C2

4.3K 132 3
                                    


Tumigil ata huminga ang lahat ng kaklase ko at maging ako.

That butt.

Harassed nadin ba ang ginagawa namin lahat? Tumingin ako sa mga kasama ko, yung iba nakahawak sa armrest ng upuan. At ang ibang babae naman ay nakakapit sa laylayan ng kanilang palda!

Wait- I think I need to breathe some air. Maybe that can help. Mabilis akong tumayo at naglakad sa harap.

"Where do you think you're going Ms. Patrono?", Napatingin ako sa mga kaklse ng humarap ang teacher naming ubod ng kasexyhan sa katawan. Halos pamulahan kaming lahat.

"Ehem I'm , yes. Ah- I was about to pee miss", Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko na siya hinintay magsalita, dumiretso ako sa restroom at naghilamos.

What was that? Kung bakit naman kasi fitted ang suot. Napakamot ako sa ulo ng maisip ang likuran nito na saktong bumagay sa balakang nito at sa kanyang medyo kalakihang dibdib.

Umiling nalang ako para mawala ang kalibugan sa isip. Natatawa ako sa sarili, There's no way for me to get attracted, I'm straight for Pete's sake.

Bumalik ako sa klase at tahimik na naupo. Hindi ko narin katabi si Jayrold, mas mabuti pa nga.

Pinagmasdan ko ang babaeng kanina pa salita ng salita sa harap at walang kamalay malay na pinagnanasaan na siya ng kanyang estudyante.

Unang tingin palang mapapahanga kana sakanya. Siya yung tipo ng taong kahabol habol, Matangkad, kutis porcelana na akala mo hindi pa nagalusan sa kinis nito, maliit ang mukha na bumagay sakanyang short hair na may kahabaan hanggang balikat, mga matang kalunod lunod sa kulay nitong pinaghalong asul at berde. Natural pa ba yun. Ako kasi pure brown eyes, nagmana raw kasi ako sa papa. Nadako ulit ang tingin ko sa manipis niyang ilong na may saktong katangusan at ang mapupula niyang labi na akala mo'y pinasadya para magkaroon ng hugis.

Wala sa sariling napapaypay ako sa sarili. Okay pa ba ako, gosh Ricks! Ngayon lang ako humanga sa kapwa babae ko. Gayunpaman hanggang dito lang yun. Wala namang masama.

"Okay first things first. I'll be your English teacher for this semester. I don't tolerate bad habits and nasty things and thoughts on your mind. Once I caught you, better not enter on my class or else drop out. Today is a warning for all of you, once is enough.  Have I made myself clear again?", She said while tapping her fingers on the edge of her desks.

Inilibot niya ang tingin sa lahat, "Yes Miss", Kaming lahat na halos napaayos ng upo. Grabe mukhang terror.

"Any violent reactions, suggestions?", sa ikatlong pagkakataon, lumapat muli ang tingin niya sa akin. She folded her arms not avoiding my gaze. The heck!

"None Miss", agaran ko nalang sagot. Bakit ba kasi nakaka intimidate siya. Tsk

"Good. We have 30 mins more , we can use that to introduce yourself. Lets start to Mr on the back please come forward", Saka siya swabeng naglakad sa middle at nagpatiunang pumwesto sa aking likuran.

Rinig na rinig ko ang tunog ng kanyang mamahaling stiletto at hindi ako mapakali sa upuan. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang atensyon, sa kaklse ko ba o dito sa taong nakahawak sa likod ng upuan ko.

Bigla akong napalayo sa sandalan ng upuan ko ng maramdaman ang Daliri nitong nadikit sa batok ko. Nagtaasan lahat ng balahibo sa balat ko at umiling ng umiling.

"Ms. Patrono you're not listening to your classmates.  Don't mind me, I'm not doing anything bad to you",

Geez. Seryoso ba siya!

Lumingon ako sakanya " Don't touch my nape Miss- it tickles me", lakas loob kong sagot. Napatawa siya ngunit yung kami lang dalawa makakarinig.

"Are you saying that I'm also harassing you Ms. Patrono?", tska nag-iba ang boses niya. Balik sungit ulit.

"No miss it's not like that, I'm sorry", paumanhin ko. Sumama lalo ang tingin niya sa akin at nagcrossed arm ulit.

"You're turn", aniya.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at pumunta narin sa unahan. kitang kita ko parin ang poker face nyang mukha na parang  nakatingin lamang sa walang kwentang bagay. Napabuntong hininga ako at nagsalita.

"Hey guys I'm Rickelyn Patrono, 18 thank you", Nagbungisngisan ang mga lalaking nasa harapan. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa tuwing may magpapakitang motibo sa akin. Bumalik narin ako sa upuan at gayun din si Miss na wala atang balak magpakilala.

"Let's call it a day, if there's no more questions I guess you can leave my class", saka siya nag-ayos ng gamit sa desk niya.

"Ah miss?", Anang kaklase ko.

"Yes, anything",

"Hindi pa po kasi namin alam ang pangalan mo", kamot ulo nitong sagot .

"Haven't you read your assessment form? Well I guess it's not, I'm Jamdiel Rose Carson",

Even her surname suits her well.

"But I prefer you to call me Miss Carson", dagdag niya.

Tumango nalang kaming lahat at dumiretso sa sunod sunod naming subject. After a long period of time, lunch break na..

" Hi Ricks ", Pagpapansin ng mga lalaki sa cafeteria. Ngumiti nalang ako bilang sagot. I don't entertain boys from now. Natuto na ako at tama na yung isa.

Hindi rin sa pagmamayabang pero kilala rin ako dito sa school na pinapasukan ko. Hindi lang dahil magaling ako sa academic kundi narin sa looks. Marami narin nagsuggest sakin na sumali sa rampahan pero hindi ko yun forte. Mas gusto kong ibalandra ang laman ng isip ko kaysa sa pagandahan ng katawan at kilos sa entablado.

" Ate isang Chicken salad at taco po, samahan mo narin ng isang bottled water ", request ko sa loob.

" Sige Ms maupo kana. Ipapadala ko nalang ang order sa table nyo", Tumango ako at mabilis na nakahanap na bakanteng Mesa.

Pumwesto ako sa may malapit sa exit door, Malayo sa mga estudyanteng maiingay.

" Rickelyn, can we talk?", Si Jayrold. Anak ng hindi pa natuto.

"Kung mambabastos ka lang rin naman umalis kana baka hindi ako makapagtimpi at masampal pa kita ng kaliwa't kanan dyan", inis kong sabi. Pero nakatayo lang siya at ramdam ko rin naman sinseridad niya kanina pero kahit na ganon, napahiya pa rin ako.

"No please. Just hear me. I can explain ", Mas sumama ang tingin ko.

"There's no explanation for what you did , kaya please lang umalis kana!", Hindi ko rin napigilang napagtaasan siya ng boses. Nakakainis eh.

"Okay I'm sorry", Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. saka siya umalis.

"Ah miss order nyo ", Bumaling ako rito at pansamantalang nawala ang inis ng makita ang mga pagkain sa harap ko. Tumango lang ako at nagsimula ng lantakan ang pagkain.

Pero muntik akong mabilaukan ng makita si Miss Carson na nakatingin sa pwesto ko. Bigla akong na conscious sa sarili kaya naman dahan dahan akong sumubo at saglit uminom ng tubig.

Kitang kita ko kung paano umangat ang isang kilay nito at ang mapula niyang labi...

Take Me AwayWhere stories live. Discover now