C14

2.2K 82 7
                                    

Natapos ang lunch ng mabilis dahil kailangan na ring umalis ni Neil para sa sunod nyang klase. Hindi ko narin namalayan ang pagtapos ng klase buong araw. Dumating ako sa bahay ng madatnan kong naghahanda na ng pagkain si mama kasama si ate.

Napansin kong maraming handa sa mesa. Mother's day pala ngayon.

Napangiti ako at dahan dahang pumwesto sa likod ni mama at niyakap siya ng mahigpit.

Napatalon siya sa ginawa ko kaya natawa nalang ako." Happy mother's day ma, mahal na Mahal kita." Sabi ko sa pinakamalambing na boses.

Hinawakan nito ang braso ko at hinimas. "Ikaw talagang bata ka bigla ka nalang sumusulpot, pero salamat anak. Mahal na Mahal ko rin kayo ng ate mo." Aniya.

"Sige na, tama na yang ka dramahan. Kain na tayo." Si ate. Siya talaga sa amin ang hindi showy pero alam ko namang mahal niya kaming dalawa ni mama.

Tumawa kami ni mama saka namin siya niyakap. "Happy mother's day ate." Sabi ko

"Anong—! Hoy wala pa akong anak at wala pa akong asawa!" Sabi niya. Pinalo pa ako sa braso kaya tatawa tawa kami ni mama.

Sandaling pumasok sa isip ko si Miss Carson kung sino yung tinutukoy niyang kids. Siguro ang sungit nyang ate. Baka araw araw galit. Natawa ako sa sariling isip.

Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain sa mesa. Minsan sa akin napupunta ang kwento, tungkol sa amin ni Neil

"Ma! Posible bang mawala yung matagal na paghanga sa isang tao?" Pakiramdam ko gusto ko talagang malaman ang ibang opinion ng tao baka kasi nagkakamali lang ako.

"Yung nobyo mo ba ang tinutukoy mo anak?." Tumango ako. "Magkaiba ang paghanga sa mahal. Kung mahal mo yung tao hindi basta basta mawala ang nararamdaman mo sakanya. Eh kung paghanga lang naman, malaki ang tyansang magbago."

Sandali kong ibinahagi kung paano kami humantong ni Neil sa relasyon

"Bakit mo kasi sinagot yung sabi ng matanda. Pwede namang biro lang yun." Si ate habang ngumunguya.

"Oo nga naman Rickelyn. Aba hindi mo naman pwedeng patagalin yan kung wala na." Si mama na nangangaral na naman.

"Hindi naman ma sa wala na. Unti-unti palang." Katwiran ko.

"Kahit na. Hindi magandang paasahin mo yung bata. Habang maaga pa hiwalayan mo na." Naguguluhan talaga ako. "Teka, ikaw ba'y nagkakagusto na ng iba kaya nawawala ang paghanga mo sakanya!?" Mataman nila akong tiningnan dalawa.

Hindi ko inaasahan ang tanong ni mama dahil hindi rin ako sigurado sa sarili.

Hindi ako nakaimik. "Yan na nga ba sinasabi ko eh!"

"Sino ba kasi yan." Usisa ni ate. Nag iisip ako kung sasabihin ko ba sakanilang dalawa ang totoo. Baka sakaling matulungan pa nila ako.

"Propesor ko!" Maikli ko lang sagot pero halos mabingi ako sa boses nila

"ANO?!!" Si ate. Napainom pa ng wala sa oras.

"ANAK!" Hindi naman mapakaniwalang tugon ni mama, na nabitawan pa ang hawak hawak na kutsara.

Yumuko ako sa samang tingin ni mama. Tatawa tawa naman si ate ng makarecover.

"Anak hindi masamang magkagusto pero propesor mo yung tao. Maipahamak nyo pang dalawa."

"Lupit ah HAHAHA" si ate kaya sinamaan ko ng tingin.

"Pero hindi pa naman ako sigurado kung crush ko siya. Hindi ko alam."mangiyak ngiyak kong sabi.

"Eh ba't parang problemado ka, hindi ka naman pala sigurado."si ate

"Iba kasi ang pakiramdam eh. Hindi ko naman to naramdaman kay Neil."

"Anak huwag mong pagkumparahin ang nararamdaman mo sa dalawa, dahil magkaiba sila."

Oo ma magkaiba sila. Alam ko sa bahagi ng puso ko na magkaiba sila ng pwesto sa puso ko. Mas malala nga lang kay Miss carson. Bakit kasi sa dinami rami ng tao, bat siya pa at babae pa!

Napasimangot ako dahil maging sa kanilang dalawa parang wala akong naintindihan. Pinagpatuloy namin ang pagkukwento pero naantala kami ng may kumatok sa pinto.

Tumayo si mama at pinagbuksan ito. Nanatili lang kami ni ate sa upuan habang pinapanood si mama. Nakita naming gulat na gulat siya at napahawak sa pinto. Nagkatinginan kaming dalawa ni ate sa reaksyon ni mama.

Tumayo narin kaming dalawa ni ate upang salubungin ang hindi kilalang lalaki.

Matangkad. Makapal ang kilay. Brown eyes. Matangos ang ilong. Halatang may sinisigaw na yaman. Sa tingin ko nasa mid 20's lang din tulad ni ate. Higit sa lahat, gwapo!

Yakap yakap niya si mama at nag-angat ito ng tingin sa amin ni ate. Ngumiti ito sa amin ng pagkalaki laki at namumuo pa ang luha.

"Happy mother's day ma!" Ani lalaki, yakap yakap parin si mama ng mahigpit

Bakas parin sa mukha namin ni ate ang pagkagulo. Humarap sa amin si mama habang pinupunasan ang mata.

"Anak, ang kuya nyo." Si mama. Lumapit pa siya sa amin at hinawakan kami sa braso.

"P–apaano ma?" Naguguluhang tanong ni ate. Nanatili lang rin akong tahimik at nakinig

"Siya ang kuya S–hawn nyo. Noong sampung taon siya, iniwan ko siya sa bahay ampunan. Dala ng kahirapan sa buhay at takot kaya ko nagawa yun. " Umiiyak na kwento ni mama.

Pinagmasdan ko ang lalaki sa harap ko. Magkapareho nga kami ng mata. Halos maiyak narin ako dahil magkakaroon na ako ng kuya.

"Nakuha siya ng mayamang pamilya. Nang lumaki ang kuya nyo, hinanap niya ako. Sasabihin ko sana sainyong dalawa pero ang gusto nya, siya ang magpapakilala sa sarili niya, sa harap ninyong dalawa. Sana mapatawad niyo ako mga anak."

Umiiyak narin ako dahil sa lagay ni kuya. Lumapit siya sa amin ni ate at inabot ang kamay niya. Ganun rin ang ginawa namin ni ate at nagyakapan kami.

"I miss you." Kuya Shawn na hindi narin mapigilan ang iyak.

"May kuya na ako!" Masayang sabi ko. Natawa naman silang lahat sa inasal ko.

Niyaya namin si Kuya Shawn sa hapag at nagkwentuhan. Marami narin kaming nalaman sakanya. Nagtapos siya ng Business administration na ngayo'y ginagampanan niya ang pagiging CEO sa sariling kumpanya.

"Kuya may girlfriend kana.?" Masayang tanong ni ate.

"I have kids." Sagot niya ng nakangiti

Nagulat kami dahil hindi halata.

"May asawa kana kuya?!" Gulat parin kami ni ate. Napatingin kami kay mama.

Ngumiti lang si kuya. May anak na nga eh, malamang may asawa na. Si ate talaga oh.

"Kailan namin sila mamimeet kuya?" Tanong ko.

Excited na ako! May pamangkin na ako

"I'll bring them soon. "

"Sige na anak, kumain kana. Pakainin nyo muna ang kuya ko mga anak."

Tumawa kami ni ate dahil halos hindi na nga makakain si kuya sa Q and A namin ni ate.

Take Me AwayWhere stories live. Discover now