C-31

2.2K 87 8
                                    


Friday na. Ang bilis ng araw, kailan lang 'yong lunes. Apat araw ko narin pala siyang iniiwasan. Alam ko namang tinitingnan nya rin ako sa klase pero di naman magawang mang approach. 

Alam kong wala lang 'tong nararamdaman ko para sakanya pero may karapatan parin ako magtampo dahil sa mga mixed signals nya. Tinatry ko naman best ko na huwag na siyang pakialaman,  di naman ako aabot ng ganito kung hindi.

"Dismissed." Anang propesor ko. 

Nakaramdam ako ng kalabit sa gilid ko."LQ kayo no. Sige maiwan na muna kita."

"Hoy teka lang–" Natigil ako sa pagsalita ng nasa harapan ko lang naman siya.

Hindi man lang siya nag-abala na paalisin lahat ng studyante bago ako nilapitan."What's your problem!" Inis nya. Malakas ang pagkasabi non kaya alam kong rinig ng ibang kaklse ko na nandito. Nanlalaki parin ang mga mata ko. Problema nito?

Kumunot ang noo ko. Pero diko nalang ulit pinansin. Direretso lang ako sa paglalakad at nilagpasan siya. Mas lalong nawala ako sa mood ng may naghihintay sa kanya sa main door.

Kalat na nga sa school na bluff lang yong sakanila ni kuya tapos ngayon may bagong pasabog na si sir Erron na ang masugid nyang manliligaw. 

Nag make face pa ako ng lagpasan ko si sir Erron. Hindi ako 'to eh, umiling ako at di na lumingon. Dinig parin ang malalakas na kantyaw ng mga estudyante sakanila. Oo na gwapo si sir, bagay sila. Ako lang naman 'to eh.

Nakasimangot pa rin ako ng makasalubong ko si Ced. Oo Ced pala pangalan nong makulit sa library. 

"Alam mo gwapo ka talaga sana eh kung hindi ka lang maingay at pakialamero." Sabi ko sakanya at sumabay pa sa paglalakad.

Nakakainis yung tawa nya."Marami namang ibang babae dyan–Aray ah!" Kung ano ano kasi lumalabas sa bunganga eh, napalo ko pa tuloy yung sugat nya.

"Patingin nga! Nakakainis ka kasi eh."sabay hablot ko ng braso nya ng nasa canteen kami. Umupo kami sa bakanteng upuan.

"Ay 'te doon kayo maglambingan, masakit sa mata eh" Biro ng mga bakla sa tabi naming table.

Nginitian ko lang sila. Marami pa rin kaming naririnig na bulungan sa paligid kesyo daw bagay kami at sweet, letse. Yung gusto ko nga ayon sa iba eh.

"Ouch." Daing nya ng sipatin ko ng mabuti ang namumula nyang braso.

"Mr. Ferrer anong nangyari sayo." Tumingala ako. Yung dalawa kaninang sweet sa classroom. Tsk

Hindi ko sila pinansin. "Oh ayan okay na."Sabi ko ng maayos ko ulit ang dressing nya sa kamay.

"Salamat." Pa cute nyang sabi at kinurot ang magkabilaan kong pisngi. Nahagip ng paningin ko ang dalawang matang nanunusok na tingin.

Bumulong ako sakanya ng mauna na ako dahil hindi ko kayang tumagal dito.

Umakyat nalang ako ng hindi pa nagl-lunch.

Dumiretso ako sa may comfort room. Naghugas lang ako ng sandali at nagpatuyo ng kamay. Lalabas na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at dali darling hinila ako sa isang maliit na cubicle. 

"Sino po kayo–!" Sabi ko pero natigilan ako ng bigla nya akong halikan. 

Hindi ko alam kung halik pero nagdampi ang mga labi namin ng konti. Hindi parin nagbabago ang pwesto namin dalawa. Ayokong gumalaw. Bat ba ako naiiyak!

"D-mn you Patrono!" Humigpit ang hawak nya sa magkabilang balikat ko. Nararamdaman ko ang sakit don. 

"M–iss C-carson.." Sabi ko ng medyo humiwalay siya sa akin pero malapit prin kami sa isa't isa dahilan para maamoy ko ang kanyang hininga. 

"T-his is your f-fault." She continues stuttering. 

Napalunok parin ako dahil tumatama ang hininga nya sa balat ko. Para akong dinagan ng malaking yelo para hindi ako makagalaw. 

ANONG NANGYAYARI??! Nagwawala ang sistema ko!!

Akma kong aalisin ang pagkakahawak nya sa balikat ko. Nakasandal parin ako sa Malamig na semento.

Sinamaan nya lang na naman ako ng tingin. "No. Stay here..with me."

"Mi—" Tuluyan na akong hindi nakapagsalita ng angkinin nya ang mga labi ko.

Hindi ko parin maintindihan bakit nya ako hinahalikan.

Para akong tudyo na nakataas ang dalawang kamay sa kanyang gilid. She even tilted her head para makakuha ng magandang posisyon.

Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil don. Hindi ko parin alam ang gagawin ko!

Hindi ko siya magawang itulak dahil nangangatog na ang mga tuhod ko. 

I wasn't ready ng igalaw nya ang sariling bibig sa akin. Nahanap ko nalang ang sarili ko ng tumugon ako sa kanyang halik. 

Pumikit rin ako tulad nya. Ninamnam ang sandali. She tasted like a cherry..

"Rosie...Rosie are you there?." Mabilis kaming humiwalay sa isa't isa ng marinig ang boses ni sir Erron sa labas.. Habol habol namin pareho ang hininga.

Umiwas ako ng tingin. May sinasabi siya pero diko narinig dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Naramdaman ko ng hawakan nya ako ulit sa braso."Are you listening? Don't you dare ignore me again Patrono."Aniya at lumabas. 

Naiwan akong nakatulala. Naiwan akong maraming tanong. 

Bakit niya ba lagi akong binibigyan ng signals. Ayokong umasa dahil Lang dito pero hinalikan nya ako. Anong ibig sabihin non. 

Napahawak ako sa sariling labi at inaalala ang nangyari kanina. 

Malambot..

Matamis..

Mabango..

Hindi ko alam pero, bigla akong napangiti. 

Bahala na. Tumakbo ako sa labas para hanapin siya.

Asan kana ba? Panindigan mo akoooooo....!!!

---

Lutang akong naglalakad sa hallway. Iniisip parin ang nangyari samin ni Miss Carson kanina.

Hinalikan nya ako, totoo nga. Hindi 'yon panaginip.

"Arayyy!" Daing ko ng may pumitik sa noo ko.

Mabilis kong hinanap ang may salarin non. Nabungaran kong si Amanda pala.

"Bakit bigla ka namimitik."reklamo ko.

"Magkwento ka nga sa akin. Anong nangyari sayo?." Nagdududang tanong nya.

"Anong nangyari. Walang nangyari sa akin." Tanggi ko sabay iling.

"Magkwento ka o babatukan kita." 

"Wala nga kasi akong ikukwento sayo." Sabi ko at tinalikuran siya. Naglabas ako ng isang libro at kunwaring binabasa iyon pero ang katunayan ninenerbyos ako.

Mabilis niyang kinuha ang libro sa akin at nilayo."Hoy akin na yan"sabi ko.

"Ano yan hah, ano yan." Turo nya sa gilid ng labi ko. Mabilis akong naglabas ng salamin. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may mga smudge ng lipstick sa gilid ng labi ko.

'ANG KALAT'!!!!

Nagmadali akong lumabas ng classroom at nagtungo sa comfort room.

NAKAKAHIYA!!!

Take Me AwayWhere stories live. Discover now