CHAPTER 22

340 7 0
                                    

Sharlyn’s POV

 

“Kayo ng bahala sa kanila, Mom.”

 

“Don’t worry, Honey. My grandchildren are very smart they will understand why they can’t come to your runway.” Mom said while tapping my shoulder. Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa ni Dad, they really the best parents in the world.

“Goodluck sa runway, balitaan nyo nalang kami kapag nakauwi na kayo.”

 

“I will, Dad” tuluyan na nga akong nagpaalam sa kanila ng matanaw ko si Kendall na papunta na sa direksyon namin. She’s wearing a simple blue dress and light make-up na pinaresan ng pump na light blue at shades. Napailing na lang ako sa suot-sout, talagang pinaghandaan.

"Ano pang hinihintay mo dyan,Beshie? Tara na.”

Hinawakan nito ang kanang braso ko at hinila ako.

“Tita,tito mamaya nalang po. Bye,bye!” sigaw nitong humihila sakin hindi ko napigilang hampasin sya sa kaingayan nya.

“Baka magising ang mga bata.”

 

Ayyy, sorry.”

Inirapan ko lang sya at nilingon sina Mom then wave my hand to say goodbye. Nginitian naman nila ako at kumaway din.

Habang nasa byahe kami ni Kendall na si Kurt ang driver ay hindi matigil tigil ang bunganga nya sa kakasabi ng kung ano-anong bagay. Buti nalang talaga at kasama namin si Kurt kaya sya ang ginugulo nitong katabi ko.

Nakatingin lang ako sa bintana at inaalala ang mga bata. Mas minabuti naming umalis ng tulog sila, saktong tuwing tanghali natutulog sila kaya nakaalis kami. Gustong gusto ko sila isama sa runway na gaganapin na ngayong araw pero anong magagawa ko, nandoon si Blake. Hindi imposibleng magkita silang mag-aama.

Kaya kahapon kinausap ko sila Mom at salamat sa Diyos ay pumayag sila. Naiintindihan nila ako at ang mga desisyon ko kaya talagang mahal na mahal ko sila, kahit noong nakaraang araw lang ay tinanong nila ako kung kailan ko ba daw ipapakilala ang mga bata sa tatay nila. Nagulat nga ako ng sobra ng bigla nilang itanong yun, kasi never nila akong tinanong kahit nung nagbubuntis pa ako kela Brayle ng tungkol sa pagpapakilala ko sa mga bata sa tatay nila. But I understand them because growing without a father or mother is hard. Hindi man ako lumaking ganun pero alam ko kung gaano kahirap yun.

Ipinaliwanag ko naman sa kanilang darating ang araw na yun hindi nga lang ngayon, dahil hindi pa ako handa sa pwedeng kalabasan kapag nangyari yun. At naiitinidihan naman nila.

“Pupunta ba yung Ate mong b-bruhilda?” I looked at Kendall when she ask that, I just shrugged my shoulder. Hindi imposibleng nandoon si Ate dahil nandoon ang boyfriend nya.

Hindi na nasundan ang tanong na yon ni Kendall kaya sandaling umidlip ako, nakita ko pang may tinipa sya sa cellphone nya bago tuluyang pumikit ang mga mata ko. Saktong paghinto ng sasakyan ay ang paggising ko.

Hindi ganun karami ang mga tao ng dumating kami sa pagdadausan ng runway, karamihan sa kanila e yung event organizer na tauhan ni Mr.Chua, ang team ko at mga models.

Sumalubong samin si Jane na sobrang ganda sa suot nyang dress.

“Good afternoon, Ate Sharlyn.” Bati nito

“Good afternoon din, kamusta ang stage?”

 

“It’s already settled, ang ganda ganda nga po e.” mas lalong nadagdagan ang excitemet ko ng sabihin yun ni Jane. Hindi ako nagkaroong makita ang stage kahapon dahil nawalan ako ng oras.

HE WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon