CHAPTER 9

1K 57 7
                                    

CHAPTER 9

Gusto kong sigawan ang nagbukas ng pinto. Sobrang bad timing naman nito pero nang makitang adviser ko iyon ay napabuntong hininga nalang ako, baka expulsion ang aabutin ko.

I looked at Zach who's busy arranging the seat. I stood up and went near the door without getting my eyes off him.

Gusto ko siyang lapitan para tanungin kung tama ba ang dinig ko pero bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Sabi ko na nga ba't na trap ka rito. I've been waiting pero hindi ka bumalik kaya pinuntahan na kita," sabi ng adviser ko.

I smiled at her and threw glances at Zach. When he's done, he immediately went to our side.

"Good afternoon, Ma'am," bati niya.

"Delfino," sabi nang adviser ko saka tumingin sa akin nang mapanukso.

"I was trapped here first," malamig na sabi niya kaya tumango ang adviser ko.

"Oh,sige na. Lumabas na kayo para makaalis na tayo, malapit na magtakip-silim," sabi niya kaya nauna akong lumabas.

Panaka-naka pa akong lumingon pero nang makita siyang lumihis nang daan na walang lingon-lingon ay bumuntong hininga nalang ako't dumiretso na paalis. Mabuti nalang at hinintay ako ni Rainier.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya nakasabay ako kay Rainier sa pagpasok. Bago pa man ako makapasok sa room ay sinalubong na ako nina Criscel at Anne.

"May book kang El Filibusterismo?" tanong ni Anne kaya umiling kaagad ako.

"Kailangan nang book sa El Fili, kapag wala daw ay mamarkahang absent," sabi naman ni Criscel."Manghihiram na nga ako, eh."

"Hintayin niyo 'ko. Ipapasok ko lang tong bag ko," sabi ko saka pumasok.

Pumunta kami sa ibang section para manghiram ng book. Dahil may book na si Anne,kami nalang dalawa ni Criscel ang manghihiram. Nahirapan pa kami kasi may iba ring walang book at kung mayroon man ay naipahiram na kaya lumipat na naman kami sa ibang section.

"Ano ba 'to, kung alam ko lang, sana bumili ako," buntong hininga ni Criscel.

"Sa cousins ko, guys. Baka mayroon sila," usal ko.

"Oo nga pala. Tara."

Pinuntahan namin ang section nila at sa kasamaang palad ay wala rin sila. Nagtanong pa kami sa ibang students doon pero ang iba ayaw magpahiram.

"Ano ba yan," napakamot nalang ako sa ulo ko.

"May isa pa tayong section na hindi napuntahan," sabi ni Criscel. "Baka may book ang kapatid mo."

Napaisip naman ako. Hindi ako sigurado pero kung sakaling mayroon nga , eh 'di maganda. Pumunta kami sa section nila. Nagtulakan pa kami kung sino ang haharap kasi may adviser na sila.

Sa huli, ako ang humarap.

"Excuse me, Ma'am," magalang na sabi ko sa adviser nila na hinarap naman kaagad kami.

"Yes?"

"Si Rainier po sana, Ma'am. Kakausapin ko," malumanay na sabi ko.

"Apostol! You have a visitor," sabi niya kaya ang kapatid ko na nakipag-usap ay humarap sa amin.

When he saw me, he waved his hand and went to our side. My eyes wandered around the room and looked for this certain guy. I saw him on the corner. Nakatungo siya, mukhang nakatulog.

Pinalo ko ang kamay ni Rainier nang akmang hawakan niya ang buhok ko.

"Oh? Napadalaw ka?" tumaas ang kilay niya.

Piece of the Past (Delfino Series #1)Where stories live. Discover now