C-33

2.3K 103 15
                                    


"GO! GO! GO! GO!." Sigawan ng mga tao sa labas. Alas dyes na ng gabi pero marami pa ring tao dito. Nasaan na ba kasi yon, hindi na ako binalikan.

Lumapit ako sa mga sigawan at kumpulan malapit sa pool area."Whooooa!!!"

Mas lalo pa akong lumapit para makinood na rin..Mga naghalong lalaki at babae nandito, naaamoy ko rin ang usok ng sigarilyo at amoy ng matapang na alak na nunuot sa sistema ko.

May isang babaeng pinagkukumpulan sa gitna ng mga limang lalaki. Nagsasayawan silang lahat. Nandidiri akong sumulyap sakanila dahil tagaktak ang mga pawis nila. Eww.

Muli na namang naghiyawan ang nasa paligid ko. Kitang kita ng mata ko kung paano pagapangin ng lalaki ang sariling palad sa may bewang ng babae, pababa. 

Pilit nya rin dinidikit ang sarili sa likod ng babae habang sumasayaw. Umiling ako, wala na sa katinuan ang mga narito. 

"Hoy pigil na! Tama na yan!" Sigaw ng karamihan. Muling bumalik ang tingin ko sa mga nagsasayawan.

Galit man siya sa akin, hindi pwedeng pabayaan ko nalang siya dito ng pinagpipyestahan. Halos kasi mahubaran na si Janine ng damit pang-itaas kung hindi lang lumapit si Ced sa kanya. Ngayon ko lang rin siya napansin. 

"Ced ako na...salamat." Sabi ko ng makuha si Janine sa kanya. Lasing na nga ang isang to. Tanging yung mga ugok nalang pala ang naging sandalan nya para hindi matumba kanina.

Inayos ko ang tuwalyang naka takip sa likod nya saka siya inalayan papasok sa loob ng bahay nila.

"Sandali. What happened to my daughter?" Salubong sa amin ng isang matangkad na lalaki. Hirap akong tumingala dahil nasa akin ang buong bigat ng kasama ko.

"Lasing po siya sir." Sabi ko.

Lumapit sa akin ang dalawang lalaking inutusan nya at kinuha si Janine.

Saka ko lang napagmasdan ng mabuti ang lalaking nasa harapan ng tuwid na akong nakatayo Ngayon ko lang siya nakita, tatay pala nila. Naka business suit, mukhang kararating nya lang dito at ganon pa madadatnan nya. Magandang lalaki din siya at bata-bata pa.

"Bastarda!."malalim na boses nya ang nagpabalik sa akin sa huwisyo. Malalim ang tingin habang nakasunod ang mga mata sa papalayong anak.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit nya naman tinawag ng Bastarda si Janine?

 Hindi man niya ako kilala, nakaramdam ako ng kaba at panandaliang pangamba. Dumating narin ang taong kanina ko pa hinihintay. 

"Dad!" Aniya.

Seryoso nya akong tinapunan ng tingin ngunit sandali lang 'yon at bumalik sa tatay nya ang atensyon.

"She's getting into my nerves. She's really a headache." Hilot nya sa sentido. 

"You're tired. I'll take care of her."

"That's impossible. You hated each other–"

"Daddy!" Pigil niya at tumingin na naman sa akin. 

Tumingin din sa akin ang tatay nila."Oh by the way, what's your name? I forgot to thank you." Mahinahong sabi niya

Nakahinga ako ng maluwag dahil don."She's my student Dad.." she plainly said.

"Thank you..I'll go ahead." Hindi na nya kami hinintay sumagot at umalis.

Pansin kong nagpalit na naman siya ng damit. White Floral dress naman ngayon. Kahit ano yatang isuot ng Mahal ko lahat babagay sa kanya.

"Did I missed something earlier? You're smiling." Seryosong sabi niya

Nakahinga talaga ako ng maluwag dahil nandito na siya."Kanina pa kasi kita hinahanap. Bakit ba kasi lagi kana lang nawawala..konti nalang iisipin kong may ginagawa kang iba–aray!" Bakit ba ang hihilig nilang pitikin ang noo ko.

Take Me AwayWhere stories live. Discover now