C-32

2.4K 96 6
                                    

 A/N! Shoutout sayo @Cassandra sa laging pag-vote and comment narin sa story na'to! And sa mga silent readers din dyan, maraming salamat po. Hindi ko naman alam na may magbabasa nito eh :) Saranghae<3 

---

Hapon na at mag uuwian na naman. Pasilip silip ako sa office ng mga teachers pero wala siya don.

"What are you doing?." Malamig na tanong ng napaka pamilyar na boses sakin.

Alanganin akong ngumiti."AH Nandyan po pala kayo. Sige po alis na ako." 

"Don't. Come with me." Mataman niya akong tiningnan sa mata.  Masayang sumunod lang ako pumasok. Bumati rin ako sa ibang teachers na naroroon.

Inutusan pa akong isara ang pintuan kaya ganon rin ang ginawa ko. Tulad ng dati may kung anong kinukulikot siya sa kanyang table.. Bakit ba ang tagal nya lagi. Naiinip na ako dahil anong oras na rin. Baka hanapin na ako nila mama. 

Winaksi ko sa isip ang mga 'yon. Gusto kong manatili dito para makausap siya, kung bakit nya ako hinalikan. Gusto ko ng mga kasagutan. Ilang minuto parin ang lumipas pero naroon parin siya sa dati nyang pwesto.

Napagdesisyonan kong ako nalang ang lalapit sa kanya. Sumulyap siya sa akin ng makita akong papalapit. Sandali siyang tumigil at sinarado ang kanyang laptop.

"Kailangan mo po ng tulong?" Paunang sabi ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Mataman nya lang akong tiningnan.

Dahan dahan siyang umiling. Napapatitig parin ako sa mapupula nyang labi ngayon, hindi gaanong makapal ang lipstick nya ng makita ko siya sa canteen pero bakit...

Bigla akong umiling sa naisip dahilan para kumunot ang noo niya."Do you want to go home?" She asked. 

Umiling pa din ako. Nanatili ang tingin nya sa akin at masuyo kong tinugon ang mga matang  nakasalubong sa akin. Bagamat kinakabahan, ayoko ng umatras. "M-miss bakit mo ako hinalikan? ." Hindi maitago sa akin ang pagkalito. Tumayo siya at dahan dahang lumapit sa akin. Tinaas nya ang kanyang isang kamay at naglandas yon sa balikat ko. Para akong napaso dahilan para umiwas agad ako.

Naiwan sa ere ang kamay nya kaya kusang bumagsak don. Pinagkrus nya ang dalawang braso sa dibdib. "Can't you just ignore what happened.?

Nag init ang ulo ko sa narinig."Miss Carson..ignore? The heck are you talking about?!" Kumuyom ang dalawang kamao ko. Mas lalong bumugso ang inis ko ng wala man lang siyang reaksyon.

May namumuong luha sa mga mata ko habang kaming dalawa ay nagtititigan. Hinayaan ko nalang bumagsak ang mga luha ko sa harapan niya. Hindi nakaligtas sa akin ang paglambot ng itsura nya.

Huminga siya ng malalim."You're so slow.." walang pasensyang bulong nya

Hindi ako umimik. Di ko siya maintindihan!

"Don't ask why, just let it happen." Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Hindi maalis ang tinginan naming dalawa. Mapupungay ang mga matang nakasalubong sa akin. Bagsak parin sa magkabilang gilid ang dalawang kamay ko. 

Naramdaman ko nalang ang mainit na yakap na nagmumula sa kanya. "Just let it be..I need you to stay....w–with me." Mahinang dagdag nya. 

Para na naman akong nanigas sa mga malalambot nyang bisig. 

Humugot ako ng hininga. "D-do you l-like me?" Napalunok ako ng kumalas siya. 

"You're so stupid..tsk" singhal nya at umalis sa harap ko. 

"It's only a yes and no. Bakit hindi mo pa sagutin."

"You're back again hah. You're annoying"  Sabay irap nya.

Take Me AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon