1

851 17 5
                                    


"tama na yang kakainom mo oy baka magka damage na yang bituka mo."


nakataas ang kilay kong tinignan ang mga kaklase ko na ngayon ay mga kasama kong uminom. Nagkayayaan kasi sa bahay ng isa naming kaklase. Kakatapos lang kasi namin grumaduate ng high school. Uminom ako at sandaling inubos ang nasa baso ko bago ko pairap na inialis ang aking paningin sa kanila. Pakiramdam ko ay ganon na lang din kaagad akong nawala sa mood. Paano ba naman kasi sinong matutuwa na mag martsa at umakyat sa stage ng wala man lang pumunta ni isang magulang para sa isang mahalagang event na nangyare sa buhay ko.


"ano bang pake mo?" nakabusangot at matalas ko na tinignan si Erin. "isa pa kung ano mang mangyare sakin, edi todas kung todas. Total wala naman na din akong saysay dito sa mundo." I smirked at pairap na inalis ang paningin sa kanya.


napagpasyahan ko na rin na tumayo dahil gusto ko nang umuwi. Nakaramdam na kasi ako ng hilo.


"uwi na'ko." paalam ko sa kanila ng maisuot ko na ang sling bag ko.


"aga naman?" nakangiting tingin ni Erin sakin.


"psh! parang di naman natin kilala yang si Sam." singit din bigla ni Tasha na kasalukuyang nagsasalin ng alcoholic drink sa baso.


"dito na ako." paalam ko pang muli sa kanila bago ako nagmadaling lumabas.


pasado alas dose na ng hatinggabi at sobrang lamig na ng hangin. Bukod doon ay wala si Harvey para sunduin ako kaya ang ending si Kiel ngayon ang susundo sakin.


"hi babe!" Nakangiting bati ko sa kanya ng makapasok sa kotse. Nagsuot na rin ako ng seatbelt.


"you're drunk?!" nilingon niya ako ng nakataas ang kilay. Nagiging strikto nanaman. "I had medicine there. Inumin mo para hindi ka magkasakit." turo niya sa bag niyang nasa tabi ko.


"sweet mo talaga.." kinikilig na sabi ko at sinunod siya.


tumawa lang siya at sandaling ginulo ang buhok ko bago nag drive paalis. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana buong biyahe. Ni walang kaide ideya kung saan niya ako dadalhin. Ganito ang ugali ko kapag siya ang kasama ko pero kapag iba, talagang pinagmamalditahan at pinag susungitan ko.


"sorry if I didn't come earlier. Alam mo naman si Zeniah." sambit niya.


"okay lang. Pero matanong lang kita," nilingon ko siya habang siya ay daretso pa rin ang tingin sa kalsada. "sinong mas mahal mo sa aming dalawa?"


yeah. Kabet ako. May relasyon kaming dalawa habang meron siyang tunay na girlfriend. Yon nga si Zeniah pero, never pa kaming nag meet dahil ayaw ni Kiel. Bukod doon ay matagal ko na rin itong gawain ever since na nalaman ko na ganito rin ang sinapit ni mama.


anak ako sa labas, kumabet si mama sa isang koryano pero simula nung ipinanganak ako never pa niya akong pinakita doon. Minsan nga di ko rin maiwasan na isipin kung buhay pa ba yon at alam ba niya na nagkaanak sila ni mama which is ako.

The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon