CHAPTER 2

1.6K 62 47
                                    

CHAPTER 2

"We'll go ahead," paalam niya kay Zach. Tumingin siya sakin saka tumango.

When we're walking away, I simply looked back and I saw Zach turning his back from us.

While we're on our way home, I was thinking deeply about things that bothers me the most. I looked at Rainier who always threw glances at me. I snorted.

"What?"

"May gusto ka ba doon?" tanong niya at natigilan naman ako.

Umayos ako ng upo at tumingin nalang sa daan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Mukhang alam naman na niya ang sagot diyan.

"W-wala.." hindi ako tumingin sa kanya. He snorted which made me bite my lips.

"Don't fool me," seryosong aniya kaya ngumuso ako at sumulyap sa kanya.

"Normal naman ang magkagusto..."mahinang sabi ko." Sa ganitong edad normal lang ang ganito."

"Bakit siya?" tanong niya na nag patigil sakin. "Bakit siya ang gusto mo?"

"Hindi naman nadidiktahan ang nararamdaman no," sabi ko at bumuntong hininga naman siya.

When we reached home, we went inside together.  Panay pa rin ang isip ko na hindi naman siguro magagalit si Rainier kung may gusto ako kay Zach. Mukhang matagal naman na niyang nahahalata pero hindi lang siya nagtanong.

On the other hand, why would he get mad? It's my feelings, not him. And Zach's Rainier's friend.

Tama naman ako eh. Sa ganitong edad ko normal lang ang ganito. Parang pang-inspirasyon lang, ganun. Hindi naman ako mag-aasawa na.

Nang matapos akong makapag bihis ay bumaba ako at naabutan ko si Tita Sarah na nagliligpit ng mga gamit niya. Nang makita niya ako at pinapalapit niya ako kaya pumunta ako sa gawi niya.

"May gagawin ka ba?"

"Wala po."

"Pakiakyat nalang muna nitong laptop sa kwarto ni Rainier,"sabi niya at tumango naman ako saka kinuha iyon.

Dinala ko naman iyon at inakyat sa kwarto ni Rainier. Kumatok ako ng dalawang beses saka pinihit ang doorknob at nabuksan naman iyon pero walang tao sa loob.

"Rainier?" sigaw ko at napatingin nalang ako sa pintuan ng banyo nang may marinig doon. He's taking a bath. "Laptop mo!"

"Pakilagay sa bedside table," aniya kaya lumapit ako doon at nilapag doon.

I was about to go out when I saw his phone on the table. I blinked and my heart thumped crazily when an idea hit me. Sumulyap ako sa nakalock na pinto ng bathroom at tumingin ulit sa cellphone niya.

Sa huli ay dinampot ko ang cellphone niya gamit ang nanginginig kong kamay. Kagat ang labi at panay ang sulyap sa pinto ang ginawa ko habang nag scroll sa cellphone niya. When I found his contacts I immediately pointed to it and found the number that I needed.

Nagkukumahog akong binunot ang cellphone ko sa bulsa at pinicturan ang numero saka ni-clear ang tabs at binalik ko sa bedside.

I jumped when the door of the bathroom suddenly went open. My eyes widened when I saw Rainier with his furrowed eyebrows and confused eyes. He's wiping his wet hair. He looked at his phone on the table and then on me.

"Akala ko lumabas kana," aniya saka nagpatuloy sa pagpunas ng buhok.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumalikod siya at may kung anong inayos doon.

"A-ah. May...t-tiningnan ko lang ang kwarto mo," lumunok ako at sumulyap sa cellphone niya saka pasimpleng naglakad papunta sa pinto. "L-lalabas na ako."

Piece of the Past (Delfino Series #1)Where stories live. Discover now