CHAPTER 12

1K 49 6
                                    

CHAPTER 12

Tumingin ako kay Anne nang kalabitin niya ako. Nginuso niya ang bintana kaya tumingin ako roon. Nakatayo si Zach sa labas. Iniwan ko muna sila at lumapit sa bintana.

"We're still practicing," sabi ko kaagad at tumango naman siya.

"I can see that," aniya kaya natawa ako. "See you later."

Nang umalis siya ay bumalik na ako. Alam na nila ang namagitan sa amin ni Zach. I can say that almost the whole school. Nakikita kasi nila kaming palaging magkasama and we can't deny the fact.

We're practicing cheerdance for our performance in Mapeh and we dance for the grades. I got the towel inside my bag and wiped the sweat that was scattered all over my face.

When the trainer signalled us, we went back to our position. That was all we did the whole day. We practiced all day because the competition is approaching.

"Diretso bahay nalang," sabi ko nang magtanong si Zach.

He's also tired because they were also practicing.

"Bye! Take care," I said before I got out of the car.

I waved my hand and wait for him to vanish. Pumasok na ako pagkaalis niya. Halos mapatalon ako nang makita sinTita Sarah.

"Who's that?" tanong niya saka tumingin sa likuran ko.

"Uhm.."

"Boyfriend?"

"Hindi po," agarang tanggi ko. "Manliligaw po."

"Oww!" ngumisi siya sakin. " I want to meet him."

"Tita--"

"I want to meet your suitor, Rain. I can see that he's in love," ngumiti siya. Hindi na ako nakapagsalita nang umalis na siya.

Nagkibit balikat akong pumunta sa kwarto ko. Dahil sa pagod ay nakatulog din agad ako.

Lumipas ang ilang araw na ganun lang ang ginagawa namin. We spent most of our time on practicing. Nagsimula na ang araw kung saan ay magiging busy na kami. Since then, hindi na kami madalas magkasama ng pinsan ko.

Nang ma-busy si Zach, kasi palagi na silang late umuwi ay minsan na rin niya ako kung maihatid. Dahil ganoon din si Rainier, si Manong Allan na ang laging sumusundo sa akin.

"I'm hungry," biglang sabi ni Zach.

"Kain muna tayo," binulsa ko ang cellphone at nilapitan siya.

Noong simula nang manligaw si Zach may napansin akong pagbabago sa kaniya. Hindi naman ganun kalala pero nakisalamuha na siya sa ibang tao at hindi na rin siya bihira kung magsalita. Unlike before na ang mga malapit lang sa kanya ang kinakausap ay pinapansin niya.

I haven't asked him about his family. I was so curious because most of the gossips are his family is the reason behind his personality pero ayoko namang maging sensitive at bigla nalang siyang tanungin. Ang gusto ko ay siya ang kusang magsabi sa akin. I want to feed my curiosity but I respect him the most.

"Sa EMall?" nakangiting sabi niya at nilingon ako.

Tumango ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Hindi naman ako ganun ka tangkad at siya naman ay sobrang matangkad -- kaya nga basketball player siya. Kapag magkaharap kami ay ang lips niya lang ang nakikita ko.

"Pizza...burger...fries...hmm what else," nag-isip pa ako nang ibang pagkain nang tanungin niya ako.

Nakita ko naman ang nakakalukong ngisi niya kaya inirapan ko siya. He really know my wants. Nang makarating kami ay ganun na ang inorder namin.

Piece of the Past (Delfino Series #1)Where stories live. Discover now