung kanya.

Tipid akong ngumiti saka alanganing pinasadahan si Miss Carson ng tingin dahil hindi siya umiimik.

Nang maramdaman niyang nakatingin kaming tatlo sakanya ay nagtataka naman niyang nilipat ang tingin sa mga anak.

"What is it baby?" Malambing niyang tanong

"Tita Ri wants to taste your bulalo mommy."

Gulat kong binalingan si andrei.

"Ah-h hindi po. Siya po nag offer." Mahinang sabi ko dahil seryoso lang talaga siyang tumingin sakin. Lokong bata 'to.

"Sure, here." Aniya saka inurong sakin ang bowl niya.

"Titikman ko lang po."namumutlang sabi ko dahil binigay na nya sakin yung mismong bowl nya.

"No thanks, just eat all of that." Aniya saka nagpunas ng napkin sa bibig.

Saglit na napatitig ako sa ginawa nya dahil napako ang tingin ko sa pinkish lips niya. Kailangan ko pang tumikhim para maiwas ang tingin dahil nahuli niya ako.

Nahihiyang kinuha ko ko yung bulalo saka sumubo.

Ang saraaaap!

Halos mapapikit pa ako ng namnamin ko yung bulalo..This hot, meaty, and savory bowl of soup is the perfect match for the cold and breezy weather of Tagaytay.

Ito nalang sana inorder ko sabi ko sa isip dahil hindi ko man lang naubos yung order–

Natigil ako sa pag-iisip ng sinundan ko ng tingin si Miss Carson na sumandok ng pagkain sa Plato ko.

"This is good. Why don't you finish this food." Aniya habang maingat na ngumunguya. Di na naman ako mapigil sa pagtitig sa labi niya dahil nadadala ako ng bawat kilos ng bibig nya.

"Tita Ri is there something po ba sa lips ni mommy?" Tanong ni Andrei na ikinagulat naming pareho ni Miss Carson.

Bigla akong namula sabay naman akong sinamaan ng tingin ni Miss carson. "Ahh gusto ko kasi sanang tanungin kung anong klaseng lipstick gamit ng mommy mo baby." I awkwardly laughed

Hindi na ako pinansin ng magkapatid dahil busy na silang dalawa. Binilisan ko na ring kumain dahil nahihiya ako. Nawala yata yung kapal ng mukha ko nung nakaraan. I still feel nervous kapag nasa tabi ko siya, kapag nakatitig ako sakanya especially when she stared back to me.

––
Pagkatapos ng nakakahiyang kainan kanina ay naglibot libot kami at namili ng iuuwing souvenir. Nakatanggap kasi ako ng text message kay ate, nagpapabili. Besides may dala naman akong pera na bigay ni nanay at kuya kaya malakas ang loob kong bumili ng pasalubong..

Luminga ako ng hindi makita ang mag-iina. Iniwan na yata nila ako.

"Ale magkano po 'to?" Tanong ko habang hawak hawak ang hand made bag.

Siguradong matutuwa si mama nito.. Pareho sila ni ate pero dinagdagan ko narin ng iba't ibang key chain.

"Yung bag 350 lang iha." Nakangiting tugon ng ale.

Mahal pero bibilhin ko na.

Naglabas ako ng pera saka binigay sakanya. Naghanap pa ako ng maagaw pansin ng isang necklace pearl ang mata ko. Ang ganda..

May iilang beads na hindi ganon karami ang design..sakto lang ang bilang.

Kanino ko naman ibibigay 'to? Di naman kasi ako mahilig magsuot–

Napatigil ako sa pag-iisip ng mahagip ng tingin ko ang mag-iina na papunta  na sa pwesto ko.

Dali dali akong naglabas ng pera saka walang dalawang pag-iisip kong kinuha. "Salamat po."

"Tita Ri are you done?" Tanong ni Aubrey ng makalapit sila sa akin.

"Oo tapos na."nakangiting sabi ko.

"Ang gaganda nyo naman iha, bagay na bagay sakanya ang pinamili mong neck–"

"Ah hahaha hindi po. Sige po maraming salamat." Putol ko sa matanda dahil baka kung ano pa ang sabihin sa akin ng isang 'to lalo na't tinaasan na naman ako ng kilay.

Take Me AwayWhere stories live. Discover now