47

237 3 1
                                    


"Sasama ako maghatid sa inyo sa kanya sa condo."


Mabilis na napahinto ang lahat sa paglalakad at sabay sabay silang napalingon sakin. Minsan pa silang nagkatingina rin ulit pero wala man lang nagsalita sa kanila ni isa. Kaya napabuntong hininga na lang ako at inalis ang paningin sa kanila bago ako sunod lumakad palapit kay Gaviniel para silipin ang mukha niya na sobra sobra na din agad ang pamumula!


"Pero teka paano pala yung sasakyan niya? Sinong mag uuwi non?" Nag aalalang tanong ni Brent. Tinignan rin niya at sandali na sinilip ang mukha ni Gaviniel bago tumingin sa iba pa naming mga kaibigan na nasa likuran.


"Don't mind it, Ako ng bahala roon." Pagvo volunteer at pagtataas ng kamay din agad na sabi ni Tyler. Nilabas niya ang susi ng sasakyan niya sa kanyang bulsa at iniabot iyon kay Gianna na agad rin naman niyang kinuha. "Sige na, you can go now and I'll be follow."


Tulad nga ng sinabi niya, sabay sabay kami na pumunta na sa kanya kanya naming sasakyan. Nauna na kaming magpaalam rin sa kanila na umalis dahil anong oras na rin at eksaktong dinadalaw na ako ng antok. Hindi pa naman din ako ganon kalasing ng sobra pero nararamdaman ko ng medyo tipsy na ako pero kinakaya ko pa.


Sa huli, ligtas naman namin na narating ang condo ni Gaviniel. Ako na rin ang nagbukas ng elavator ng makapasok kami mismo sa loob. Habang sila Brent at Tyler naman ang abala na bumuhat at umalalay kay Gaviniel. Beyond the mirror of the elevator, I couldn't help but also feel pity already to Gaviniel's looks right now. Nakayuko na kasi ng sobra ngayon ang ulo niya habang ang tuhod niya naman ay nawawalan na rin ng balanse.



Talagang natulog na siya dahil hindi na namin pa muling nakita na minulat niya ang mga mata niya. Pagbukas ng elevator hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa pinto ng condo ni Gaviniel, ako pa rin ang nag asikaso para buksan iyon kaya naman napatabi na lang rin kaagad ako sa gilid para makapasok sila. Sinarado ko na muna rin ang pintuan pagkatapos bago ako sumunod sa kanila sa sala.



Ganon na lang kakita sa mga mukha nila Brent at Tyler ang pangangalay ng madatnan ko na silang nakaupo sa mahabang sofa kung saan bagsak na bagsak naman din ang ulo ni Gaviniel na nakapatong at nakatingala sa kisame. Pawis na pawis na rin ang suot niya na polo kaya naman napalunok na lang din ako bago sila iniwanan sandali para pumunta sa kwarto niya at kuhaan siya ng damit pamalit.



In about 1 year that we almost broke up, mabilis ko na napansin na wala man lang yata na nabago sa kahit na anong sulok ng kwarto niya ni isa. Lahat yon ay nananatili lang sa ganon na itsura. Nang makapamili na ako ng damit pamalit ni Gaviniel ay sunod na rin akong tumayo kaagad roon at mabilis na lumabas. Magsasalita na sana rin ako para alukin sana ng tubig sila Brent at Tyler pero eksaktong pagbalik ko ay para na lang rin silang bula kaagad na nawala.



Napataas na lang rin tuloy ako sa kilay ko na tumingin sa gawi ng pintuan at bumuntong hininga. Bakit hindi man lang sila nagpaalam man lang sakin na kailangan na nilang umalis?




Tahimik ko na lang na ibinalik ang paningin ko kay Gaviniel bago ako sunod na lumakad palapit mismo sa kanya para umupo sa upuan sa kabilang side. Sa gano'ng paraan ko sinilip ang mukha niya habang nakapatong ang isang siko ko sa gilid.

The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now