C-40

2.7K 116 15
                                    

RICKELYN's POV

Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm sa tabi. Hirap kong imulat ang mata dahil sa tumatamang liwanag na nanggagaling sa ilaw.

Ramdam ko ang lamig kaya naman mas lalo ko pang kinumutan ang sarili. Bigla kong naalala na wala pala akong saplot.  Agad akong napatingin sa katabi ngunit wala siya ron.  Asan na yun?

Tumingin pa ako sa orasan at laking gulat ko ng mag aalas otso na. Napabalikwas ako ng bangon habang takip takip ang hubad na katawan. Dumiretso agad ako  sa may cr para mag ayos ng sarili. Meron na rin palang mga bagong damit na naka handa. Shet ngayon yung flight namin, diko man lang naisip to kagabi kung hindi lang pinaalala sa akin ng baby ko.  Ilang minuto lang ang pagitan ng matapos ako.

Habang nagsusuklay ako ng buhok, naagaw ang atensyon ko sa may salamin na mayroong nakadikit na papel.

Lumapit ako don at binasa ang nakasulat. 

"Eat first before you go. I cooked for you, that will help you. See you  later. Good luck <3."

Nauna na siya? Bakit hindi lang ako ginising. 

Gayunpaman nangingiti parin ako lalo na't makakasama ko na naman siya mamaya. Bukas na yung WQB. Confident pa rin naman ako sa sarili ko pero yung kaba nandito parin sa dibdib ko. Sa France gaganapin.

Nagmadali na akong kumilos at gaya ng sinabi nya kumain na muna ako. Natatawa ako dahil yung niluto nyang itlog gutay gutay. Samantala kapag mamahaling pagkain marunong lutuin. Meron ring ham na nakahain. 

Magana akong kumain ng tumunog ang cellphone ko.

Si mama nag text.

'Iha sabi ng kuya mo kasama mo raw ang propesor mo kagabi. Ngayon pala yung kompetisyon nyo. Nakahanda na yung mga gamit mo, wala ka kagabi kaya inayos na namin ng ate mo.

Nangiti ako sa binasa..

Hindi na ako nag abalang mag reply. Uuwi rin naman ako.

Masaya akong lumabas sa condo. Habang naglalakad, may nakasalubong akong foreigner na may edad na matanda na parang nanghihina. Tumingin ako sa paligid kung may kasama ba siya pero wala. Wala ring pumapansin sa kanya. 

Nahihiya pa akong lapitan siya dahil sa itsura nya. Baka kasi pagkamalan pa akong snatcher o masamang tao at nakawan ang isang to. 

"Ma'am ayos lang po kayo?" Tanong ko. Hindi na ako nagdalawang isip na alalayan siya.

Inupo ko siya sa may bench at tumabi sa kanya.

"Kumusta po pakiramdam nyo?" Tanong ko pa ulit

"Who are you? Why are you helping  a stranger like me." Mahinang aniya.

Kinakapos siya ng hininga kaya nag aalala ako. "Ma'am do you want me to call an ambulance? You dont look okay."

Umiling siya. " No no no.  I'm oka—"

"Arghhh! This old bitch, I told you to don't come out on your room. There are many criminals here!" Sabi ng babaeng malalaki ang hakbang patungo sa amin. 

Nangunot ang noo ko dahil sa pakikitungo nya sa matanda. Bastos din eh.

Tumayo ako ng nakalapit siya. "Hi po. Your mother looks like not okay, can you please send her to hospital.?" 

Tulad ko pinagkunutan nya naman ako ng noo. Hindi pa nakuntento ng alisin nya ang shadws nya.

Shocks! Ang ganda nya.

"And who's this trash old bitch?" Aniya ng hindi inaalis ang tingin sakin

Napanganga ako sa turan nya. "Hasha, she helped me. I'm sorry for her attitude—what's your name again?" 

Take Me AwayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora