CHAPTER 19

921 34 0
                                    

CHAPTER 19

I bid my goodbye to Farah before I exited. Hindi ko alam kung bakit hindi kami magkaklase ng mga pinsan ko. We're on the same strand but both of them are section B while I'm section A.

I squinted my eyes as I was looking for my cousins to show up. Nang makita silang dalawa na magkasama ay kumaway ako ng ilang beses saka nila ako napansin.

"Let's go," sabi ni Saturday. "Don't touch me, I'm stressed."

Nangunot ang noo ko sa kaniya. Ngumiwi naman siya nang tinawanan siya ng kakambal. I was about to speak when I saw a very familiar man. I waved my hands and he do the same.

"Long time no see," sabi ko at tumawa naman siya.

Klein was dashing in his white shirt and black pants--wala pa kasi ang new uniform namin-- and with his disheveled hair. He smiled and my eyes got bigger when I saw who's with him.

"Rain," she said and laughed.

"Farah," I looked at her and went back to Klein. "You two are..."

Tumango si Farah kaya napamaang ako. Nang ngumiti siya ay sumulpot ang biloy niya kaya gusto kong pindotin iyon. Farah is beautiful and kind hearted. Kahit kanina lang kami nagkakilala ay napansin ko na ang ugali niya. No doubt Klein has fallen in love.

"I'll tell you later," aniya kaya tumango ako.

"Sabay na kayo sa amin," sabi ni Saturday na sinang-ayunan naman nila.

"Ang ganda ng nabingwit mo ah," siniko ni Saturday si Klein na nailing lang. "Rito mo ako."

" 'lul," sabi ni Klein kaya nagtatawanan kami.

While eating hindi ko maiwasan na hindi makatingin sa dalawa dahil ang sweet nila. Sa simpleng pag bigay ni Klein ng pagkain sa plate ni Farah ay ang sweet na.

Kung pinayagan ko siyang manligaw sakin dati at naging kami, ganito kaya siya ka sweet sa akin?

Pinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na rin kaagad kami sa classroom namin nang mag-ring ang bell. Sabay kami ni Farah at kwinento niya sa akin kung paano sila nagkakilala ni Klein.

Nagbakasyon daw si Klein sa lugar na binakasyunan niya kaya sila nagkakilala at nagkamabutihan. Im happy for them. Lalo na kapag nakikita ko ang makinang niyang mata while sharing their love story.

Nang pumasok ang next teacher ay puro pakilala lang ang ginawa at nagbigay ng kaunting assignment. Sabay kami na lumabas ni Farah nang matapos ang klase namin. I was surprised when I saw Zach sitting on the bench while waiting for me. When he saw me approaching, he stood up and meet me halfway.

"Sweet," mahinang sabi ni Farah na tanging ako lang ang nakarinig.

"I'm with my classmate," sabi ko saka pinakilala si Farah. "This is Farah. She's new to our school. Farah, this is Zach, my boyfriend."

"Hi, Zach," maligayang bati niya na tinanguan lang ni Zach. Mayamaya pa'y nagpaalaam na may pupuntahan.

Sabay kaming lumabas ni Zach at dumaan pa kami sa isawan dahil gusto kong kumain. Ayaw naman ni Zach kaya hindi ko nalang pinilit pa.

"How's school?" tanong ni Tita pagpasok ko sa bahay.

"Ayos naman po. May nakilala na ako," maligayang  sabi ko at ngumiti naman siya.

"That's good for the first day. By the way, where's your brother? Lately, late na siyang umuuwi."

"Baka po kasama ang girlfriend," sabi ko na sinang-ayunan naman niya.

Piece of the Past (Delfino Series #1)Where stories live. Discover now