EPILOGUE

522 13 1
                                    

“LUMABAS KA JAMESON BLAKE SMITH!!”

“W-wife---”

“ANG SABI KO LABAS!” Hindi siya nakinig sa sinabi ko at nanatili lang sa pagkakatayo sa pintuan ng kwarto. Mas lalo namang nag-init ang ulo ko at napipikon na lumapit sa kanya at tinulak papuntang pintuan. Hindi naman siya nanlaban at ng sa wakas ay nakatapak na siya sa labas ng kwarto ay malakas ko na sinarado ang pinto.

“Please, wife open the door. I’m really sorry, promise hindi ko talaga babae ‘yon. Nagkataon lang na siya yung nakasagot sa tawag ko kasi naiwan sa office yung phone ko. Please, beileve me…” pagsusumamo nito sa’kin at mahinang kinakatok ang pintuan. Pero kahit anong gawin niya ngayon, umiyak pa siya ng dugo hindi mawawala ang galit ko ngayon. Ang kapal ng mukha. Grabe yung pag-aalala ko sa kanya kagabi kasi hindi siya umuwi, syempre nag-alala ako ni text wala. Tapos nung tinawagan ko siya, babae ang sumagod. Girlfriend niya daw, ang kapal kapal.

Nawala ang mga iniisip ko ng makaramdam na naman ako ng paghalukay sa tiyan ko. Mabilis akong tumakbo papunta bathroom at dumuwal sa lababo pero wala akong sinuka. Isa pa ito sa pinoproblema ko, nung nakaraang araw pa itong nararamdaman ko at mukhang mas napapadalas ang pagduwal ko na wala namang isinusuka. Dalawang buwan na rin akong hindi dinadalawan---hindi kaya…

Mabilis akong nagmumog at lumabas sa cr. Agad kong kinuha ang bag at susi sa sasakyan. Hindi na akong nag-abalang mag-ayos ng mukha. Ng buksan ko ang pintuan ay naabutan ko si Blake na nakaupo sa gilid ng pintuan. Napatayo siya at lalapitan sana ako ng lagpasan ko ito at bumaba papuntang kusina. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko pero ni paglingon ay hindi ko ginawa. “Manang.”

“Ano iyon,Iha?” tumigil sa pagwawalis si Manang Ester at nilingon ako.

“Pupunta dito sina Mom at kukunin ang mga bata. Pwede niyo bang asikasuhin muna sila?”

“Walang problema,”

“Salamat po…nga po pala baka anong oras na akong makauwi kayo na po ang bahala sa bahay.” Bumalik naman agad sa ginagawa si manang at ako naman ay naglakad na papuntang garahe.

“Wife, where are you going? Can you please talk to me? O kaya hayaan mong samahan kita kung saan ka pupunta. Wife,” hinawakan niya ang braso ko bago ko pa maabot ang garahe. Inis ko namang iwinaksi ang kamay niya at galit na nilingon siya.

“Pwede ba Blake wag ngayon!”

“Wife…” medyo nakaramdam ako ng guilt ng makita ang sakit sa mga mata niya ng sigawan ko siya. Pero hindi pa rin nun mawawala ang galit ko.

“Sorry kung nasigawan kita pero wag mo muna akong kausapin ngayon,” bumagsak ang balikat niya at tumungo. Tinalikuran ko na siya at sumakay sa sasakyan. Ganun lang ang posisyon niya hanggang sa makalabas ako ng gate. Parang may kung anong napiga sa dibdib ko na agad kong iwinaksi. Sa ngayon may kailangan muna akong patunayan. Habang nasa byahe ay tinawagan ko na rin si Kendall.

“Yes beshie?” bungad nito.

“Nasa inyo ka ba?”

“Yes…Inaalagaan si Vin.”

“Pupunta ako diyan…sa tingin ko buntis ako,”

“T-talaga!?---” pinutol ko na kung ano pa ang sasabihin niya.

“Hindi pa ako sigurado, sa ngayon pupunta na ako sa pharmacy para bumili ng pt.”

“SIge, hintayin kita.”
Nang makarating sa pharmacy ay bumili ako ng tatlong pt. Buong byahe ay nanalangin ako sa Diyos na sana nga tama ang kutob ko. Malaki na sina Brayle at matagal na rin nilang gusto na magkaroon ng bunsong kapatid na aalagaan talaga nila. Ang asawa ko rin ay ganun, gusto niya kasi maranasang makita ang paglaki ng tiyan ko, yung mga paglilihi ko, unang iyak ng anak namin, unang salita, maraming bagay ang gustong maranasan ni Blake na mukhang ngayon ay matutupad na. Ng makarating sa bahay nina Kendall ay sinalubong ako ng mag-ina. Sobrang saya ko para sa kaibigan ko kasi nakahanap na siya ng lalaking talagang makakatiis sa kadaldalan niya at walang iba kundi ang playboy na si Vince. Ikinasal ang dalawa at may anak na sobrang cute, Vin Kennth Llareña.

HE WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon