20

202 2 0
                                    


"Tanginang yan, totoo? Teka nasaan na ba yung lalaking yon Samantha! Nanggigigil ako ah!"

Naiangat ko ang paningin kay Gianna matapos niyang maupo sa harapan ko at halos parang ganon nalang niya gustong makasapak ng tao. Ilang araw lang kaming hindi nagkita kaya ganon nalang ang pagtataka ko kung papaanong nakarating kaagad sa kanya ang balita kahit na wala pa akong pinagsasabihan maski isa sa kanilang lahat.


"Gianna," Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sakin at kaagad niya akong pinagtaasan ng kilay. "Paano mo kaagad nalaman ang tungkol doon?"


"Duh! May nagkalat ng pictures nila via social media. Hindi mo pa ba nakikita?" Nagmamadali niyang nilabas ang phone niya at nag scroll roon bago niya iyon hinarap sakin. Naramdaman ko pang sulyapan niya ako. "Kaya hindi mo ko masisisi kung bakit ganito nalang ang galit ko sa tarantadong 'yon."


Napabuntong hininga ako at pakiramdam ko para nanaman akong sinampal muli ng katotohanan sa mga bawat litrato nilang nakikita ko. Matagal lang akong nakatingin doon habang tinatanong ko ang sarili ko kung bakit. Kung bakit niya ako kailangang ganituhin.



Kung bakit kailan nagse seryoso na ako ay may taong gagaguhin ako. Masaya naman kami e pero bakit ganon? bakit at kailan pa?


"Karma," wala sa sariling nasabi ko bago ako tumawa ng sarkastiko. "Nakarma ako dahil sa kagaguhan na nagawa ko noon."



"Ha?" Nagtatakang tanong sakin ni Gianna. Naguguluhan.


Nilingon ko siya at nginitian kahit na ramdam ko na kaagad ang pagtulo ng mga luha ko na mabilis ko rin naman na pinunasan gamit ang likurang bahagi ng kamay ko. Tumango ako sa kanya.



"Yeah, Karma dahil sa pakikipagrelasyon ko sa mga taong may karelasyon na. Ain't funny right?" Nagkibit balikat ako bago sumimsim ng tea ko. Alam kong magang maga na ang mata ko sa kakaiyak pero wala akong pakialam dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na rin alam kung ilang araw na ba akong umiiyak dahil sa tarantadong lalaki na yon.


"Hindi kita ija-judge," Hinawakan ni Gianna ang kamay ko bago niya ako sinalubong ng tingin habang seryoso ang mukha. "Hindi kita pandidirihan so you don't have anything to explain on me about to your past dahil hindi naman ako judgemental na tao."



"Salamat," Napangiti ako. "Pero, para sakin iniisip ko na ang sama sama ko noon kaya ngayon look what I've got, Grabeng karma ang naranasan." Tumawa ako ng sarkastiko at yumuko.


"Samantha, Don't think that much na kesyo nagawa mo yon noon. Mag isip ka nga!" Inis na sabi niya at pagkatapos ay padabog na sumandal sa upuan. "Iba na ang sitwasyon ngayon. Kaya tumahan ka na wag ka ng umiyak hindi mo dapat iniiyakan yung mga ganon na ta-"



"Sam," someone suddenly cut her off. Napalingon kaagad ako sa likuran ko to see that person but my tears continue to flow when I saw Mark. He was wearing casual outfit right now at mukhang plinano niya talaga na puntahan ako dito pagkatapos.



He was about to walk towards on me but I suddenly moved and commanded him to stop. Umiwas ako at mabilis na kinuha ang sling bag ko handa ng lagpasan sana siya pero ganon nalang rin kaagad akong napahinto ng maramdaman ko ang paghawak niya sa palapulsuhan ko.


Hindi na ako lumingon pa sa kanya pinipigilan ang sarili na manatili. Napatakip nalang rin ako sa bibig ko para pigilan ang hikbi ko.



"Can we talk?" Maingat at mahina niyang tanong.



Napayuko ako at wala sa sariling pabagsak ko na binawi ang kamay ko bago siya hinarap. Tumawa ako ng sarkastiko dahilan para makuha ko ang atensyon ng iba pang tao na naroon. Lumapit siya sakin at akmang yayakapin ako pero mabilis ulit akong kumilos para layuan siya.



The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now