CHAPTER 2

987 10 0
                                    

Sharlyn's POV

Pag kababa ko ng eroplano ay nalanghap ko agad ang hangin ng pilipinas wala paring pinagbago.Masaya and at the same time natatakot ako na bumalik dito pero nandito na e ano pang magagawa ko,naalala ko yung paguusap namin kagabi ni Kendall nung nalaman nyang uuwi kami ng Pilipinas.




FLASHBACK

"Ehhh handa ka na bang makaharap sya?"tanong sa akin ni Kendall

"Bakit ba yang ang iniisip mo hindi naman ako babalik sa pilipinas para sa kanya at saka kung magkita man kami hindi na namin kilala ang isa't isa" natatawa kong sagot, tinignan nya naman ako ng seryoso na sinabayan pa ng pagtaas ng isa nyang kilay pahiwatig sakin na seryoso sya.

Nawala naman ang ngiti ko at inilabas na ang tunay kong nararamdama ,nakabusangot na mukha na parang dala ang problema ng buong mundo at malungkot na mga mata, yan ang tunay na nararamdaman ko kanina pa"Hindi ko alam may parte ng isip ko na sinasabing umatras na lang ako at sa kabila naman ay wag daw, naguguluhan ako"nalulungkot kong sabi,buti nalang at tulog na ang mga bata kaya nakakapagusap kami ni Kendall tungkol sa ama nila...

"Kung ganyan rin naman ang iniisip mo mas magandang wag nalang tayo tumuloy, sa ganyang stage mo pa naman na nagsisisi ka sa huli. Baka pagbalik natin dun maglupasay ka dahil mahal mo pa si--"

"H-huyy!! Hindi na kaya"

"Hindi ba talaga? " napahinto naman ako dahil sa kaprangkahan na yun ni Kendall "Tignan mo naninigurado lang ako hindi ka na makasagot agad... Tsk tsk tskkkk. Sinasabi ko na sayo Sharlyn mahal mo parin si Blake"

"Wag mo ngang banggitin ang pangalan nya, naiinis ako e" nakanguso kong sabi sa kanya.

"Naiinis ba talaga ang sabihin mo... Kinikilig ka lang kapag naririnig yung pangalan nya...gaga ka!! "

"Grabe ka naman makapagsalita"

"Bakit hindi ba totoo??.. Hindi ba totoo??" hindi na naman ako nakasagot at nakangusong tinignan lang sya...

Tandaan nyo readers MAPANG API SI KENDALL huhuhuhuhuhu. Mabait lang yan kapag may kailangan pero ang totoo masama sya at mapang api....

"Hindi ka pa handa Sharlyn" napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yun. "Kahit hindi mo sakin sabihin alam kong hndi ka pa handa at alam ko ring mahal mo parin si Blake ,hindi naman kita masisisi dahil sobrang tagal nyo kasing nagmahalan.. Halos half of your life"
Bumalik na naman yung sakit na naramdaman ko ng sabihin nya yun....

Mahirap mang aminin pero t-tama yung sinabi ni Kendall,siguro mahal ko parin si Blake hindi man ganun katindi ng katad ng dati pero alam kung may nararamdaman parin ako para sa kanya...

Sobra ang hirap ko nung nandito ako dahil buntis nga ako nung time na yun kaya para akong mababaliw kakahanap sa presence nya. Minsan mararamdaman ko nalang tumutulo nalang yung luha ko dahil sa pagka miss sa kanya. Maraming beses ko na ring tinangkang tawagan sya kasi sobrang gusto ko ng marinig yung malalalim at malalmig nyang boses. Pero anong magagawa ko tuwing maiisip ko yun sumasagi agad sa isip ko na WALA NG KAMI. At yun ang pinakamahirap.

Nawala lang sya siguro sa isip ko nung time na nagsisimula na akong bumuo ng clothing business na naging sikat naman dito. Mas pinili ko kasing ituon ang atensyon sa mga anak, business at sa mga tinutulungan ko para kahit papaano makimutan ko sya. Ngunit lahat ng sakit, galit at lungkot na nararamdaman ko ay bumabalik pagsapit ng gabi, kapag patulog na ako. Twing ipipikit ko yung mga mata ko pagtataksil nilang dalawa yung nakikita ko....

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now