41

186 3 0
                                    


"How are you? Did you eat what I prepared  for you?"


Hindi ako nagsalita at patuloy lang na nakatingin sa movie na pinanunuod namin ni Gianna kahit na ang totoo non ay wala naman akong maintindihan dahil sa lungkot na nararamdaman ko. It's been a week na rin ng mapagdesisyunan ko na hindi pumunta at itigil ang kung ano man na meron akong koneksyon kay Gaviniel.



"Sam, hindi na ako natutuwa sa ganyan mo ah? Mamaya magkasakit ka naman na niyan." Patuloy na sabi pa ni Gianna sakin. Dinunggol dunggol pa niya ako kaya napatingin din kaagad ako sa kanya ng walang ekspresyon ang mukha. "Ano? Kumain ka naman. Alagaan mo naman yung sarili mo look what at your face."



Malalim ako na bumuntong hininga bago napapalunok na tumango sa kanya at dahan dahan na inalis ang paningin para ituon iyon sa pagkain na inihanda niya. Hindi ko alam kung anong oras siya pumunta dito sa bahay dahil sa pagkakaalam ko na lang ay pagmulat ko ng mata ko ay nakaupo na siya sa study table ko at tahimik na nakatingin sakin.



Tahimik ko na ginalaw ang kutsara at umayos ng upo para simulan na kainin iyon. Ramdam ko ang tingin sakin ni Gianna kaya napalingon ulit ako sa kanya at tipid na ngumiti bago ko hiniga ang ulo ko sa kanyang balikat. Kasabay niyon ay ang unti unti nanaman din na pag apaw ng mga luha sa mga mata ko na siyang naging dahilan para kaagad ko rin na mailapag sa lamesa ang hawak ko na bowl.




Sunod ay walang salita ako na yumakap ng mahigpit kay Gianna para agad rin na maitago ang sakit na naiipon nanaman sa dibdib ko. Bigla bigla na lang rin sunod na nagsilabasan sa isip ko ang mga masasaya naming alaala. Ayoko ng ganito.



Hindi nagsalita si Gianna at dahan dahan lang na hinaplos ang mga kamay ko ganon na rin ang gilid ng aking ulo. She even turning off the television so that the ambiance of the place already been silent.



"Gi? Mali ba yung ginawa ko na iwanan si Gav?" Hagulgol ko habang mabagal na pinupunasan ang mga luha na tumutulo sa mga pisngi ko. Lumayo ako at umayos ng tayo para harapin siya. "Mali ba?"



"U-uhm..." Parang nangangapa na sagot niya sakin at sandali na lumingon sa kung saan habang kamot ang likod ng kanyang batok. Bumuntong hininga siya bago alinlangan na ngumiti sakin. "Sa tingin ko, tama lang siguro na ginawa mo yon dahil sa kwento mo sakin na lagi na lang siya puro excuses kapag tungkol na sa'yo."



"Saka sabi mo rin di'ba? na ang laki na ng pinagbago niya after 5 months pagkatapos ng anniversary ninyo?" Dagdag pa niya. Nang hindi siya mapakali ay tumayo rin kaagad siya para maglakad papunta at puma meywang sa harapan ko. "So for me, okay lang yung ginawa mo na yon para marealize at malaman niya naman yung ginawa niya sayo. Pero hindi ibig sabihin non Sam, na kinakampihan kita okay? I was just only here to explain and express what I feel."



"I know Gi," I told to her and quickly smile a bit before looking down to my hands. Habang dahan dahan ko na ginagalaw ang mga iyon ay hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin na tumutulo ang mga luha ko. Siguro sa ilang weeks ko na umiiyak, kulang ang isang drum para mamaga ng ganito sobra ang mga mata ko. Ang sakit na.



I still wanted to continue what am I saying to Gianna when my phone suddenly vibrate. Carlton's name was on the screen. Saglit na nangunot ang noo ko at lumingon muna kay Gianna bago ko iyon tuluyan na sinagot. Habang abala ako sa pagpupunas ng luha ko gamit ang likod na palad ng isang kamay ko. I also cleared my voice so that Carlton would not be obviously think what's going on to me. Kahit na hindi naman siguro malabo na makarating rin kaagad sa kanya ang balita na wala na kami ni Gaviniel since they were bestfriends.


The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now