CHAPTER 29

302 7 3
                                    

AUTHOR'S NOTE:(MUST READ) Hello readers, gusto ko lang sabihin na ang chap na ito ay baka last kong update this month(Im not sure) dapat talaga ay dalawang chapter yung chap 30 na Lang ang kulang at mahaba haba rin ang isang 'yon. Pero mukhang hindi ata maganda ang impression sakin ng tadhana dahil nabura yung chap sa pinagsusulatan ko na app. Grabe, GRABENG INIS talaga ang nararamdaman ko gusto kong umiyak kasi nagloloko na nga yung cellphone ko, nagloko pa yung application na ginagamit ko. I'm really sorry talaga, I know sobrang tagal kong mag update. Aayusin ko muna yung chap na nawala at sana rin wag na magloko ang cp ko. Wish me all the luck, dear readers. And way to end na rin ang HE WANTS ME BACK kaya Sana, Sana talaga makiayon sakin si tadhana.

*****

“Halika nga.” Nakakunot noong lumapit ang maliit na bata sa lalaking na sa harapan niya. Nang makalapit siya ay agad itong niyakap ng lalaki at pinugpog ng mga halik. Ang kaninang malungkot na ekspresyon ng bata ay napalitan ng masayang mga mata.

 

“Kuya, ano ba!?” tumatawa nitong ani ng hindi siya nito binitawan at pinagpatuloy lang ang ginagawa.

 

“Patawarin mo si kuya kung hindi siya makalaro kasama ka. May kasunduan kasi kami ni Mom na hahayaan niya tayong maglaro ng buong weekend basta matapos ko lang lahat ng assignments ko.” Sinserong ani ng batang lalaki habang yakap yakap ang kapatid nitong bunso. Nagtampo kasi ito dahil wala siyang time para sa play time sana nila. Hindi siya nito pinapansin simula nun at talagang iniiwasan siya.

 

“Ganun ba…akala ko kasi naiinis ka na sa’kin, kuya. Kaya ayaw mo ng makipag-play sa’kin. Pero ng dahil sa sinabi mo hindi na ako magtatampo, hindi na rin kita muna guguluhin para sa weekend makapaglaro na tayo.” May mga ngiti sa labing sabi ng batang babae. Mas lalao namang napangiti ang kuya nga at hindi napigilang pugpugin na naman ito ng mga halik.

 

“Waaaahhhh, kuyaaa!!!”

 

Kumakaripas na tumakbo ang batang lalaki ng marinig niya ang iyak na yun ng kapatid niya. Nakita niya ito sa hardin nila at naupo habang nakatingin sa dumudugong tuhod nito. Naalarma ang ang batang lalaki kaya mabilis niya itong nilapitan. Mas lalo namang lumakas ang iyak ng kapatid niya ng makita siya at sumenyas na yakapin siya.

 

“What happen?”

 

“Gusto ko lang naman makipaghabulan kay Ms.Butterfly, pero mukhang nagseselos si Mr.Bato kaya humarang siya sa dadaanan ko para madapa ako. Kuya, inaaway niya ako!!!”

 

Hindi napigilang matawa ng batang lalaki ng iyon ang isagot ng bunso niyang kapatid sa kanya. Kahit kailan ay napakamalawak talaga ng kaisipan nito. Dahil sa pagtawa niyang iyon ay nahawa ang kapatid niyang bunsong kapatid, kaya kahit walang dahilan ay tumawa rin ito.

 

“K-kuya, dito k-ka lang.” paos nitong ani at mahigpit na hinawakan ang kuya niyang babalik na sa silid nito. Nagkasakit kasi ang batang babae kaya hindi pwedeng magtabi sa pagtulog ang dalawa at baka mahawa ang kuya niya.

 

Agad na nakaramdam ng lungkot ang batang lalaki kaya nangako siya na babalik kapag tulog na ang mga magulang nila. Tinupad naman niya ang pangako niya dahil hindi pa nagkakalahating oras ay mahinang bumukas ang silid ng batang babae at niluwa nito ang kuya niya. Agad na niyakap siya ng kuya niya ng makahiga sa kama at sa gulat nito ay mabilis na nakatulog ang batang babae pagkatapos nun.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now