CHAPTER 36

245 9 0
                                    

“Si Vera at Vince po, ang anak ni tita Clarrissa.”

“Oh my---” hindi na napigilang yakapin ni Mom si Vera at Vince ng ipakilala ko ang mga ito sa kanila ni Dad. “Anak talaga kayo ni Rrissa, hindi ba mahal?”

“Mmm,” pagsang-ayon ni Dad. Ng gumaling si Vera ay plano talaga namin silang ipakilalang dalawa kena Mom, nangungulit rin kasi si Mom. Nakontact na rin namin sina Mrs at Mr. Monteverde para sabihing ligtas ang dalawa, nagkakausap din naman silang pamilya. Mas minabuti nga lang namin na huwag munang umuwi sina Vince para na rin sa kaligtasan nila Tita. Dito muna sila mamamalagi hanggang sa dumating ang kaarawan ni Dad.

“Tara at handa na ang tanghalian. Marami akong gustong ikwento sa inyo tungkol sa Mom niyo,” naiiling nalang si Dad ng sundan namin ang tatlo sa hapag.

“Mommy!” napatigil ako sa paglalakad at nilingon si Princess na tumawag sa’kin. Bihis na ito kasunod ang kuya at si Blake. Naligo kasi sila sa pool kanina at sinamahan ni Blake. Hinawakan ko ang kamay at hinintay makalapit ang tatlo.

“Your so beautiful, wife.” Banat nito ng makalapit at hinawakan ang bewang ko’t ginawaran ako ng mabilis na halik.

“Thank you,”

“What about me, daddy? Am I beautiful?” singit ni Princess at hinila hila pa ang laylayan ng damit ni Blake.

“Your gorgeous, my Princess.” Then kiss her forehead.

“Let’s go, naghihintay na sila Mom?”

“Chibugan na!!” Jhon and Princess shouted that made us laugh. Naiiling nalang ang kuya Brayle nila na sumunod sa kanilang dalawa.

“They inherited your energy,” bulong nitong katabi ko. Napairap naman ako.

“At namana rin nung panganay yang ugali mo,” at pingot ko rito.

“Hahaha, it’s not my fault. He’s my son.”

“Tse!”

Lumipas pa ang ilang araw at dumating na nga ang pinakahihintay kong araw. My dad’s birthday.

“Hindi ka pa ba tapos?”

“Give me a second, wife.” Pumasok na ako sa kwarto at nakita si Blake na nahihirapang ayusin ang necktie niya. Hindi ko naman maatim ang panunuod lang dahil malelate na kami, kaya ako na ang gumawa.

“Bakit ka pa kasi magsusuot nito alam mo namang hindi ka komportable kapag may suot suot kang tie,” sermon ko sa kanya habang inaayos ang tie niya.

“I have to be presentable,”

“Okay naman kahit walang ganito…o, ayan tapos na. Tara na?” hihilahin ko na sana siya ng ako ang mahila niya. “Ano?”

“Pwedeng wag ka nalan---”

“Hep,hep,hep. Hindi ba napagusapan na natin ang bagay na ‘to?”

“But wife---”

“Hubby, don’t take your words. At saka magiging maayos naman ako dahil may kasama ako,”

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now