CHAPTER 31

254 7 0
                                    

Kendall's POV

"I forgot my phone nga kasi," naiinis kong ulit.

"Bakit mo naman nakalimutan?"

"Kasi--ah basta." Hindi nila pwedeng malaman kung anong sinabi ko kay Beshie. Siguradong mapapatay ako ni Blake at ate Shane. Kadaldalan mo kasi Kendall e, diyan ka talaga mapapahamak.

"Anong basta? Ang sabihin mo burara ka lang," Bwisit din 'tong si Vince e, pasalamat siya may kasama kami kung hindi naku nakatikim na ito sa'kin.

"Ano namang pakealam mo,huh!?"

"Wha--"

"Okay,you two stop... Wag kayong magbangayan at kagigising lang ni Vera," pang aawat na ni ate Shane. Tumigil namang agad si Vince payatot kaya hindi na rin ako nagsalita.

"Ate Kendall, nagugutom ako," haplos ni Vera sa kamay ko.

"Sige,wait lang." Tumayo ako at pumunta sa table dito sa kwarto na puno ng pagkain at naghanda. Habang naghahanda nakikinig ako sa pinaguusapan ni Vince payatot at ate Shane.

"Why they kidnapped my sister? Who are they?"

"Dahil konektado kayo sa'kin,saming dalawa ni Sharlyn. Maswerte nga tayo dahil hindi pa niya alam ang tunay niyong pagkatao,"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kilala ko ang tunay niyong mga magulang. Kung saan kayo nagmula,kung bakit napunta kayo sa mga Monteverde...marami. Marami akong alam,"

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Pati ang paghahanda ko sa pagkain ni Vera ay nakaligtaan ko na at matiim na nakatingin kay ate Shane. Nung nahanap namin si Vera nung nakidnap siya wala na kaming oras na tanungin si ate Shane sa kung paano niya nahanap si Vera? Sino yung kumidnap? Wala. Hindi rin namin naisip yun dahil tinutulungan ko si Vince. Ngayon lang ito nangyari sa kambal niya kaya kailangan ko siyang bantayan. Kilala ko kasi si Vince baka may gawin siyang ikapahamak niya lalo pa't si Vera ang pinaguusapan.

Habang si ate Shane ay may tinrabaho na hindi namin alam. I can't still forget that she and Blake are not real couple. Sinabi niyang arte lang ang lahat ng yun at may reason sila kung bakit nila ginawa yun at isa na don ang kaligtasan ni Beshie. Nung sinabi niya sa'min yun hindi ko alam pero hindi ako nagduda, obvious din kasi sa mukha ni ate Shane na nagsasabi siya ng totoo.

"H-how did you know-"

"Because we--"

"We have to go," biglang pasok ni Blake at nagmamadaling lumapit kay ate Shane. Nagkatingin ang mga ito at sa tinging Jhon nagkaintindihan sila dahil mabilis na kinuha ni ate Shane ang phone Niya at may tinawagan. Tumayo si Vince sa kinauupuan Niya at lumapit sa'min ni Vera, ganun din si Blake.

"What's happening, Blake?" nalilitong tanong ni Vince.

"Emeralda and her men is on their way here," I froze because of what Blake said. Narinig ko rin ang mahinang pagmumura ni Vince at tinanong ang sarili kung anong kailangan ng Llareña sa kanilang magkapatid. That's what I'm asking too, anong kailangan ng isang sikat na business woman sa kanilang magkapatid? Tanda ko pa nga ang pagpunta niya sa fashion show ni Beshie, akala ko kagalang galang na babae may itinatago palang sama.

Emeralda Castro Llareña is very known for being elegant and sophisticated woman. Together with her only daughter, Helena Llareña ,the model queen. What is happening to her? Hindi pa nga namin alam kung bakit niya kinidnap si Vera at pinahirapan. Hindi ba siya natatakot masira image niya? May ibubuga ang pamilya Monteverde pagdating sa kayamanan, and I know kapag nalaman nina Tita ang nangyari kay Vera ah hindi sila magdadalawang isip na kalabanin si Emeralda.

HE WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon