CHAPTER 24

312 5 0
                                    

Sharlyn’s POV

Hinihingal akong napaupo sa harap ng nagbebenta ng street food at natatawang napatingin kay Blake na busangot na busangot ang mukha.

Tinanggal nya na ang suot suot na mask dahil hindi ko talaga pinayagang ako lang ang mage enjoy at syempre magdurusa sa mga nakakamatay na rides sa peryang ‘to.

“Satisfied?” sarkastiko nitong tanong ng makaupo sa tabi ko, nagthumbs up nalang ako at hindi na nagsalita dahil talagang lalabas na yung halakhak ko, makatawag pansin pa.

Grabe talaga yung reaksyon nya sa mga sinakyan namin. Alam ko kasing ayaw nyang nagsisisakay sa mga ganung rides kaya yon yung pinili ko. Mas prefer kasi ni Blake na manuod kesa sumakay.

“Do you want that?” napalingon ako sa kanya ng magtanong sya habang nakaturo sa mga street food sa likod namin. Tumango naman ako kaya tumayo na sya at lumapit dun sa matandang nagbebenta.

Nakatingin lang ako kay Blake habang nakikipagusap sya dun sa tindero.

May plano talaga akong itanong sa kanya kaya nagpakasaya saya ako ngayon, kinalimutan ang awkward sa pagitan namin para makakuha ako ng lakas itanong sa kanya yung mga tanong na kailangang sya lang ang makakasagot. Mukhang tumalab naman dahil ngayon handa na ako.

“Here.”

Nabalik ako sa reyalidad ng itapat nya sakin ang malukong na punong puno ang laman.

“Thank you.” Ng makuha ay tumabi sya sakin at inilagay ang nabili ring juice sa pagitan namin.

Nagsimula kaming kumain habang nakatingin sa mga taong mukhang tuwang tuwa sa mga rides at tindahan na pinupuntahan nila.

“Thank you nga pala kasi dinala mo ko dito.” Sincere kong sabi kay Blake habang nakatingin sa kanya. Tumigil naman sya sa pagsubo, lumingon sakin at tinanguan ako.

“Your welcome, ako ang nagyayang lumabas kaya reponsibilidad kong magenjoy ka… kahit kaligtasan ko ang kapalit.” Hindi ko mapigilang matawa dahil mukhang ayaw na ayaw nya sa mga pinagsasakyan namin.

“Hindi ka naman kasi mamatay kapag sumakay ka sa mga rides, Blake.” Pamimilit ko dito.

“You can’t say that, Sharlyn. Hindi mo alam kung kailan bibigay yung mga sinasakyan natin.” Talagang hindi sya magpapatalo.

“Yeah, yeah whatever…” ang sabihin nya lang duwag lang talaga sya. Ang sungit sungit takot naman pala sa mga rides, tsk.

“I know what your thinking.”

 

“Hehehe…” umiling iling nalang sya at pinagpatuloy ang pagkain. Ibinaba ko naman ang malukong ko at inayos ang pagkakaharap sa kanya. “Blake,” tawag ko dito.

Lumingon naman sya at tinaasan ako ng kilay ng hindi binibitawan ang stick na hawak.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now