CHAPTER 27

303 9 0
                                    

Sharlyn’s POV

Minsan talaga nangyayari yung mga bagay na hindi mo inaasahang mangyari. Minsan maganda ang kinalalabasan dahil matatanto mong mas maganda ngang nangyari yung bagay na yun bago mahuli ang lahat. Pero kabaliktaran naman iyon sa mga taong nagkaroon ng pagsisisihan sa huli.

Katulad ko, hindi man ako sigurado kung magsisisi ako sa huli. But still, isa pa rin ako sa mga taong nakatakas ng mga pangyayaring hindi inaasahan. Palagi naman siguro.

“Your daughter?”

 

“H-huh?”

 

“That cute girl, is she your daughter?” pag-uulit niya sa tanong ng may seryosong mukha.

“Y-yes.” Bakit ba ako nauutal?!

“I see.” Ramdam ko ang lamig sa boses niya habang sinasabi ang mga katagang iyon, at hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag-igting ng panga na para bang may pinipigilan siya na kung ano.

“A-ano nga palang ginagawa mo dito?” bahagya kong kinurot ang sarili ng mautal na naman ako.

“Mom?”

I slowly turn my back to Blake and see my son standing in the gate. May halong kalituhan ang makikita sa mukha niya. Bumalik ulit ang tingin ko kay Blake at napagtantong nagkatitigan sila ni Brayle. Kung kanina gusto ko ng matumba ngayon parang higit pa dun ang gusto kong mangyari.

Masama mang pakinggan sa parte ng mga anak ko, pero nananalangin ako na sana isang panaginip lang ito. Na paggising ko ay dun palang magsisimula ang birthday ng Mom. Gusto kong maluha ng marinig ko ang binigkas ng panganay ko.

“D-dad?”

Parang may sariling utak ang katawan ko ng magawa kong lumapit kay Blake at mabilis na hinila siya papuntang passenger seat, siguro sa pagkagulat ay hindi niya nagawang manlaban. Mabilis akong lumapit sa anak ko at pumantay sa kanya, inilagay ko ang dalawang kamay sa magkabilaan niyang pisngi at binigyang halik ang noo niya.

“Mommy,will tell everything when she came back. Pumasok ka muna,okay,Brayle?” dahan dahan naman itong tumango kaya nakahinga ako ng maluwag. “Babalik agad ako, I will just fix everything.” And with that. Mabilis akong bumalik sa sasakyan ni Blake at pumwesto sa driver’s seat. Good thing, nandoon ang susi kaya agad agad kong pinaandar ang makina. Binigyan ko pa nang huling sulyap si Brayle bago nagsimulang magdrive palabas ng village.

Mommy,got this baby.

Inihinto ko lang ang sasakyan sa isang café at lumabas. Sumunod naman sa akin si Blake na tahimik hanggang ngayon. Sinong hindi, Sharlyn? He just see his son. At siguradong pati ngayon iniisip niya na rin na anak niya si Princess.

Pumwesto kami sa medyo dulo, nagorder naman kaagad ako bago hinarap ang kanina pang mariing nakatingin sa akin. Hindi ko naman kinaya ang titig niya kaya ako na mismo ang umiwas. Lakasan mo ang loob mo, Sharlyn.

Ibubuka na sana ang bibig upang magpaliwanag ng unahan niya na akong magtanong.

“Care to explain?” mahina nitong tanong at ramdam ko dun ang pagtitimpi. “Care to explain why do I look like that boy... who called me dad? Care to explain why I felt something when I saw that little version of yours?"

Hindi ko siya masisi dahil for all this years wala man lang akong ginawa para ipakilala sa kanya ang mga bata.

“Alam kong may ginawa akong mali. Pero ginawa ko lang iyon, Blake kasi alam kong makakabuti yun sa mga bata. Masisisi mo ba ako? Ako yung niloko, na trauma ako.” Alam kong nakikita niya yung sakit sa mga mata ko ngayon. Pero wala na akong pakealam, ayoko na ng magtago ng nararamdamn ko. Hindi ko nga alam na may hinanakit pa pala ako sa ginawa nila sa’kin. “And yes… anak mo sila.”

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now