C3

3.4K 110 1
                                    

Matapos ang lunch break ay hindi ko narin nakita si Miss Carson dahil kasama nito ang mga ibang teachers.  Ilang minuto na ang  nakakalipas ay hindi pa ako pumupunta sa office niya.

" Ricks pinapatawag ka ni Miss Carson sa office nya ", Anang kaklse kong si Tina

" Sige sunod ako salamat. ", Nagtungo ako sa sinabing office at walang alinlangang pumasok

"Ms Patrono may kailangan ka ba?", Ani Ms. Chen- Ang half chinese kong teacher na ubod rin ng kasingkitan at kaputian.

Nginitian ko ito " Pinapatawag daw po kasi ako ni Miss Carson ",

Tumatango siya at Ngumiti pabalik..
"Pumasok kana dyan sa may right door",

"Thanks po", saka ako naglakad patungo sa direksyon na sinabi nito. Kumatok muna ako pero walang sumasagot. Binuksan ko nalang ng dahan dahan at pumasok.

"Miss Carson ", tawag ko

Tumingin ako sa paligid. Office pa ba ito? Eh mukhang condominium na. May mga paintings rin na nakasabit. Naagaw ng litrato ang atensyon ko sa babaeng seryoso lang nakatingin sa camera. Salubong ang dalawang kilay pero naroon parin ang pagka sofistikada mula sakanyang mamahaling suot. 

"Can't you knock Ms. Patrono? Come here " , dredretso niyang sabi. Bumaling ako sa kanya at halos malagot ako ng hininga.

" Miss--", gosh! Teacher ba siya sa lagay na yan. Tanging manipis na tela lamang ang tumatakip sa kanyang katawan at ang makinis niyang balat na nagdagdag ng init sa loob.

"Miss lalabas lang po ako, magbihis muna po kayo", Sabi ko na di makatingin sakanya. Mayroon rin naman ako pero sa lagay na yan ako ang nahihiya..

" No. Ms. Patrono how many times should I repeat myself to you", aniya ng makitang papalabas na ako.

Wala sa sariling napahawak ako sa sariling batok at lumapit sakanya.

Salubong narin ang dalawang kilay niya at nagpukol pa ito ng masamang tingin sa akin. Sinensyasan niyang maupo ako kaya mabilis pa sa alas kwatro kong Ginawa.

Umikot ito sa aking gilid at inilabas ang bungkos ng mga papel. Lumapit ito sa akin at yumuko para ituro ang mga sinasabi niya.

"Here, copy all of this and submit to the school head later, and ayoko ng maruming gawa ",  Napapalunok ako ng wala sa oras dahil ang ilang butil ng tubig sa kanyang braso ay  nahuhulog sa aking hita .

"O-kay miss..", Mahigpit kong hinawakan ang panulat at di rin matigil ang tibok ng puso ko dahil ramdam kong nakatingin siya sa akin. Kaya naman pamali Mali ang naisusulat ko. Nakagat ko ang sariling labi ng magpakawala ng buntong hininga ang kasama ko.

" Stop it. Are you sick or something? ", inis niyang tanong. Yumuko ako sa hiya.

'You made me like this po' nakanguso kong sabi sa sarili.

"Sorry po Miss Carson ",

Tumango lang siya.

Tumatagaktak parin ang pawis sa noo ko. Umalis na rin siya sa aking tabi  marahil nagpapalit na ng damit. Maya't maya pa lumabas na rin ito. Suot suot ang kanyang civilian attire.

Hindi na ata magkamayaw ang isip ko kakapuri sa kanya.. Saan naman kaya siya pupunta. Nangangatal na ang dila ko magtanong.

"Miss, where are you going? I mean hindi po ba kayo papasok sa klase nyo", She raised her right brow at nagtatakang tumingin sa akin.

"Does it matter to you kung saan ako pupunta. Let me tell you this, Labas kana doon Ms. Patrono", aniya na seryosong nakatingin sa mata ko

Oo nga naman. Umiling nalang ako ," okay miss, mauuna na po ako", tska umalis nang tuluyan.

Mukhang na misinterpret nya ang sinabi ko. Ano namang pakialam ko kung saan siya pupunta. Tsk tsk.

Take Me AwayWhere stories live. Discover now