CHAPTER 9

577 11 0
                                    

Sharlyn's POV

"Ako po si Kurt Santiago magandang umaga po ma'am Sharlyn." magalang nyang bati sa akin at pahagya pang yumuko.

Napangiti rin ako "Magandang umaga rin sayo Kurt. Ngayon mo na ba sisimulan ang trabaho mo? "

"Opo ma'am"

"Hahahaha wag mo na akong tawaging ma'am, Sharlyn nalang" tumango na lamang sya at hindi na nagsalita. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Masasabi kong may ibubuga nga itong si Kurt,humahapit pa sa suot na polo ang mga naglalakihan nyang braso. Pormal din sya kung makipagusap at talagang mararamdaman mo ang paggalang sa bawat salitang kanyang binibitawan. At kung tatanungin ako sa palagay ko ay nasa edaran ko rin sya.

Lunes ngayon, pasok na ng mga bata ngayon at kagabi rin ay nagtext na sakin si Jane na ngayong araw kami magsisimula.Hindi ko inaasahan na ngayon pala ang dating nitong si Kurt inaasahan ko kasing sa susunod pang araw. Pero nagpapasalamat narin ako dahil may makakapagbantay sa mga bata. Kagabi ko pa kasi iniisip kung sinong magbabantay sa mga anak ko, may trabaho kaming dalawa ni Kendall at sa susunod pa na araw darating ang dalawang kasambahay na hinire ko. Kaya nagkakaproblema ako kung sinong magbabantay sa mga bata salamat nalang talaga at napaaga itong si Kurt.

Planado ko na talaga ang lahat ng ito simula sa mga magiging kasambahay at bodyguard nahihiya narin ako kay Kendall na laging taga bantay ng mga bata,pinagiisipan ko nga rin kung magdadagdag ako ng bodyguard para mas maging kampante akong ligtas ang mga anak ko kahit wala ako sa tabi nila.

"SHARLYN BAt--ang tagal mong bumalik sa kusina?? " napalingon kami ng sabay kay Kendall na galing sa kusina. "May naligaw atang gwapong nilalang sa bahay natin? " napailing nalang ako sa sinabi nya nakakalimutan ata ng isang ito na may nanliligaw na sa kanya.

"Kendall si Kurt ang magiging bodyguard ng mga bata" napamaang naman sya sa sinabi kong yun. "At Kurt si Kendall ang tita ng mga anak ko at bestfriend ko" yumuko ito kay Kendall at bumati. Niyaya ko naring sumabay sa almusal si Kurt total naman ay kakasimula palang namin. Nung una ay tumanggi pa ito pero dahil labis na mapilit ako ay wala syang nagawa.

Ipinakilala ko na rin sya sa mga bata at mukhang na love at first sight pa ata ang bunso ko. May nalalaman pang paipit ipit ng buhok sa tenga nya pagkatapos ay tatawagin si Kurt at magpapacute. Natatawa nalang ako kapag sinasaway sya ng dalawa nyang kuya na itigil ang pagpapacute kay Kurt, tatarayan nya lang ang mga to at babalik sa pagpapacute. Halata naman sa mukha ni Kurt ang pagkailang.

"Kakaiba rin yang si Princess nu Sharlyn" bulong sakin ni Kendall habang tinitignan ang anak ko na katapat lang namin.

"Hahaha pabayaan mo nalang at baka tupakin yan kapag pinigilan natin" umiling na lamang sya at pinagpatuloy na ang pagkain.

Ng matapos kami ay inihanda ko na ang gamit ko at ng mga bata. Sinigurado kong lahat ng kakailanganin nila ay nasa bag na bago bumaba. Naabutan ko naman sila Jhon at Princess na kinukulit si Kurt habang si Brayle ay nasa single sofa at nagbabasa.

*Beep*Beep*

Humahangos na lumabas sa kwarto nya si Kendall. Napagilid pa ako dahil magkakabanggaan kami kapag hindi ko yun ginawa.

"Alis na ako nandyan na ang gwapong manliligaw ko!!!!! " nakatalikod na ikinaway nya pa ang kamay bago tuluyang lumabas. Napailing nalang ako at hinakbang ang natitirang hagdan.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now