C-39

2.8K 110 12
                                    

RED NOTICE!:  ANY PERSON WHO ARE LEGALLY UNDER 17 YEARS OF AGE BELOW ARE ADVISED TO READ AT YOUR OWN RISK. 

———

Nanatili akong tahimik habang nagd-drive. Naiiling ako kasi ramdam ko parin sa balat ko ang mga haplos nya kanina. Napapikit ako ng biglang nag ring ang phone niya.  Si kuya Shawn. He called us na huwag muna kami umuwi sa bahay. 

Baka daw kasi magtaka yung mga tao don. Mas mabuti pa nga. 

Bumaling ako sa katabi. Nakapikit ang kanyang mga mata, mukhang naka idlip na. Inalis ko agad ang tingin sa kanya at nag focus nalang sa pag drive. Papunta kami ngayon sa isang condominium na pag-aari ni kuya Shawn. Makalipas ang ilang minuto at hininto ko na ang sasakyan, nakarating na kami.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at humarap sa katabi. Tulog pa rin siya. Mataman ko siyang tiningnan. She looks so fine parin kahit sa pagtulog. Sumagi na naman sa isip ko ang huli nyang sinabi. Hindi ko alam kung anong nag udyok sakanya para sabihin sa akin yon, knowing this lady beside me na pinagbintangan pa akong pervert non dahil lang sa diko sinasadyang pag hawak sa kanya.

Ayokong isipin nya na pinagsasamantalhan ko siya pero halos mabaliw ako kanina. She also told me before na Huwag ko ng ulitin ang nangyari non, kaya I should've grip myself kahit anong mangyari. 

"Rosie. Nandito na tayo." Tapik ko sa balikat nya.

Iminulat nya ang kanyang mata at tumingin sa akin."O-kay. Let's go." Aniya 

Kumunot ang noo ko. Wala naman akong ginagawa ah. Lumayo ako ng konti dahil masyado pala akong malapit. Tumango ako at lumabas na lang.

Hinintay ko siya at nakipagsabayan sa paglakad. Hindi ako sanay dahil ang tahimik nya, napapaisip na naman ako baka may nagawa na naman akong kasalanan sa kanya.

Pumasok kami sa may elevator at may mga mangilan ngilang tao don. Pumwesto ako sa may gilid sa may likuran nya. Pinapanood ko bawat kilos nya, naka cross arm siya at parang inip na inip na naman. 

Tulad ko may babae ring umusod sa may likuran, bumaling siya sa akin at ngumiti. Kaya ganon rin ang ginawa ko.

"Hi pretty." Malakas na bati nya na ikinagulat ko. 

Nakakahiya dahil lahat ng taong nasa unahan ay lumingon sa amin.  Lalo na tong professor ko na nagtaas ng kilay don sa babae.

"May I know your name?" Mataray na tanong ni Rosie.

Ngumiti yung babae sa kanya. Pansin kong masayahin ang isang to at walang kahiya hiya sa katawan. Tumingin ako sa kabuuan nya at parang kakatapos nya lang sa clubbing. "Hi gorgeous.  Pero mas type ko 'tong si pretty." Magiliw aniya at mas lumapit sa akin.

Tuluyan ng humarap si Rosie sa amin.. She crossed her arms in her chest. Para talaga siyang nasa classroom ngayon. Gusto kong manginig dahil sa awra nya. Gulat pa ako ng ilingkis ng babae ang braso nya sa akin.

"Can you please stay away from her? And know your distance." 

"Why? I like h—"

"She's my girlfriend.. do you have problem with that?" Mataray na sabi ng professor ko.

Tumingin sa akin yung babae kaya tumango ako. Unti unti niyang tinanggal sa akin ang braso nya at bumulong sa akin. "Nice catch—" aniya pero di nya natuloy dahil hinila na ako ni miss Carson palabas.

Binitawan nya rin agad ako at umunang naglakad at pumasok sa loob na ng condo. 

Napabuga ako ng hangin. At nagkamot sa ulo. Sumunod na rin ako sa loob.

Luminga ako sa paligid. Ang ganda.. mayroong dalawang kwarto din. Nakita kong pumasok si Rosie sa isang kwarto. Dito nalang ako sa isa.

Naalala ko wala pala akong dalang damit  na pamalit. Pumasok ako sa may comfort room, nagbabakasakaling may bathrobe. Nangiti ako ng may makita. Ito nalang siguro, di naman na ako lalabas.

Take Me AwayKde žijí příběhy. Začni objevovat