CHAPTER 38

330 11 0
                                    

“Taas ang mga kamay!”

“Naloko na,” rinig kong bulong ni Vince bago itaas ang kamay. Gagayahin ko na sana ang ginawa niya ng may magsalita sa likod nitong mga armadong lalaki.

“Hands up, a*sholes!!”naglingunan ang mga ito at hindi nakaligtas sa’kin si Kuya Bailey na may hawak hawak na dalawang baril sa magkabilaang kamay niya. “THANY,COVER YOUR EYES!!” nakatingin nitong sabi na ipinagtaka ko.

“Just do it,” sabi nitong katabi ko at siya na ang nagtakip ng mga mata ko.

“AYOS NA BA,MONTEVERDE?”

“AYOS NA AYOS!” sigaw na sagot nitong katabi ko. Owtomatiko akong nakarinig ng mga daing at sipaan.

“Vince,anong nangyayari?”

“Mas mabuting wag kang magtanong,Thany.” Sagot ito sa tanong ko. Magtatanong pa sana ako ng tumunog ang earpiece na suot suot ko.

“Wife?” boses iyon ni Blake at mukhang may kalaban siya.

“Nandito ako,hubby.”

“Makakaalis kayo diyan, papunta na diyan ang kuya mo.”

“Nandito na sila pareng Blake,” sabat ni Vince. Sandaling natigilan si Blake bago nagsalita.

“Mabuti naman kung ganun…”

“Hubby nasaan kayo?” may takot kong tanong dito.

“Nandito na kami kung nasaan sina Mom Sam at Dad Fred.” Parang may kung ano sa puso ko ang biglang natanggal ng sabihin niya ang mga katagang iyon. Mom,Dad finally.

“A-ayos lang ba sila?”

“They had bruises but still fine. Inalis sila rito ni Maria while I’m the one finishing the work.”

“Be safe…”

“Wife, wag kang lalayo sa kuya Bailey mo.” Parang may kung ano sa kung papaano sabihin iyon ni Blake kaya nagtanong ako. “Nakuha namin sina Mom pero nakatakas si Emeralda.”

“What?”

“What’s the problem?”  tinanggal na ni Vince ang kamay sa mata ko kaya kita ko ang paglapit ni Kuya Bailey sa’kin bago nagtanong.

“N-nakatakas daw si Emeralda.” Medyo natigilan ito sa sinabi ko at ng maka-recovery ay lumingon siya sa mga tauhang dala niya.

“Secure the area. Tie who still breathing…and kill who will fight.”

“Roger,Sir!” makalipas ang ilang segundo ay kaming tatlo nalang nila Vince ang natira dito sa may pintuan.

“Akala ko katapusan na namin,pare. Saktong sakto lang ang dating niyo.” Kamot sa ulong sabi ni Vince.

“I’m really sorry for being late. Sinigurado ko munang ligtas ang mga bisita at sina Mom bago ako makapunta rito…Are you okay,Thany?” lumapit siya ng tuluyan sa’kin at maingat na hinaplos ang pisngi ko.

“I’m okay,Kuya. Nagkaproblema lang dahil hindi kami sanay ni Vince sa paghawak ng baril kaya sakto lang ang pagdating niyo. Sila Mom? Okay lang ba sila?”

“They are fine.”

“Ganun ba?...Tara na, umalis na tayo sa lugar na ‘to.”

“Thany…” may pag-aalalang banggit nito sa pangalan ko. Hindi ko mapigilang malungkot dahil akala ko makikita ko na sina Mom at matakot rin para sa safety nila Blake. Lumapit si kuya sa’kin at niyakap ako mabilis naman ako kumapit sa kanya. “Magiging okay lang ang lahat. Sa ngayon kailangan lang na’ting umalis dito at ipaubaya sa’min ng asawa mo ang lahat ng gawain. Nagawa mo na ang part mo, its time for us to do are part. “

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now