CHAPTER 14

348 6 0
                                    

Sharlyn’s POV

 

“Kamusta na sya?”

 

“Ayon laging nagmumokmok sa kwarto,minsan pa nga lumalabas nang hating gabi.”

 

“Ganun ba…”

Well I can’t blame her,alam kung iyon lang ang solusyon sa ganitong sitwasyon.

“Ano ba kasing problema nyo,ate Sharlyn? Bakit bigla nalang lumipat sa amin si Kendall? Nag-away ba kayo?” natahimik ako sa tanong na yun ni Keifer. Alam ko naman na magtataka sila at magtatanong pero hindi ko alam na mapapaaga yon.

FLASHBACK

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi,basta ang natandaan ko nalang ay yung nakita sa restaurant na yun. Si Clarence na sa pagkakaalam ko ay boyfriend nang kaibigang kong si Kendall ay nakita kong may kahali---

“Ginabi ka ata?” halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang may nagsalita sa likod ko. Agad naman akong napalingon at nakahinga naman ako ng maluwag nang si Kendall lang pala ito. Nakasandal sa pintuan nang kusina at may hawak na baso.

“Ikaw lang pala yan,akala ko kung sino.”

 

“Tss…so bakit ngayon ka nga lang?” agad na namang bumalik sa isip ko yung eksenang nasaksihan ko kanina sa restaurant dahil sa tanong na yun ni Kendall. Naging dahilan rin iyon nang hindi ko pagtingin sa kanya.

“Kendall…”

 

“Mmm?”

Magtatanong ba ako? Pero paano kung hindi si Clarence yun,matagal na rin nung huli kami magkita,high school pa ata? Ang kaso---bahala na nga.

Hindi ko kayang magtanong nang kung ano kay Kendall,lalo pa’t halos magkapatid na kami. At kung sakaling tama nga yung nakita ko, ay mas magandang mabalaan ko na sya. “A-ayos ka na ba? Pwede ko na bang malaman kung bakit ka nagkulong?” sya naman ang hindi makatingin sa akin nung ko iyon.

Mas maganda ng simulan ko sa ganito,para makaisip ako ng tamang tanong yung hindi magpapagulat sa kanya.

Naglakad sya papasok sa kusina kaya napasunod din ako sa kanya. Inabutan nya ako ng isang basong juice, na ininom ko naman. Pumunta sya sa may lababo kaya sa counter ako pumwesto at inilapag ang bag na dala ko.

“Alam mo naman na may boyfriend na ako at si Clarence nga yun.” Panimula nya.

“O-oo” so,tungkol din sa lalaking yun kaya nagkulong ang isang ito? Pagkakataon nga naman…

“This past few days kasi pakiramdam ko nanlalamig na sya sa relasyon namin.”

 

“T-talaga.”

 

“Hindi ko rin naman sya masisi dahil pareho kaming busy sa trabaho. Pero gumagawa pa rin ako ng paraan magkita kami,lalo kapag free ako. Tapos sya, I don’t want to say this but…wala syang pakialam? Kasi naman kapag nagse-set kami ng date,hindi sya sumusulpot.”

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now