CHAPTER 10

618 10 0
                                    

  Sharlyn's POV

"Well, kamusta ka naman Miss. Mendoza? " napahinto ako sa pagiisip ng marinig ko ang tanong na yun ni Mr. Chua.

"M-Maayos naman po"

"Mmm mabuti kung ganun, sigurado akong matutuwa ang lahat kapag nalaman nilang ang dakilang si Queen S ay umuwi na " hindi naman ako nagsalita at ngumiti na lamang. Hindi parin mawala sa isipan ko yung nakita ko kanina. Ano bang nangyayari?? Bakit ako nakakakita ng ganun?? S-sino yung lalaking kapareho ng ngiti ni Mr. Chua? kung lalaki nga,bakit malabo yung mukha nya?? --"Are you okay, Miss Sharlyn?" nabalik ako sa realidad ng itanong iyon ni Mr. Chua.

"U-umm Yes" mukhang hindi naman ito kumbinsido sa sagot kong iyon.

"Is there any problem? Maybe i can help you" umiling iling naman ako para ipakita sa kanyang wala talagang problema.

"H-hindi ko lang po maiwasang isipin na baka hindi maganda ang kalabasan ng project na to" i lied, hindi naman talaga ako nag aalala para sa mangyayaring show dahil may tiwala ako sa sarili at team ko,hindi ko lang kayang sabihin kay Mr. Chua yung iniisip ko at baka pagkamalan na akong baliw. Mukhang naniwala naman sa sinabi kong iyon si Mr. Chua.

"You don't have to worry about that dahil alam kong imposibleng mangyari yun, lalo na't marami akong naririnig tungkol sa mga gawa mo. Lahat ng show na hineld mo ay puro successful at wala man lang naging aberya. Kaya ano pang ikinababahala mo, hindi ba?"

"Tama naman po kayo pero kasi ngayon lang ako magkakaroon ng show na dito gaganapin sa pilipinas, hindi ko lang maiwasan mangamba"

"Wag mo nalang isipin ang magiging problema just fucos in your main goal and that is to make the show fantastic and marvelous" parang hinaplos ang puso ko sa sinabing yun ni Mr. Chua,marami ng nagsasabi sakin ng mga ganyan pero iba ang pakiramdaman ko ng si Mr. Chua ang nagsabi."Nga pala nakapag isip na ba kayo ng magiging theme ng show? " dahil sa tanong na yun ni Mr. Chua ay panandaliang nawala lahat ng gumugulo sa isip ko at masayang ipinakita sa kanya ang plano namin.

Ang pinili naming theme ay summer kasi sakto sa panahon ngayon, tag init. At imbes na mga swimwear ang damit na gagawin mas minabuti kong damit, like dresses na pwedeng suotin ngayong tag init. Pwede syang suotin ng bata at matanda kaya maganda, maganda rin ang tela kaya komportable. Naisip ko rin na kung sosyal ang susuot dadagdagan namin ng kaunting accessories katulad ng sobrero o payong na babagay sa damit.

Pinlano ko ang lahat ng to habang hindi pa tumatawag sakin si Angel. Gusto ko kasi na planado na ang lahat bago ako kumilos para hindi ako malito. Tungkol naman sa designs ng mga damit, actually wala pa akong naiisip pero hindi naman yun big deal dahil alam kong makakaisip rin ako. Sa magiging set up ng lugar naisip kong medyo light na hot para ba feel na feel na summer. Ang set ay magiging hot and at the same time cool. Inilalarawan ko palang sa isip ko napapangiti na ako.

"I don't know what to say" naiusal ni Mr. Chua pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya ang lahat, ramdam ko ang pamumula ng dalawa kong pisngi dahil sa sinabi nyang yun pakiramdam ko maganda ang ideyang naisip ko at nila Jane. "Hindi ko inaasahan na sa maikling panahon na yun ay naisip mo ang ganitong ideya. Nakakamangha, hindi na ako magtataka kung bakit sikat at marami kang taga hanga. Kakaibang talento ang meron ka"

"Maraming salamat po hindi ko rin naman po ito maiisip kung hindi rin dahil sa tulong nila Jane,ang team ko"

"Mmm tama ka dyan mas maganda talagang pati ang team mo ay kasama sa pagpaplano para maisaboses din nila ang ideyang namumuo sa isipan nila. Kaya pala ganito ang kinalabasan, hindi na ako makapaghintay sa fashion show na gaganapin"

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now