CHAPTER 33

248 7 0
                                    

NOTE: Ang chapter na ito ay may 1st and 3rd POV, and also flashback. Baka kasi magtaka kayo sa sudden change ng scene just reminding. Well, enjoy reading. Ilang chap nalang!!!

Sharlyn's POV

"Anong balita?"

"Wala pa rin, but the investigator is doing his best."

"Thank you, Blake."

Napatingala ulit ako at tinitigan ang mga bituin sa langit. Mom,Dad please be safe. Hindi ako titigil sa paghahanap sa inyo hanggat hindi ko kayo nakikita...

Mag-iisang linggo na nung huli kong nakausap si Mom. Nakita ang van na sinasakyan nila na halos hindi na makilala. Pinaniniwalaang inambush sila dahil na rin sa pagkawala nila Mom. Inaabangan nalang ng mga pulis at namin kung hihingi ba ng pera ang kumidnap kina Mom. Wala na rin yung driver nila Mom. Halos magwala ako knowing na nasa panganib sina Mom. Nangyari na sa'kin ang bagay na 'yon kaya alam kong natatatakot silang dalawa. Hindi maipagkakailang kilala ang mga magulang namin dahil na rin sa yaman namin. Hindi ko magawang maging mahina dahil sabi na rin ng mga pulis imposibleng pinatay sila at may mga anak pa akong dapat na alalahanin na alam kong nasasaktan din.

"Beshie,Blake let's eat," nawala ang atensyon ko sa malalim na pagiisip ng marinig ko ang boses ni Kendall.

"Let's go?"

"Mmm,"

Ng makarating kami sa kusina ay nandoon na ang mga bata. Umupo na rin kami at nagsimula ng kumain. Ganito ang naging set up namin ngayon. Hindi na ganun kapasaway ang mga anak ko, palaging tahimik at inaalala ang Mom at Dad. Tungkol naman kay Kendall? After sumabog ng balita the next day umuwi na lang siya biglaan. Kung siguro umuwi siya ng hindi ganun ang sitwasyon ay nabungangaan ko na siya but that time i just hugged and cried on her shoulder. Hindi ko gustong makita ng mga batang umiiyak ako dahil alam kong iiyak din sila.
Si Blake ay dito muna tumutuloy. Alam kong biglaan pero sinabi niyang posibleng puntahan din kami ng mga kumidnap kina Mom. Pinapili niya pa ako kung gusto ko ba daw ng bodyguards na pupuno talaga sa bahay o siya. I don't have I choice and besides alam kong mapoprotektahan niya kami ng mga bata, kasama si Kurt.

"Mommy, how's lola and lolo?" nabali ang katahimikan ng itanong iyon ni Princess sa'kin. Natigil ang tangka kong pagsubo at ganun din sina Kendall. Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko ang lungkot at pag-aalala sa mga mata niya.

I put down my spoon and hold her cheek. "Hindi pa alam ni Mommy, baby e. Pero alam naman na'tin na malakas sina lolo and lola diba?" tumango siya. "We will do our best to find and save them, kaya wag ka ng mag-alala. Kayo rin Jhon at Brayle, magiging maayos din ang lahat."
Mabilis na tumayo ang dalawa at niyakap ako ng yakapin ko ang kapatid nila.

Pagkatapos naming kumain ay inalis ko muna panandalian ang problema ko at inasikaso ang mga  bata. Sabay sabay kaming naligo at napagplanuhang manood ng palabas. Hindi naman tumanggi si Blake at Kendall. Sa sala kami nanood at gumawa rin kami ng popcorn at juice. Ng matapos ang palabas ay bagsak na rin ang tatlo. Pinagtulungan namin sila nina Kendall at Blake na ilagay sa kwarto.

"Beshie, matutulog na rin ako. Goodnight, sayo rin Blake," ngitian ko nalang si Kendall at tinanguan naman siya ni Blake.

Sa kabilang side nakaupo si Blake habang ako sa kabila rin. Ilang minuto rin kaming ganun habang nakatingin sa mga bata. Nabasag lang ng magsalita siya.

"I think I know who kidnapped Tita and Tito," mahina niyang ani na agad na nakakuha ng pansin ko.

"Sino?" parang nawala ang antok ko sa sinabing 'yon ni Blake.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now