CHAPTER 17

347 6 0
                                    

Sharlyn’s POV

 

“Boss, mabilis nilang nalalampasan ang iba.”

 

“FUCK!!...sumama ka sa’kin.”

 

A-aray,” inda ko ng biglang sapilitang hinila yung braso at dahil nga sa nakatali yung paa ko ay lumagapak ako sa sahig.

“Buhati nyo yan…” may bumuhat sa akin na parang sako at naramdaman ko na naglakad na kami-I mean sila. “Ihanda nyo yung sasakyan.”

“Yes, Boss”

Hindi ko napigilang mapasigaw ng may marinig akong putukan ng baril. Ano bang nangyayari? Mas lalong nagiging malakas yung putukan habang naglalakad yung nagbubuhat sa’kin. May naramdaman akong likidong lumandas sa mukha ko na pinabayaan ko lang, natatakot ako.

“And where are you going? Escaping?”

Naramdaman ko na napahinto kami sa paglalakad. At nakarinig din ako ng pagkasa ng mga baril.

“Hindi pa ba halata?” pambabara nung kumidnap sa’kin. Kahit hindi ko sila nakikita alam ko yung nagsasalita base na rin sa boses nila.

“Let her go,” hindi ito pakiusap kung hindi isang utos.

“Do you think I’m idiot? Pagkatapos ng ilang taon kong paghahanap at pagtitimping saktan sya…” agad na bumalatay ang sakit sa mukha ko ng higitin nya yung buhok ko. “ Sa tingin mo ganun ko lang kadaling ibibigay sya sa inyo? HELL NO!!”

“A-AAHHHHHH!!!” hindi ko na talaga napigilan ang mapasigaw ng makaramdam ng matinding sakit sa buhok kong hawak-hawak nya.

“Fuck!Sharlyn!---”

 

“Oops,oops,oops…sige, iputok mo yang baril na hawak mo ng sumabog ang ulo nitong babaing ‘to” wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak, umiyak dahil para sa buhay ko, sakit sa pagkakasabunot sa buhok ko, galit sa sarili ko dahil hindi ko man lang maligtas ang sarili ko, galit sa mga taong dumukot sa’kin sa hindi ko malamang dahilan.

“Tara na…”nagsimula ng maglakad yung nagbubuhat sa’kin. “Kayo ng bahala sa isang yan,” nakarinig na naman ako ng putukan na pahina ng pahina.

Nang makaipon ng lakas ay sinubukan kong magpumiglas umaasahang makakawala sa nagbubuhat sa’kin hinahampas ko rin ng nakatali kong kamay yung likog nung nagbubuhat sa’kin. At sinisigurado ko talagang binibigay ko ang lahat pero parang balewala dun sa nagbubuhat sa’kin.

“Ano ba kasing kailangan nyo sa’kin?! Ibaba nyo ko…IBABA NYO SABI AKO!!!”

Sigaw ko habang patuloy pa rin sa pagpupumiglas, pero parang wala silang narinig at patuloy lang kami sa paglalakad. Sa huli, ako ang kusang sumuko at umisip nalang ng paraan kung paano makakatas…kung makakatakas pa ba talaga ako.

Huminto sila sa paglalakad at may narinig akong umandar na makita.

Napa-aray pa’ko ng walang pagiingat akong ipinasok sa sasakyan. Naramdaman ko pang may ibang pumasok sa sasakyan at nagsimula ng umandar ito, medyo na-out of balanace pa’ko dahil ang bilis nung pag-andar nung sasakyan na parang nakikipagkarera.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now