CHAPTER 6

765 11 0
                                    

Sharlyn's POV

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad na bumungad sa harapan ko ang nakapamewang na si Kendall na nakataas pa ang kilay.

"Grabe naman yang park na sinabi mong malapit lang. Inabot ka ng isang oras sa paglalakad,aba e ang galing hindi ko matandaan na pagong ka na pala ngayon, Sharlyn" sarkastiko nitong bungad, napalunok naman ako ng laway.

"U-Umm g-gising na ba yung mga b-bata" pagiiba ko ng akda, umikot naman ang dalawa nyang mata.

"Don't change the topic Sharlyn....San ka ng galing at inabot ka pa ng isang oras para makauwi,huh?"

Bakit ba ang paprangka ng mga tao ngayon?

"M-May dinaanan l-lang"

"Na tumagal ng isang oras! "

"O-Oo"

*Poink*

PINITIK NYA ANG NOO KO!!!!

"Ouch"

"Ako ba pinagloloko mo Sharlyn Mae Mendoza. Kung magsisinungaling ka sa katulad ko siguraduhin mo munang hindi ka nauutal at kayang labanan ang magaganda kong tingin!!!" singhal nito sa mukha ko, napanguso naman ako habang hawak hawak ang noo kong pinitik nya.

Akala siguro nito hindi yun masakit.... Ang sakit sakit kaya.

"Tigil tigilan mo ko sa panguso nguso mo at baka putulin ko yan" agad kong tinakpan ng kamay ang bibig ko "Tsk.... Ano sabihin mo san ka ba galing at ngayon ka lang? " pataray man ang paraan ng pagkakatanong nya nun ay ramdam kong seryoso sya.

Kaya wala akong choice kung hindi ang sabihin sa kanya, nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago nilabanan ang mga tingin nya"Nagkita kami nila Dexter"

Kita ko kung paanong ang seryoso nyang itsura ay unti unting napalitan ng pagkagulat"W-WHAT!!? P-Paano nangyari yun? "

"Nakilala ako ni Dexter"

"WHAT!!!?"

"Pwede bang wag kang sumigaw baka marinig ka ng mga bata" umikot naman ang eye balls nya.

"Duh nandito kaya tayo sa labas at saka kahit magsisisigaw ako dito ngayon ay hindi ako maririnig ng mga anak mo dahil tulog pa sila. At kilala mo ang mga yun na kapareha mong tulog mantika"

S-Sandali para atang nagkabaliktad.....Sa pagkakatanda ko SYA ang tulog mantika sa aming dalawa.

"O e pano ka nga nakilala ni Dexter?"

"Wag natin dito pagusapan dun tayo sa kwarto ko"

Mas niluwagan nya ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ako. Ng makarating kami sa kwarto ko ay ikinuwento ko sa kanya ang lahat. Mula dun sa pagkakabangga ko kay Dexter hanggang sa magtatatanong ang mga ito sakin.

"E sinabi mo bang may anak sayo si Blake?" umiiling ako sa tanong na yun ni Kendall

"H-Hindi pa ako handa kilala mo ang tatlong yun kaibigan nila si Blake. Baka pagsinabi ko sa kanila ay sabihin din nila kay Blake"

"Sa bagay tama ka nga naman..... Pero pwede mo naman ata silang pakiusapan na wag sabihin kay Blake"

"Oo nga pero..... hindi pa kasi ako handang sabihin sa kanila. Natatakot ako sa hindi malamang dahilan" natahimik naman sya sa sinabi kong iyon. "At saka nandito ako para magtrabaho hindi ko muna iisipin ang mga bagay na yan at baka maapektuhan ang pagtatrabaho ko" namayani naman ang katahimikan pagkatapos kong samibitin iyon.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now