CHAPTER 15

398 8 0
                                    

Sharlyn’s POV
 

Nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan, nakatingin sa bahay ko galing dito. Magdadalawang linggo na rin simula nung umalis dito si Kendall. Nung isang araw ko lang sinabi ang totoo kina Princess at Jhon ang totoong umalis talaga ang Tita nila at hindi lang iyon tungkol sa trabaho. Buti na lang at matatalino ang anak ko,nung maramdaman kasi nilang hindi ko masabi ang dahilan kung bakit umalis si Kendall ay pinatigil na nila ako at sinabing kung ano man daw ang naging dahilan ng pag-alis ng Tita nila sa bahay alam nilang maaayos din yun at babalik din si Kendall sa bahay.

Diba napakawa-swerte ko sa kanila.

Imagine five years old kids can understand the situation of their parents. Wala na talaga akong mahihiling pa sa panginoon.

Napagdesisyunan ko na ring bumaba ng sasakyan at agad nakakuha ng pansin ko ang sasakyang nakaparada sa harap ng bahay namin. Hindi agad ito makikita dahil nahaharangan ito ng sasakyan ni Kurt, tapos sa harap pa ng sasakyan ni Kurt ako huminto mas lalong hindi makikita.

Siguro nagkataon lang talaga na dyan lang nakapag-park yung may-ari ng sasakyan diba? Hindi ko matandaang may kilala akong may ganyang kotse,brown color.

Hindi ko naman masabi kung anong sasakyan ito,dahil wala akong ganung alam tungkol sa mga sasakyan.

Dahan-dahan akong napalingon sa bahay namin at balik ulit dun sa kotse. Wag naman sana…

Nagmamadali akong pumasok sa gate ng bahay at malayo pa lang sa main door ay rinig na rinig ko na ang tawanan nina Princess at Jhon. Nang binuksan ko ang pinto ay natanaw ko agad ang dalawa na tawa ng tawa habang nakikipaglaro sa taong hindi ko inaasahang makita ngayon. Anong ginagawa nya dito?

 

“Hello,Mom”

 

“Ay,kabayo…Brayle,dapat hindi mo ako ginugulat ng ganun.” Nakahawak ako sa dibdib habang sinasabi iyon sa kanya. Wala namang nagbago sa ekspresyon ng mukha nya at inayos lang ang salamin na lagi nyang gamit kapag nagbabasa.

“MOMMY!!!” nawala ang atensyon ko kay Brayle ng marinig ko ang sigaw na yun nina Princess. Tumatakbo itong lumapit sa akin at bago pa man ako maka-react e,napaupo na ako sa sahig dahil sa ginawa nilang pagyakap. Ang hyper-hyper talaga o,

“Mom,did you know that I discover something interesting, do you know?do you know?!”

 

“O-okay,Princess relax,relax because your Kuya Jhon can’t breath,your squeezing him.”

 

“Oh! Sorry”

Yumuko naman ako ng tumayo na si Princess para tignan kung ayos lang ba si Jhon,dahil grabe yung higpit ng yakap sa akin ni Princess e. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ayos lang sya, sabay kaming tumayo at sakto namang nasa harapan na namin yung unexpected visitor na sinasabi ko.

“Hi,Sharlyn.” Halatang nahihiya nitong bati sa akin.

“H-hello…Bailey”

 

****

“Tadhana nga naman o,hindi ko inaasahan na isa ka pala sa may-ari ng daycare na yun.”

 

“Well, mahilig kasi talaga ako sa mga bata. Kaya ng malaman kong mag-tatayo si uncle ng daycare I really want to have a partnership with him.”

HE WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon