CHAPTER 10

1.1K 58 6
                                    

CHAPTER 10

Kagat ang labing naglakad ako papunta sa room nina Zach. Ngayon ko isasauli ang libro niya na nakalimutan ko kahapong isauli. Sana nga lang ay dumating na siya. I peeked at the window and I saw him.

Tumikhim ako at lumapit sa pinto. Tinawag ko ang isang babae. Tumingin ulit ako sa book at binuklat ang cover nandoon ang papel na may nakasulat na 'Thank you, Zach'.

"Pwede po bang paabot kay Zach," inabot ko sa kanya ang book nang tumango siya.

I watched her walk in Zach's direction. She handed the book to Zach and he immediately got it from her. The girl pointed at me so I didn't have a choice but to wave my hand and throw an awkward smole.

Hindi ko napigilan ang kilig at umalis nalang sa kinatatayuan ko kanina na may ngiti sa labi.

"Rain?" may biglang tumawag kaya lumingon ako doon. "Ikaw nga."

"Zayn," biglang nawala ang ngiti sa labi ko.

"Mamaya ah,"sabi niya at napanguso naman ako nang maalala ang sinabi niya kahapon.

"Hi Rain," bati ni Zavier nang dumaan siya sa gitna namin ni Zayn. Naka-harang kasi kami sa pinto.

"Pero--"

"Pupuntahan kita mamaya,"aniya saka pumasok. Bigla ko naman siyang hinawakan sa braso.

"S-sabay kami mamaya ni Rainier,"pahinang anas ko.

"Then I'll tell him that we'll be having a date later,"aniya kaya nakagat ko ang labi ko at unti-unting binitawan ang braso niya. "You're so cute."

"Naks! Pumo-porma ka na ngayon ah,"biglang sabi ng kaklase niya na narinig pala ang usapan namin.

My face burnt in embarrassment. Gradually, I looked at Zach who's intently looking at me emotionlessly.

"Oo naman, baka maunahan eh," birong sabi ni Zayn sa kaklase.

Mas nahiya ako nang magtawanan sila. Hinarap naman ako ni Zayn. "Sige na, kita nalang tayo mamaya."

I nodded and got his hold off me. I was about to go when I bumped into someone. I looked up and I saw my brother with his serious face.

"What are you doing here?" masungit na aniya.

"Ano...sinauli k-ko yung libro," mahinang sabi ko, hindi ko alam kung bakit ako kinabahan ng ganito.

"Rainier, pumo-porma sa kapatid mo oh," sabi ng lalaki na kanina pa salita nang salita.

Narinig ko naman ang buntong hininga ng kapatid ko at sinabihan akong bumalik na sa room. I peeked at the window and I saw my brother sitting on the chair and glared at Zayn.

Pagdating ko sa room ay maya-maya pa'y nagsimula na ang klase kaya nakinig nalang ako sa lecture.

"Si Linus dai," kinikilig na sabi ni Saturday."He chatted with me last night."

"Oh, tapos?" walang ganang tanong ko.

Kami lang dalawa ang magkasama sa isang table. It's our free time after the stressful classes. Wala si Tuesday kasi pinuntahan ang boyfriend niya at kami namang walang boyfriend ay heto kumakain nalang.

"Nag kumustahan kami tapos he asked me kung pwede ba kaming magkita at syempre sino naman ako para tumanggi. I'm not that beautiful to reject him," maarteng sabi niya.

Tumawa nalang ako at talagang nakinig sa lovelife niyang mukhang uusbong na. Dumating din kaagad si Tuesday pagkalipas ng ilang minuto.

"Hey!" maligayang bati niya saka umupo sa vacant seat at nilantakan ang inorder naming foods.

Piece of the Past (Delfino Series #1)Where stories live. Discover now