CHAPTER 19

325 7 0
                                    

Sharlyn's POV

"They really look like him, especially Brayle. The looks, attitude, the way he talk and that blank and emotionless eyes, anak talaga ni Blake. "

Napalingon ako sa mga bata na naglalaro 'di kalayuan samin dahil sa sinabing yun ni Vince. At hindi mapigilang mapabuntong-hininga dahil totoo talaga ang sinabi nya, malakas ang lahi ng loko e.

"Sharlyn..." nilingon ko si Dexter ng tawagin nya ako

"Bakit?" I ask while smiling but my smile fade away immediately when an unexpected question come out from him.

"How come?" dalawang salita lang 'yon pero alam ko na kaagad ang ibig sabihin nun. Inaasahan ko ng manghihingi talaga sila ng kasagutan sa'kin dahil alam na alam kong grabeng pagtitimpi ang ginawa nila para wag lang ako matanong.

"Alam nyo sa totoo lang inaasahan ko na talagang magbubunga ang pagmamahalan namin ni Blake..." natatawa kong panimula at tinanaw ulit ang mga bata, "Ang hindi ko lang inaasahan ay ang...pagbabago nya."

Agad nag-flashback sa isip ko yung mga panahon na nanlalamig na sa'kin si Blake. Mga oras na kung umuwi sya ay gabing-gabi na, meron pa nga na hindi talaga sya umuwi halos ikabaliw ko yun dahil kilala ko si Blake lagi nyang sinasabi kung nasaan sya dahil mabilis akong mag-alala lalo na sa kanya. Kapag tinatanong ko naman sya ay nauuwi lang sa pag-aaway pero naisip ko na siguro hindi lahat ng ganap sa buhay nya ay kailangan kong malaman kaya hindi ko na sya ganung tinatanong...pero nagbago nga ang lahat ng dumating ang araw na yun, kung saan kasabay ng isang magandang balita ay isang nakakawasak na katutuhanan.

"Pero sa tingin ko mas maganda na ang ganito...ang nangyari yon. Kasi natutunan kong tumayo sa sarili kong mga paa, magsumikap at saka hindi naman ako pinabayaan ni Lord kasi kasabay ng pagkawasak ng puso ko ay sya namang pagdating ng mga anghel ko."

"Hindi ka ba nahirap?" Vince asked

"Hahaha syempre nahirapan pero ng tumagal ay nasanay na ako buti nalang talaga nandyan si Kendall, and thankful din ako kasi mababait ang anak ko."

"Bakit hindi mo agad sa'min inamin na may anak sayo si Blake, na may pamangkin kami?"

"Alam ng Diyos kung gaanong pagtitiis ang ginawa ko para lang hindi masabi sa inyo ang totoo, Dexter. Natatakot kasi akong baka sabihin nyo kay Blake...hindi naman sa kinukuhaan ko ng karapatan si Blake sa mga bata takot lang ako...takot na kunin nya sa'kin ang mga bata."

"Paano mo naman nasabing kapag nalaman namin ang totoo, ate Sharlyn ay sasabihin namin kay Blake?" natigilan ako sa tanong na yun ni Keifer, tama nga naman sya.

"At paano mo nasabing kukunin sa'yo ni Blake ang mga bata kapag nalaman nya ang totoo?"

"Hindi ba ganun kadalasan ang nangyayari sa mga palabas?"

"Hahahaha, you're overthinking, Sharlyn. Palabas lang yun, not real."

"Kahit na, walang malalaman si Blake hanggat hindi ako nakakasiguradong kukunin nya nga sa'kin ang mga bata. Kaya kayo..." sabay turo bawat isa sa kanila "wala kayong sasabihin tungkol sa mga bata kay Blake, lalo ka na Vince."

"Bakit ako?" react agad ni Vince ng paglakihan ko sya ng mga mata.

"Kilala kita, sa laki ng bunganga mo kakasabi pa lang ata ng sikreto nakaabot na sa kabilang bayan."

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now