CHAPTER 7

725 11 0
                                    

A/N:Gusto ko lang sabihin na dahil sa ine-dit ko ito ay may kaunting magbabago sa takbo ng istorya. Wag rin po sana kayong mainip dahil matagal akong mag update. Kasi po minsan hindi ako makapag concentrate sa pagsusulat pero I'll do my best to finish and make this story worth it to read.

Wag kakalimutang bumoto, magkomento at sundan ako para sa maraming storya na aking gagawin sa hinaharap...

Abangan rin ang mga bagong karakter sa mga susunod na chapted. HAPPY READING!!!!

Unknown's POV

"Sa tingin ko'y dapat na tayong umamin sa kanya,sa kanilang dalawa"

"Yan rin naman ang gusto ko mahal ang problema nga lang ay baka kamuhian nila tayo at hindi ko kaya yun alam mo naman kung gaano ko kamahal ang dalawang yun......kahit hindi natin sila tunay na anak"

Napabuntong hininga naman ako dahil sa protrasyon.

Anong dapat naming gawin?? Hindi ko na kayang itago sa kanilang dalawa. Ang tagal na panahon naming tinago sila sa mga magulang nila. At ngayong malalaki na sila ay alam kong maiintindihan nila ang dahilan namin.

Nadamay lang kami dito dahil sa perang kailangan namin. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.

"Pakiramdam ko ay pinapahanap nila tayo ngayon. Kailangan nating mag ingat dahil sigurado akong hindi nila tayo hahayaang mabuhay pagkatapos ng pagtataksil na ating ginawa sa pamilya nila. "

Paano na to????

---

Sharlyn's POV

"Magandang umaga"

"Meghandyang omage" napatampal ako sa aking noo ng marinig iyon.

Bakit ang cute cute nilang magsalita...

Ilang araw ng hindi tumatawag sakin si Angel,ang sekretarya ni Mr. Chua. Kasama kasi sa napagusapan namin na tatawag nalang sila sakin kapag magsisimula na ako at sila Jane.

Inuubos ko ang oras ko sa pagtuturo sa mga bata ng tagalog words,ipapasok ko kasi sila sa daycare, siguro??

Hindi naman ako nahirapan na turuan sila maliban nalang sa pagpo pronounce ng mga salita. Minsan may pagka maarte at kung hindi naman ay nagkakanda bulol bulol sila.

"Hehehehehe"

Nagtataka akong napalingon kay Kendall na nasa kabilang sofa. Parang baliw na ngumungiti habang nagtitipa sa cellphone nya.

Isa rin to, ilang araw ng kakaiba ang kinikilos. Laging nakaharap sa kanyang cellphone at maya maya'y tatawa o di kaya ay bubungisngis na parang baliw. Hindi makausap ng matino dahil kapag tatanungin mo ay tumatawa nalang bigla.

"Tita is so creepy" iiling iling na sabi ni Jhon na sinang ayunan ng kanyang kapatid.

"U-Umm kid's go upstairs because i will talk to your tita, okay? " nagsitanguan naman ang mga ito at tumayo na ng makaakyat na sila ay saka ko naman hinarap si Kendall.

Nakangiti ito at parang uod na nilagyan ng asin dahil napakalikot sa upuan.

"Pssttt Kendall" parang hindi  ako nito narinig at nagpatuloy sa pagtipa sa kanyang cellphone. "Kendall" pero wala parin.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now