C24

2.1K 77 11
                                    

Nandito kami ngayon sa living room kasama ang mga bata. Hapon na ng makauwi kami, nakakapagod sumunod sa mga bata mabuti nalang nandoon si Nina. Speaking of miss carson, bigla nalang siyang nawala kanina. Nauna pa ngang nakauwi dito sa condo eh.

"Mommy..." tawag ni Andrei kay Miss Carson na ngayo'y kakalabas lang sa powder room.

Lumapit siya kay andrei at tumabi sa pagitan nilang dalawa ni Aubrey.

"Can you call my daddy? I just want to talk to him." He said

Mabilis na tumango si Miss Carson at walang anu-ano'y bigla siyang nagsalita.

"Hon." Malambing na bati ni Miss carson. Tumayo ako sa kinauupuan ng ni loud speaker nya 'to.

Hindi ko pa naman ugali makinig sa usapan ng iba. At wala akong balak makinig–

"Who's this?" Anang babae sa kabilang linya

Mabilis akong napalingon sakanya pero kunot-noo nitong tiningnan ulit ang caller.

"Where's shawn?" Malamig na tanong nito. Tahimik ang linya pero rinig ang mahinang pag tawa nito.

Pati ako hindi ko mapigilang ma curious kung sino yun. "Why?" Malanding usal ng kabilang linya..Oo para kasing tono ng malandi.

"Give him the phone." Wala pa rin akong maramdamang emosyon galing sakanya.

"He's busy, I can't –"

"Damn it! I want to speak to him!" Nagpipigil sigaw ni Miss Carson.  Namumula ang dalawang mata nya na akala mo'y papatay ng tao.

Mabilis na inaya ni Nina ang mga bata sa loob. At ako, hindi ko alam kung aalis ba ako o hindi. Pero pinili ko paring manatili.

Mahina paring tumawa ang babaeng nasa kabilang linya. "Ohhh, are you his wife? Don't worry I'll take care him for you." Damn it, sino yon?

Sabihin ko mang minsan akong nainis at nagalit dahil mag-asawa sila but this kind of thing is not acceptable. Mag-asawa pa rin sila!

"Borah who's that?" Boses ni kuya Shawn yon!

Kunot-noo parin si Miss Carson but she stayed calm na ngayon. I can say she's holding up. Nakikita ko pang pasulyap sulyap siya sa pwesto ko and I wonder why.

Gusto nya ba akong umalis? Idk.

"Oh your flirty wife." Malanding sagot nito na nagpakunot narin ng noo ko.

How dare her to call miss carson like that!

"Hon-"

"Fvck you, Shawn!" Biglang sigaw nito. Pagkarinig kasi ng boses ni kuya Shawn bigla na lang siyang sumigaw.

And this is the first time I heard her cursing, hard!

Mabilis akong umiling at tumayo. Ayoko ng makinig. How much I want to stay beside her but I can't. Hearing her cursing because of the man she loves and it makes me feel that I am nothing compared to kuya Shawn..

Hanggang sa pag-labas ko naririnig ko
parin ang pagtatalo nilang dalawa and she didn't bother to off her speaker.

What he is up to? Okay pa naman sila ng umalis siya.

Eh sino naman yung malanding Borah na 'yon? Huwag nya sabihing kabit nya 'yon? Gosh kuya Shawn, ang ganda ganda ni miss Carson dadagdagan mo lang?

Tsk'

Madilim na sa labas pero parang gusto ko naring magpahingin, nas-suffocate ako sa loob.

Dumiretso ako sa isang cafe habang yakap yakap ang sarili.

Take Me AwayWhere stories live. Discover now